NANG buksan ko ang mga mata, ang una kong nasilayan agad ay ang mukha ni Archer. Nakatagilid ako ng higa at nakaharap sa direksiyon niya. Natigilan ako. Suddenly, I remember a familiar scene. The day I woke up beside him while both of us were naked. Pakiramdam ko noon ay may halimaw akong katabi sa kama dahil may lalaki akong katabi na hindi ko naman kilala. Ang malala pa ay wala akong saplot noon sa katawan. Pero ngayong unti-unti ko nang nakikilala ang parehong lalaki noong araw na 'yon, masasabi kong mali ako sa una kong paniniwala tungkol sa kanya. Yes, he's like a beast. Tall. Well-built body. Intimidating stares. But there's a softness inside him. Ilang segundo pa akong napatitig sa kanya bago dahan-dahan na naupo sa ibabaw ng kama para hindi maistorbo ang tulog niya. Doon ko nap