MATAGAL ng nakalabas ng silid na iyon si nana Rosing, tanging naiwan na lamang doon ay ang mag amang Don Demetrio at Esrael. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang binata pagkuwa'y tumayo sa kaniyang puwesto. Naglakad ito palapit sa lamesa ng ama. Doon sa visitor's chair ay kinakabahang umupo. Saglit din itong tumikhim upang tanggalin ang bolang bumabara sa kaniyang lalamunan. "Demetrio." sambit nito sa pangalan ng ama. "What?" seryosong tumingin ang matanda sa anak. "Um..." anito na tila nagdadalawang-isip pa kung itutuloy ang gustong sabihin sa ama. "Are you okay?" mabilis na nangunot ang noo ng matanda habang hindi pa rin nag babago ang seryosong tingin sa binata. "...I-I just want to say thank you." anang Esrael. Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo nito. "Thank you