"GOOD MORNING." nag aalangan pang binati ni Esrael si Jen nang pagkababa niya sa mataas na hagdan ay kaagad na bumungad sa kaniyang paningin ang dalaga. Kalalabas lamang nito sa pinto ng kusina. Hindi naman pinansin ni Jen ang binata, sa halip ay nag diretso lamang ito sa kaniyang paglalakad. Napapakamot naman sa batok niya si Esrael pagkuwa'y sumunod dito. Alam niyang paparoon ito sa opisina ng kaniyang ama, dahil katulad niya'y pinuntahan din siya ni Elvie sa kaniyang silid kanina upang ipaalam na gusto silang makausap ng Don. Habang nakasunod sa dalaga'y sinusuyod niya ito ng tingin mula sa likuran. Bagay na ramdam din naman ng dalaga kung kaya't tumigil ito sa paglalakad at nakataas ang kilay na binalingan ng tingin ang Esrael. "Isang tingin pa sa hita ko at magsisisi 'yang mga ma