PAGKATAPOS kong ipahiya ang sarili ko kanina sa classroom ay pinagtawanan nila akong lahat. Bakit kasi nasabi ko talaga nang malakas iyon? Mabuti na lamang ay humupa rin agad ang ingay nang magsalita muli ang Professor namin. Bwisit! Nakapagpasa na rin pala kami ng papel kung saang company kami mag-o-OJT at sa Treasureʼs Wine namin pinili dahil malapit sa campus. Sinearch ni Carol kanina ang tungkol dito at nagchat kami sa facetagram account nila kung hiring ba sila ng magpa-practicum at sinabing hiring naman sila at hindi lamang iyon dahil may allowance rin kaming matatanggap every month at may chance na i-hire rin nila kami kapag nagustuhan nila ang trabaho namin sa company nila. Kaya nagpasya kaming walo na rito mag-OJT. Napatingin ako sa wristwatch ko nang makita ang oras doon. Kay