MONDAY, balik pasok na muli ako ngayong araw sa Carterʼs University. Ang pagkakaiba nga lang ay nasa bahay na ako ni Mister Kenta at hindi sa bahay nila tiya Rosing. Kaya kahit inaantok dahil sa duty ko kaninang madaling araw ay bumangon pa rin ako, kailangan kong hindi ma-late sa first day namin and mamaya ay diretso akong papasok sa Mall. Napaunat-unat ako nang makababa ko sa kama at saka ko na rin inayos ito, tinupi ko ang kumot at pinagpagan ang dalawang unan ko. Pagkatapos nuʼn ay pumasok na ako sa loob ng bathroom para makaligo na para mawala itong pagka-antok ko ngayon. Sa pagbukas ko ng shower ay tuluyan nawala ang antok na nararamdaman ko. Mabilis akong naligo at pumasok na rin sa walk-in closet ko. Doon ay kinuha ko lamang ang pants and black shirt kong may print sa harap na 'To