"MRS. Mendes!" Malapad akong ngumiti sa mga taong sumalubong sa akin nang makarating na sa site. Naisipan kong dalawin ngayong araw si Archer sa kanyang trabaho para dalhan ng tanghalian. "Hello," bati ko sa kanila. Agad na ngumiti si Jeff na siyang lumapit sa akin para salubungin ako. Isa siya sa mga kasama namin noon nang maghapunan kami ni Archer kasama ang mga katrabaho niya. "Si Engr. Mendes ba ang hanap mo? Nako, umalis. Nagpunta sa Stoneworks." Napatango-tango ako sa nalaman. Bumaba ang atensiyon ko sa dalang paper bag bago nagbalik ng atensiyon sa lalaki. "Magtatagal ba siya? Nagdala kasi ako ng tanghalian niya ngayong araw." "Hindi naman. May tiningnan lang siyang mga materyales sa Stoneworks. Mamaya lang ay babalik na rin 'yon." Pormal siyang ngumiti sa akin. "Kung gusto