"BAKIT bigla kang napadalaw?" Ngumiti ako sa naging tanong ng ama. "I just missed you and Mama." Napatango siya sa sinabi ko. Malapad namang ngumiti ang ina ko. "Nagtanghalian ka na ba? Halika na, sumabay ka na sa amin ng ama mo." Sunod-sunod akong tumango bilang pagpayag. Masaya akong iginiya ng ina ko patungong kusina. Bago namin tuluyang maiwanan si Papa sa salas ay napansin ko ang pagngiti nito habang pinagmamasdan kami ni Mama. Masaya kaming nagtanghalian ng mga magulang ko. Hindi rin namin napigilan ang magkuwentuhan nang patapos na sa pagkain. Hinahanap nila sa akin si Archer na abala ngayon sa trabaho kaya hindi ko naisama sa pagpunta rito ngayong araw. "Nakakatuwa talaga at mukhang ayos na ang relasyon nyo ni Archer," tuwang-tuwa na banggit ni Mama. Naikuwento ko kasi sa kan