"KIRSTEN," banggit ni Tyler sa pangalan ko bago naglipat ng tingin sa akin. Tila wala talaga siyang paki sa presensiya ni Archer sa tabi ko. Napalunok ako at hindi naka-imik. Ni hindi ko alam ang gagawin ko ngayong nasa harapan ko siya at nasa tabi ko naman si Archer. Nawala ang atensiyon niya sa akin nang pekeng tumikhim si Archer, kinukuha ang atensiyon ni Tyler. "What do you need from my wife?" simple ngunit may bakas ng pagiging mapanganib na tanong ni Archer. Tumagal ang tingin ni Tyler sa kanya at kalaunan ay puno ng sarkasmong ngumiti. "Ikaw nga pala ang asawa niya." Nagkibit-balikat siya at bahagyang inangat ang dala niyang palumpon ng mga rosas. "Don't worry. I'm just here to give these roses to your wife. It's her favorite flower. I bet you didn't know about that?" Nang mag