PASADONG alas-dose naʼng madaling araw nang matapos ang pa-party nila sa amin ni Red. Nakaupo ako ngayon dito sa gilid at pinainom ako ni Alena ng malamig na tubig. “Hindi namin alam na hindi ka sanay uminom, Anna! Sana pinigilan ka namin!” malakas na sabi ni Alena sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. “First time ko lang then gusto ko rin tikman kung ano ang lasa ng wine!” sabi ko sa kanya at ininom na itong malamig na tubig. Akala ko walang gaanong tama ang wine pero mayroʼn din pala. Umiikot na nga kanina ang paligid ko and nakasuka na rin ako kanina. Ganito pala kapag first time na uminom. “Mabuti na lamang ay wala kang pasok bukas,” dagdag niyang sabi sa akin. Napangiti na lamang ako sa kanila at binigay na ang baso na wala ng laman na tubig. Kinuha iyon