"AALIS ka na agad?" Napatigil sa paglalakad si Archer nang marinig ang tanong ko. Humalukipkip ako at pinagmasdan siya. Bihis na bihis na siya. Bitbit na rin niya ang bag niya. Mukhang handa nang umalis ng bahay. "Yeah," matipid niyang tugon. Sumama ang timpla ng mukha ko. "Hindi ka man lang muna kakain? I cooked breakfast for us." Mabilis siyang umiling. "Sa site na lang ako kakain. Nagmamadali ako ngayon." Napasinghal ako sa narinig. "Sana sinabi mo na lang na hindi ka pala kakain, e 'di sana ay hindi ako nagluto. You just wasted my effort." "I don't want this to happen. Na-late ako ng gising kaya nagmamadali ako at hindi na makakakain dito sa bahay." Hindi ko pinakinggan ang paliwanag niya. Nanatiling matigas ang ekspresiyon ko sa mukha. "Hanggang kailan tayo magiging ganito, A