"THANKS, Kirsten." Ngumiti lang ako sa naging pagpapasalamat ni Archer sa pagtulong ko sa pag-aayos ng kurbata niya. Aalis na sana ako sa harapan niya nang maramdaman ang paghawak niya sa baywang ko. Hinapit niya ako palapit sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya at nag-aabang nang makitang lumalapit ang mukha niya sa akin. Maliit akong napangiti nang tuluyan na itong tumama sa labi ko. Kumapit ako sa balikat niya at tinugon ang matamis niyang halik. Puno 'yon ng paglalambing dahilan para maramdaman ko ang pagwawala ng puso ko sa loob ng dibdib ko. We were still kissing each other sweetly when we heard a sound. It came from my phone. It's ringing. Lumayo ako kay Archer at sinenyasan siyang saglit lang. Agad akong lumapit sa bedside table at dinampot ang phone ko. Naging blangko ang mu