"HEY, be careful!" Mabilis na hinawakan ako ni Archer sa kamay para alalayan nang mauna ako sa pag-i-skate. Bahagya akong natawa dahil sa pagiging kabado niya. "Calm down," sabi ko pa sa kanya. Hindi siya umimik at napatango na lang. Inalis ko na ang atensiyon sa kanya at tumuon sa harapan ko. Inalala ko ang bilin at turo ng empleyadong nag-assist sa amin kanina bago tuluyang sumalang dito sa rink. Kinailangan namin 'yon ni Archer para siguradong hindi madidisgrasya sa gagawin namin. Dahan-dahan akong nagpadulas dahilan para mapahawak na rin ako nang mahigpit sa kamay ni Archer. Masyadong madulas ang rink para sa akin at hirap pa akong magbalanse. Konting galaw lang ay parang magtutuloy-tuloy na ako hanggang sa matumba na lang. "This is so hard," komento ko. Natawa ang lalaking kasama