Chapter 30 - Love

2520 Words

BIGLA akong nataranta. Naglakad ako palapit sa kanya at basta na lang hinablot mula sa kamay niya ang maliit na piraso na papel na hawak niya. Tumuon ang tingin sa akin ni Archer at saglit na bumaba ang tingin sa hawak ko. Nilukot ko 'yon at umiwas ng tingin sa kanya. "Kasama ba 'yan sa mga rosas na ibinigay sa 'yo?" seryoso niyang tanong. Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung aaminin ko ba sa kanya ang totoo o hindi. "Kirsten," tawag niya sa akin nang hindi pa rin ako umimik. Tumingin ako sa kanya nang wala pa rin masabi. Natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo. Siguradong makaka-apekto ito sa relasyon naming dalawa. "Sabihin mo sa akin. Kanino ba talaga nanggaling ang mga rosas na 'yan?" "Sa customer—" "Why are you still lying to me?" Naitiklop ko ang bibig sa sinabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD