KAGAT-KAGAT ko ang pang-ibabang labi ko habang nagtitipa ng mensahe sa phone ko. "Come on, girls. Text back ASAP," I typed and hit the send button. Ilang sandali pa ay tumunog ang phone ko. "Try nyo ang movie date." It was Heather's message. Napaisip ako at napailing. Muli akong nagtipa ng mensahe para sabihing mag-isip pa siya ng iba. "Mag-travel na lang kayong dalawa." This time, si Natalia naman ang nagsuhestiyon nito. May isang group chat kami kung saan ay miyembro kaming apat na magkakaibigan. Kaya nakikita ng bawat isa sa amin ang palitan namin ng mensahe. Muli akong napaisip sa naging suhestiyon ng kaibigan. Kung magta-travel kami ni Archer, kulang ang isang araw lang. Hindi kami makakalayo kung sakali dahil baka bukas ay may trabaho na ulit siya. Naputol ang pag-iisip ko nan