"WHERE are you going?" Agad na naging alerto ang mga kaibigan ko nang mag-angat na ako ng ulo mula sa pagkakasubsob nito sa lamesa. "I'm going to the comfort room," tila nanghihina kong sabi. Ramdam ko pa rin ang pag-ikot ng paningin. "Gusto mo bang samahan ka namin?" Mabilis akong umiling. "No... I want to be alone." Nang ituon ko ang tingin sa kanila ay nakita kong bakas ang pag-aalala sa mukha nila. Pinilit ko ang ngumiti. "Don't worry, I'll be back. I... I just have to fix myself." Nagkatinginan sila, tila tinatanong ang isa't isa kung hahayaan ba ako. Sa huli ay wala silang nagawa kundi ang pakawalan ako. Nagtungo ako sa banyo ng bar. Pansin ko ang mga tingin sa akin ng mga babaeng nasa loob din ng banyo. Binalewala ko na lang 'yon at dumeretso sa harapan ng sink. Binasa ko