Chapter 38.1 - Cheat

1107 Words

"I CAUGHT him kissing his ex-girlfriend. My husband... is cheating on me." Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman ko ang matinding pananakit nito. Tila sa isang iglap ay bigla akong nagkaroon ng sakit sa puso. At walang ibang may dahilan nito kundi ang sariling asawa. Napapikit ako kasabay ng paghikbi. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha ko. Wala namang ibang magawa ang mga kaibigan ko kundi ang palibutan lang ako. Ni wala silang ideya kung paano ako patatahanin. After I walked out from Archer, I decided to call my friends. Sila lang ang tanging naisip ko na magiging karamay ko ngayon sa nangyari. Dahil sa totoo lang, may parte sa akin na ayaw ipaalam sa mga magulang ang ginawa ng asawa. Kahit na malalim ang galit ko sa kanya ay tila gusto ko pa rin siyang protektahan mula sa mga magu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD