"AALIS na ako," paalam ni Archer. Sinulyapan ko siya ng tingin sa salaming nasa harapan ko bago bumalik sa pag-aayos ng sarili. "Okay. Mamaya rin ay pupunta na ako sa shop." Narinig ko ang mahina niyang pagsinghal sa sinabi ko dahilan para lingunin ko na siya sa likuran ko. Magkasalubong ang kilay kong pinukol siya ng tingin. Masama ang timpla ng mukha niyang nag-alis ng tingin sa akin at dinampot na ang mga gamit niya. Napasinghal ako nang tila maintindihan ang inakto niya. "Why did you look at me like that?" mataray kong tanong nang hindi na mapigilan ang sarili. Naiinis ako sa paraan ng tingin niya sa akin. "Nothing," matipid niyang tugon nang 'di man lang bumabaling sa akin. Napasinghal ako. Pareho naming alam na may kakaiba sa tingin niya! Hindi na ako inimik ni Archer. Lalaba