Chapter 6 - Beliefs

1983 Words
"I'M SORRY, Kirsten." Parang batang kumapit sa braso ko si Eyah habang nagpapaawa sa harapan ko. "Kinulit kasi ako nila Tito at Tita, at alam mo namang hindi ko kayang tanggihan ang mga magulang mo," paliwanag niya pa. Dahil sa nangyari kahapon ay nagpadala ako ng mensahe sa kaibigan. Kaya ngayon, sinadya niya pa ako rito sa shop para lang kausapin. Marahas akong napabuntong hininga. "Hayaan mo na. Naisip ko rin naman na baka napilitan ka lang. Isa pa, nangyari na. Wala na tayong magagawa pa." Napanguso siya sa sinabi ko. Mukhang nagi-guilty pa rin sa nangyari. "Ano na kaya ang mangyayari sa 'yo niyan?" Umiling ako. Kahit ako ay walang ideya. Ayaw ko man sa gustong mangyari ng mga magulang ko, ngunit pakiramdam ko ay ipipilit pa rin nila 'yon sa akin. Dahil kung susundin nila ang gusto kong mangyari na hayaan na lang 'yon ay hindi na sana kami umabot sa puntong ito. "Pero sa akin lang, ha. Kung wala kayo ni Tyler at nangyari ito, baka isa na ako sa mga kumukumbinsi sa 'yong pakasalan si Archer." Nangunot ang noo ko sa sinabi ng kaibigan. "Bakit naman? What's good about him?" Umayos siya ng upo sa tabi ko at naiilang na ngumiti. "Marami akong kaibigan na babaeng nagkakandarapa sa kanya. Kaya nga nang malaman kong nandito siya ngayon sa bansa ay inimbitahan ko siya sa birthday ko." Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. "He's a gentleman and kind. Also, he's an engineer. May maganda at maayos siyang trabaho. May mga proyekto rin 'yon sa ibang bansa. Bukod doon, siguro naman ay hindi ka bulag para hindi makita ang kagwapuhan niya." "Hindi ako bumabase sa itsura," sabi ko agad. Tumango siya. "I know, I know. Sabihin na lang natin na bonus na lang 'yon sa kanya, okay?" Napailing na lang ako at bumaling sa ibang direksiyon. Hanggang ngayon ay namomoblema pa rin ako sa nangyayari. Hindi ko pa muli nakakausap ang mga magulang ko simula nang mag-walk out ako sa kanila kagabi. Mas lalong nagkakagulo tuloy ang isip ko. Hindi ko pa natatanggap ang nangyari sa amin ni Tyler at ang pagkawala ng birhen ko noong gabing 'yon, tapos ay dumagdag pa ito sa bago kong iisipin. Nananakit na ang ulo ko sa kinalalagyan kong sitwasyon ngayon. Nagtagal pa si Eyah sa shop ko dahil sa pag-uusap namin. At nang sumapit ang bago magtanghalian ay nagpaalam na rin siya sa akin. Inabala ko na lang ang sarili sa kung ano-anong bagay habang nagpapalipas ng oras. Pero sa totoo lang, wala akong ibang gustong gawin ngayon sa opisina ko ngunit mas mabuti na ito kaysa umuwi agad sa bahay. Hindi ko pa alam kung paano haharapin ang mga magulang ko matapos ng nangyari kagabi. Nawala ang atensiyon ko sa ginagawa nang marinig ang katok mula sa pintuan ng opisina ko. Nang magbukas ito ay bumungad sa akin ang isa sa mga empleyado ko. "Ma'am Kirsten, may naghahanap po sa 'yo sa labas." My brows furrowed. "A VIP customer?" Umiling siya. "Hindi po. Ang alam ko rin po ay ngayon lang siya nagpunta rito sa The Eleganté." Mas nagdikit ang mga kilay ko sa narinig. Para malinawan na ay lumabas na ako ng opisina. Natigilan ako sa kinatatayuan ko nang makalabas ay sumalubong sa akin ang pamilyar na ginang na nakita ko kagabi sa bahay. It's Archer's mom! "Kirsten," banggit niya sa pangalan ko at ginawaran ako ng isang banayad na ngiti. Wala akong naging imik. Ni hindi ko nagawang gantihan ang ngiti niya. Masyado akong nabigla sa presensiya niya sa shop ko. "What... what are you doing here, Ma'am?" utal-utal kong tanong. Nabakasan ng hiya ang ngiting nasa labi niya. "I just want to talk to you, Hija. Is that okay with you?" Saglit akong natahimik at napaisip. May ideya na agad ako kung bakit niya ako kakausapin. At sa totoo lang, nakukuryoso ako. Ano kaya ang opinyon niya sa kagustuhan ng mga magulang ko? Hindi ko narinig ang komento niya kagabi nang