MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jen pagkatapos nitong mag hilamos sa loob ng cr sa gasoline station na nadaanan nila ng binata kanina.
Namamaga at namumula ang kaniyang mga mata matapos umiyak kanina dahil sa nangyari sa kanila ni Esrael.
Sinasabi niya na nga ba e! Wala talagang magandang mangyayari sa kanilang dalawa kapag nagkakasama sila sa iisang lugar. Kung hindi lang talaga importante ang pinakisuyo sa kaniya ni Gracia, hindi na sana siya pumayag sa kahilingan nito.
At kung hindi dahil sa mga binitawang kataga ni Esrael kanina, hindi sana siya iiyak ng ganoon. Pinipilit niya na ngang itago sa kaibuturan ng kaniyang puso ang mga alaalang iyon, pero ipinaalala pa nito sa kaniya.
Sunod-sunod na pag singhot ang muling ginawa ng dalaga pagkuwa'y inayos ang nagkalat niyang buhok. Inayos niya ang pagkakatali no'n.
"Walanghiya talaga ang mayabang na 'yon!" nanggigigil na saad nito. "Ang sarap niyang balatan ng buhay." dagdag pa nito.
"Ganoon talaga ang mga lalake."
Kunot ang noo na napatingin si Jen sa bumukas na pinto no'ng cubicle at lumabas doon ang isang babae. Mukhang magkasing edad lang ata sila. Bata pa ang hitsura nito. Tamang-tama lamang ang katawan nito na hindi mataba tingnan at hindi rin naman payat, matangkad, morena ang balat, nakapusod ang buhok nito. May kulay rainbow na scarf ang nakapatong sa mga balikat nito. Nakasuot ito ng puting blusa. Hanggang talampakan din ang haba nang kulay puting palda nito. She's kinda weird.
"Ibig kong sabihin, hindi lahat ng lalake ay mapanakit. Mayroon lang talagang mga lalake na nakakayang manakit ng puso ng mga babae." turan nito at nag lakad palapit sa lababo.
"Excuse me? Ako ba ang kausap mo?" kunot noo na tanong ni Jen.
"Tayo lang naman ang tao sa loob ng banyong ito, kaya sigurado ako na ikaw ang kinakausap ko." anito na siyang naging dahilan ng lalong pag sasalubong ng mga kilay ni Jen. Mayamaya ay itinuon ang paningin nito sa dalaga na nasa repleksyon ng salamin. "Kanina nag tatanong ako sa sarili ko kung bakit ako dinala nitong mga paa ko rito sa istasyon ng gasolinahang ito, gayo'ng wala naman akong sasakyan para bumili ng gasolina. Pero nang makita kita kanina sa labas habang umiiyak, alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon." saad nito habang matamang nakatitig sa dalaga.
Halos mag isang linya na ang mga kilay ni Jen dahil sa mga tinuran nito sa kaniya. Ano ba ang pinagsasasabi ng weird na babaeng ito? Tanong ng kaniyang sarili. Hindi niya naman ito kilala sigurado siya roon. "Ano ang ibig mong sabihin miss?" tanong ni Jen.
Kumilos ito paharap kay Jen. Matamang pinakatitigan sa mga mata ang dalaga. "Nakikita ko sa iyong mga mata ang labis na lungkot at sakit." anito. "Nararamdaman ko ang enerhiya na nanggagaling sa 'yo... malungkot at lumuluha ang iyong puso. Nasasaktan ka dahil sa isang lalake. Nakikita ko sa mga mata mo—"
"Teka! Teka! Teka!" anang Jen upang pigilan sa pagsasalita ang babae. "Ano ba ang pinagsasasabi mo diyan? Sino ka ba?"
Nakakagulat lamang ang mga sinabi nito sa kaniya. Paano nitong nalaman ang tungkol sa nararamdaman ng kaniyang puso?
Ngumiti naman ang babae sa kaniya. "Isang kaibigan." sagot nito.
"Kaibigan? Wala akong kaibigan na weird..." prangkang saad niya at muling pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng babae.
Mas lalo lamang itong napangiti pagkuwa'y kumilos palapit sa kinatatayuan niya. Mabilis namang napaatras si Jen.
"Huwag kang matakot, hindi naman ako masamang tao." anang babae.
"Ano ang malay ko!"
"Gusto ko lang makita ang palad mo." sa halip ay turan nito.
Muling nangunot ang noo ni Jen. "At bakit naman? Manghuhula ka ba?" may panunuyang tanong niya.
Sa halip na muling mag salita ang babae, mabilis nitong inabot ang kamay ng dalaga. Pilit na ibinuka ang pagkakakuyom niyon. Hindi naman na pumalag si Jen, sa halip ay tiningnan na lamang niya ang ginagawa nito sa kaniyang palad. Hinimas-himas iyon ng babae, banayad at masuyo. Medyo nakakakiliti pa.
"Ang sinasabi ng palad mo, hindi maglalaon ay makakamit mo rin ang pagmamahal na matagal mo ng ipinapanalangin sa Diyos. Hindi magtatagal ay darating din ang totoo, tapat at labis na pagmamahal galing sa lalakeng nakatadhana para sa 'yo." nakangiting saad nito pagkuwa'y nag angat ng mukha upang tapunan ng tingin ang dalaga.
Unti-unting nawala ang pagkakakunot ng noo ni Jen. "Ano ang ibig mong sabihin?"
"Pag-ibig." anito. "Nasa paligid mo lamang ang pag-ibig na matagal mo ng hinihintay."
"Pag-ibig? S-sino?" tanong niyang muli.
Sa pagkakataong iyon ay muling naramdaman ni Jen ang malakas na pagtahip ng kaniyang dibdib nang sumagi sa kaniyang isipan si Esrael.
"Hindi ko makita sa palad mo kung sino ang lalakeng ito. Pero nakikita ko kung gaano kalalim ang pagmamahal na ibibigay niya para sa 'yo. Ikaw ang magiging mundo niya. Pakamamahalin ka niya ng labis at sobra-sobra. Pero—" anito at saglit na tumigil sa pagsasalita. Saglit na tiningnan muli ang palad ng dalaga. "Pag-ibig ngunit may kaakibat na sakit pagdating sa dulo."
Muling nag salubong ang mga kilay ni Jen dahil sa mga huling sinabi nito. Bumuka ang kaniyang bibig, ngunit wala namang kataga ang nanulas doon. Mabilis niyang binawi ang kaniyang palad mula rito mayamaya.
"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong niya makalipas ang ilang segundo.
"Ang ibig kong sabihin, kapag dumating ang panahon na iyon ay maging matatag ka lamang. Dahil wala namang problema o suliranin na ibinibigay ang Diyos sa atin na hindi natin kayang malagpasan." anito at walang paalam na tumalikod at nag lakad palabas sa banyong iyon.
Ilang minuto na ang nakakaraan simula nang lumabas ang babae at naiwang mag-isa roon si Jen. Nakatulala lamang at iniisip pa rin ang mga sinabi ng babae sa kaniya.
Nasa paligid niya lamang daw ang Pag-ibig na matagal na niyang hinihiling sa Diyos. Ano ang ibig nitong sabihin?
Mayamaya ay nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga.
"Kalokohan! Hindi naman totoo ang mga hula-hula na 'yan." aniya sa sarili. "Kung nasa paligid ko lang pala siya, bakit hindi niya ako lapitan at tapatin?" muling saad nito. "Walang katotohanan ang mga sinabi nang weird na babaeng 'yon kanina." mayamaya ay dagdag pa nito pagkuwa'y nag pasiya na ring lumabas doon.
Pagkalabas pa lamang sa pinto ng banyo ay kaagad na bumungad sa paningin niya si Esrael. Nakasandal sa gilid ng sasakyan nito. Nakayuko at nakapamulsa ang dalawang kamay. Tila malalim ang iniisip.
