NANG araw na iyon mismo ay nag tungo sa ospital si Jen para makausap si Gracia. Wala siyang ibang mapaglalabasan ng bigat ng kaniyang kalooban sa mga sandaling iyon kundi ito lamang. Tahimik na lumuluha habang nakayakap siya sa kaibigan. "Tahan na, Jen. Tumigil ka na kakaiyak." pag-aalo ni Gracia sa dalaga. Saglit niya itong inilayo sa kaniya at pinunasan ang mga luha sa pisngi. "Tahan na!" Humihikbi pa itong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "Nasaktan ko si lola, Gracia. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mapatawad niya ako. Sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya. Noon pa man ay alam ko ng magagalit siya sa 'kin kapag nalaman niya ang tungkol sa amin ni Esrael. Pero ginawa ko pa rin. Napakawala kong kuwentang apo, Gracia!" umiiling pang saad nito habang sunod-sunod na