NATIGILAN ako nang salubungin ako ng isang mahigpit na yakap ni Tyler nang makarating na sa harapan niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at tila isang tuod lang habang yakap-yakap niya. May ngiti siya sa labi nang pakawalan na ako. Ni hindi ko nagawang gantihan 'yon. "What do you want to order? Should I call the waiter now?" Umiling ako. "Hindi na, hindi rin naman ako magtatagal." Unti-unting naglaho ang ngiti niya sa labi nang marinig 'yon. Kahit tila nakokonsensiya ay pilit ko nang inalis ang tingin sa kanya at naupo sa bangkong kaharap ng inuupuan ni Tyler. Napabuga siya ng hininga bago bumalik na sa kinauupuan niya kanina. Maliit siyang ngumiti sa akin habang magkaharap na sa lamesa. "Pasensiya ka na sa pangungulit ko sa 'yo nitong mga nakaraang araw. I just wanted to talk to you