"MA'AM Kirsten, nandito po ang asawa mo." Nawala ang atensiyon ko sa ginagawa sa narinig na sinabi ng empleyado ko. Tumango ako sa kanya. Naging senyales 'yon para tuluyan na niyang papasukin si Archer sa opisina ko. Isang tipid na tango na lang ang naitugon ko sa empleyado nang magpaalam na siya sa akin at lumabas na. Ang buong atensiyon ko naman ay natuon na kay Archer. "What are you doing here?" tanong ko at tumayo mula sa bangko ko. Pareho kaming naglakad palapit sa isa't isa. "I just had a meeting today. Wala nang gagawin sa Stoneworks kaya naisipan kong puntahan ka na lang dito." Napangiti ako. "Ikaw ba? Abala ka pa rin?" biglang tanong niya at saglit na sumulyap ng tingin sa ginagawa ko sa lamesa ko. Nagkalat sa ibabaw nito ang mga papeles. "No, I was just checking the sales