NAKAHIGA na ako sa kama habang iniisip ang sinasabi ni tiya Rosing and Mister Kenta kanina. Contract Wife and last day na tomorrow. Gulong-gulo na ang isipan ko sa daming problema na iniisip ko ngayon, mabuti na lamang ay tapos na ako sa enrolment problem kaya nabawasan ng isa. “Anna? Gising ka pa ba?” Napabalikwas ako ng pagkakatayo at lumakad palapit sa pinto ng kʼwarto ko. Binuksan ko iyon at nakita ko si tiya Rosing sa akin na nakangiti ngayon. “Pina-text ko na kay Mark ang mga lalaki na pumunta rito. Pumayag sila sa kahilingan ko pero wala ng atrasan iyon, Anna. Sagad na raw iyon,” sabi ni tiya Rosing sa akin kaya tumango ako sa kanya. “Okay po, tiya Rosing! Good night po!” nakangiting sabi ko sa kanya. “Oh, siya, matulog ka na rin, Anna. Alam kong pagod ka na,” saad ni tiya Ros