sabihin ng ama ko na dapat akong panagutan ng anak niya sa nangyari. Sa naisip ay pumayag ako. Inaya ko siya sa labas ng shop ko at naghanap ng makakainan sa paligid ng mall hanggang sa makarating kami sa isang restaurant. "I'm sorry for what I did last night, Ma'am Brianna," paghingi ko ng paumanhin nang makaupo na kami sa lamesa. Hinihintay na lang namin ang pagdating ng pagkain naming dalawa. "It's okay, Hija. Ako pa nga ang dapat na mag-sorry sa 'yo." Sumeryoso ang mukha niya. "I'm sorry for what my son did to you." Umiling ako. "None of us wanted this to happen. We were both drunk that time. Pareho kaming wala sa tamang pag-iisip at nagpadala sa tama ng alak." Hindi siya umimik sa sinabi ko. Lumunok ako at nilakasan ang loob para magtanong na sa kanya. "Can I ask something, Ma'am?" Marahan siyang tumango dahilan para magpatuloy ako. "Hindi mo man lang po ba pipigilan ang mga magulang ko sa gusto nilang mangyari sa amin ng anak mo?" "No." Nabigla ako sa narinig. May parte sa akin ang nadismaya. "May ginawa sa 'yo ang anak ko na dapat lang niya panagutan. Isa pa, naiintindihan ko kung bakit ito ginagawa ng mga magulang mo." Bumagsak ang tingin ko sa lamesa. "It doesn't make sense at all." "Maybe now, that's what you think. Pero kung iintindihin mo talaga ang nangyayari ngayon, baka sakaling maintindihan mo. Isa pa, hindi sa gusto kong ibida sa 'yo ang anak ko. Pero masuwerte ka dahil handa ka niyang panagutan. Maraming lalaki ang tumatakbo sa ginawa nila." Nang tingnan ko siya ay may nakita akong kung ano sa mga mata niya. Kakaiba rin ang mga naging salita niya. Animo'y may pinaghuhugutan. Habang patagal nang patagal ang titigan namin ay unti-unti kong naintindihan ang emosyong nasa mga mata niya. Puno 'yon ng kalungkutan sa hindi ko malaman na dahilan. 'Di nagtagal ay siya ang unang umiwas ng tingin sa amin nang tila mapansin niyang nagagawa ko nang basahin ang totoo niyang emosyon. "WELCOME home, Ma'am Kirsten. Nagugutom ka na po ba? Maghahanda na po ba ako ng pagkain para sa 'yo?" Ngumiti ako kay Nanay Rowena sa naging pagsalubong niya sa akin. "Opo, paki na lang." Sa sinabi ko ay sabay na kami naglakad papasok ng bahay. "How about Mama and Papa? Kumain na ba sila?" tanong ko nang maisip ang mga magulang. "Opo, Ma'am. Kanina pa po sila tapos." Tila may kung anong kumirot sa dibdib ko nang marinig 'yon. Bumagsak ang balikat ko at tila nawalan ng ganang kumain. Nasanay akong madalas na kasabay ang mga magulang ko sa pagkain. Hindi lang kami nagkakasabay kung talagang abala ang isa sa amin. Nang makarating sa kusina ay naupo na ako sa bangko habang naghihintay sa paghahanda sa pagkain ko. Pero ang totoo niyan, parang gusto ko na lang umakyat agad sa kwarto ko. Ayaw ko nang kumain. Iniisip ko na lang na ayaw kong sayangin ang pagod ni Nanay Rowena sa paghahain para sa akin. "Thank you," pagpapasalamat ko nang maihain na ang lahat ng pagkain sa lamesa. Ngumiti siya. "Sa labas lang po muna ako, Ma'am Kirsten. Tawagin mo na lang po ako kung may kailangan ka pa po." "Sige, salamat ulit." Nang maiwanan nang mag-isa sa dining area ay mabigat akong nagbuga ng hininga. Kinuha ko na ang mga kubyertos at pinilit ang sarili na kumain. Pagkatapos ay ako na mismo ang naglinis ng pinagkainan ko. Naghuhugas na ako ng kamay nang makaramdam ng presensiya sa paligid. Nang bumaling ako sa direksiyon ng bukana ng kusina ay nasilayan ko roon ang ina ko na mukhang kapapasok lang. "Ma..." bulalas ko. Parang hangin lang ako at hindi niya pinansin. Dumeretso lang siya sa harapan ng malaking refrigerator. Binuksan niya 'yon para kumuha ng tubig. Bumagsak ang tingin ko sa sahig at nakagat ang pang-ibabang labi. Malamig ang pakikitungo sa akin ni Mama. At sigurado akong mas malala pa ang ama ko kung sakali. "Ma, please. Talk to me," may halong pakiusap ko nang sabi. Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong hininga. "What do you want to talk about?" Sumagot man siya ngunit naroroon pa rin ang pagiging malamig niya. Sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya ay hindi ko nagawang makapagsalita agad. "Alam mo namang sa ganitong usapin, masyado kaming mahigpit ng ama mo. Tawagin mo na kaming konserbatibo o matradisyunal, pero iniingatan lang namin ang paniniwalang ipinamana sa amin ng mga magulang namin. At gano'n din sana ang gusto namin para sa 'yo," biglang sabi niya. Siya na ang unang nagbukas ng usapin tungkol sa bagay na 'yon. Napalabi ako. "Alam ko naman po 'yon. At sa totoo lang, pinapahalagahan ko ang lahat ng itinuturo nyo sa akin. Hindi ko lang talaga inaasahang magkakaganito, pero wala na akong magagawa. Nangyari na." "May magagawa ka pa, pero ayaw mo lang." Tumingin na ako kay Mama sa sinabi niya. "You can make things right, but you don't want to do it. That's the truth, Kirsten." Nag-init ang mga mata ko habang pinagmamasdan pa rin siya. "At sa tingin mo, iyon ang tamang gawin ko, Ma?" Walang pagdadalawang-isip siyang tumango. Mapakla akong natawa. "Gusto nyo akong ipaksal sa lalaking hindi ko naman mahal. Ni hindi nga natin alam ang totoo niyang pag-uugali o pagkatao." "Sa tingin mo ba, hindi namin naisip ang bagay na 'yan? Alam namin ang ginagawa namin, Kirsten. Hindi ka namin pipilitin ng ama mo na pakasalan ang Archer Mendes na 'yon kung alam naming mapapasama ka lang sa kanya." Napalunok ako at umiwas ng tingin. Walang mangyayari sa usapan namin. Pareho kaming may ipinaglalaban. Kaya kahit anong sabihin ng isa sa amin ay may kontra 'yon. "Think about this again, Kirsten. At sana, maalala mo rin ang mga itinuro namin sa 'yo noon ng ama mo at pati na rin ng mga lolo't lola mo." Matapos na sabihin 'yon ni Mama ay umalis na siya ng kusina. Ni hindi na siya nag-abalang balikan ako ng tingin. Wala akong buhay na naglakad patungo sa stool at naupo roon. Ipinatong ko ang siko sa ibabaw ng counter bago ibinaon ang mukha sa mga palad. Masyadong konserbatibo ang pamilya ko at matradisyunal. Nakuha nila ang ganitong pag-uugali mula pa sa mga magulang at lolo't lola nila. At kahit iba na ang panahon ngayon ay gano'n pa rin ang paniniwala nila. Nirerespeto ko 'yon. May iba't ibang paniniwala naman talaga ang mga tao. At kahit ako mismo ay 'yon ang kinalakihan at pinaniwalaan. Kaya hindi na talaga nakakabigla sa akin kung ipilit nila sa akin ang bagay na ito. Buti nga ay hindi hinabol ni Papa ng itak si Archer. Ang lahat ng bilin sa akin ng mga magulang ko ay isinaisip at isinapuso ko. Ayon sa kanila, ang lalaking pagsusukuan ko ng sarili ay ang lalaking dapat kong makasama habangbuhay. Kaya hindi dapat ako magpadalos-dalos o magpadala sa tukso. Dapat ay mamili ako ng tamang lalaki para sa akin. Dahil sa puntong isinuko ko na ang sarili ay parang tinanggap ko na rin na maging kabiyak ang lalaking 'yon nang habangbuhay. Para sa akin, hindi mababawasan ang halaga ko bilang babae kahit na nawala na sa akin ang pinaka-iniingatan ko. Pero ang paniniwalang nakapaloob doon ay mahalaga, lalo na para sa pamilya ko na sa gano'ng paraan na lumaki. Umangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob nito sa mga palad ko. Malalim akong humugot ng hininga. If agree with that marriage, is everything will be okay? Is everything will be back to normal? Because right now... I just want this to get over. I want to have a peaceful life again. Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang dumapo ang tingin ko sa aking daliri na may singsing. Kinagat ko nang mariin ang labi ko at nanginginig ang kamay na tinanggal iyon mula sa pagkakasuot sa akin. I made this mess... so I have to face the consequence of my action.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD