NAKABIHIS na ako para umalis ngayong araw. Maaga pa para sa oras ng pagpasok ko sa restaurants kahit sabihin mong dumadaan ako sa fast food para tignan ang lalaki na iyon. Pero, sa pagkakataon na ito ay nakita ko na siya at need naming mag-usap today. “Oh? Ang aga mo, Anna?” saad ni tita Rosing sa akin. Gulat na mga mata ang nakita ko sa kanyang mukha. Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko pa kasi sinasabi kay tiya Rosing na nakita ko na ang lalaking hinahanap ko. Mamaya na lamang kapag nasa akin na ang bag. “Um, need ko pong kitain si Carol, tiya Rosing!” sagot ko sa kanya at hindi ako umiwas ng tingin sa kanya. Alam kasi ni tiya Rosing kung nagsisinungaling ako sa kanya. Mannerism ko kasi ang pag-iwas ng tingin kapag nagsisinungaling ako at alam iyon ni tiya Rosing. “Ganoʼn ba?” tanong