"SINO kaya 'yan?" "Hindi ko alam. Ngayon ko lang siya nakita. Pero infairness, ang gwapo niya. Asul pa ang mga mata!" "Hinahanap daw niyan si Ma'am Kirsten, pero mukhang 'di naman customer." Matalim kong tiningnan ang mga empleyado kong nagbubulungan tungkol sa akin dahilan para mabilis silang tumalima. Nagkanya-kanya sila ng alis sa harapan ko at nagkunwaring abala sa kung anong bagay. Huminga ako nang malalim at bumuntong hininga. Inayos ko ang postura ko at ipinagpatuloy na ang pagpunta sa lounge area. Dito ay naabutan ko ang lalaking nag-aabang sa akin. "Archer," kuha ko sa atensiyon niya. "What are you doing here?" Tumayo siya mula sa kinauupuan niya. "Are you busy?" Umiling ako. "No, why?" "I'm going to invite you to eat outside." Napaseryoso ang mukha ko sa narinig. Alam