Nasa paligid mo lamang ang pag-ibig na matagal mo ng hinihintay.
Muling lumitaw sa kaniyang isipan ang boses ng babae habang mataman siyang nakatingin sa direksyon ng binata.
"Kasinungalingan! Kung talagang siya nga ang pag-ibig ko, bakit kailangan kong masaktan ng ganito dahil sa kaniya? Bakit sinabi niya sa akin noon na wala siyang nararamdaman para sa 'kin? Kung siya nga ang lalakeng nakatadhana para sa pag-ibig ko, bakit kailangan kong masaktan hanggang ngayon?" aniya. "Oh! Poor Jen. Bakit ka naman nag papaniwala sa mga sinabi nang babae sa 'yo? Do you really think na may katotohanan ang mga sinabi niya? Hindi totoo ang mga manghuhula. Wala silang kakayahan na makita ang future ng isang tao o kahit ano pa man." saad nito sa sarili. Ngunit sa kabilang banda ay naroon ang munting pag-asa sa kaniyang puso na sana nga at totoo ang mga iyon. Napapailing na lamang na nag lakad si Jen palapit sa kinaroroonan nito.
Kaagad na napatayo ng tuwid si Esrael nang makita ang dalaga na papalapit sa kinaroroonan ng kaniyang sasakyan.
Nagdadalawang isip pa siya kung kakausapin ito. Baka mamaya niyan ay umiyak na naman ito dahil sa kaniya kagaya na lamang kanina. Aminado siyang kasalanan niya at hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na lumagpas sa linya niya.
Alam naman niya at hindi siya manhid para hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng pag-iwas ni Jen sa kaniya simula noong mag tapat ito sa kaniya na mahal siya nito na tinanggihan naman niya dahil wala siyang pag-ibig na nararamdaman para dito. Alam niyang pinipilit nitong kalimutan ang mga nangyari sa kanila noon. She's trying to moved on from him, iyon ang sinabi sa kaniya ni Jen noong isang gabi. Pero ito naman siyang gago at inungkat niya pa kanina ang lahat ng nakaraan nila, dahilan upang masaktan niyang muli ang puso nito. Such an idiot. Gusto niyang kastiguhin ang kaniyang sarili lalo na no'ng makita niya ang pamamaga at pamumula ng mga mata nito. Gusto niya itong lapitan at kausapin, but how? Paano niya iyon gagawin gayo'ng panigurado naman siyang labis na ang galit nito sa kaniya ngayon.
Tahimik na binuksan ni Esrael ang pinto sa front seat upang sumakay doon ang dalaga. Nagpakawala pa ito ng malalim na buntong-hininga bago umikot sa driver seat at lumulan na rin doon.
Ilang segundo itong nanahimik sa kaniyang puwesto. "I-I'm sorry." anito habang nakatuon ang paningin sa ibabaw ng manibela.
Itinapon ni Jen ang kaniyang paningin sa labas ng bintana. Hudyat na ayaw niya itong makausap. Ayaw niyang marinig ang mga sasabihin nito sa kaniya.
"I'm really sorry. I didn't meant to hurt you earlier. It's my fault at hindi ko napigilan ang sarili ko na lumagpas na pala ako sa linya ko. Really sorry, Jen." malamlam ang boses na saad nito.
Binalingan niya rin ng tingin ang dalaga mayamaya. Walang emosyon ang mukha nitong nakatitig sa labas ng bintana. "I'm really sorry."
Hindi siya naghihintay ng anumang sagot mula rito, basta ang mahalaga ay nasabi niya ang paghingi ng tawad sa ginawa niya kanina. Hindi man ito sumagot ay ayos lamang, basta ang mahalaga ay narinig nito ang mga sinabi niya. His sincere apologies to her.
Muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang binata bago binuhay ang makina ng kaniyang sasakyan at tahimik nilang muling binaybay ang kahabaan ng high way hanggang sa makarating sila sa Bulacan. Ang pakay nila roon.