"GRACIA." magkasalubong ang mga kilay ni Jen nang tapunan niya ng tingin ang kaibigan. "Nag bibiro ka ba?" tila hindi makapaniwalang tanong nito.
"E, wala akong ibang puwedeng mautusan ngayon. Wala si Miguel." turan ni Gracia sa dalaga. "Sige na! Ngayon lang naman ako humihingi sa 'yo ng pabor e!" dagdag pa nito pagkuwa'y yumakap sa braso ni Jen.
Kaagad namang tinanggal ng dalaga ang kamay nito at lumayo rito. Sunod-sunod din itong umiling.
"Ayoko!"
"Please..."
"Ayoko!" mariing pagtanggi nitong muli.
Tahimik ang kaniyang buhay kanina habang nakahiga sa kaniyang kama at nag babasa ng libro. Pero itong si Gracia ay bigla na lamang nambulabog sa kaniya.
Gusto siya nitong utusan na mag tungo sa Bulacan upang ibigay ang wedding invitations sa kaibigan nitong si Marie. Okay lang naman sa kaniya nang una. Pumayag kaagad siya dahil naiintindihan niya ang sitwasyon nito. She can't travel back and fort sa kalagayan niyang iyan ngayon. Pero nang malaman niyang si Esrael ang makakasama niya sa biyahe'y bigla siyang nag alinlangan. Naroon man ang excitement sa kaniyang kaibuturan sa ideyang makakasama niya ang binata sa mahabang biyahe, ngunit kaakibat din niyon ang pag aalinlangan niya na baka magkaroon na naman ng sagutan o pagtatalo sa pagitan nilang dalawa habang magkasama.
"Si Esrael lang kasi ang puwedeng mag hatid sa 'yo papunta roon."
"Puwede akong mag taxi." mabilis pang saad niya rito.
"Mag ta-taxi ka pa e, may kotse naman si Esrael."
"Gracia." tinitigan niya ng mataman ang kaibigan. "Hindi nakakatuwa ang biro mo..." saad nito.
"Sino ba ang may sabi sa 'yo na nag bibiro ako?" balik na tanong nito. "Jen, alam ko naman na ayaw mong makasama si Esrael sa iisang lugar e! Alam ko na magagalit ka at hindi ka papayag sa hinihiling kong pabor sa 'yo kapag nalaman mong si Esrael ang makakasama mo. Pero wala akong ibang choice." saad nito at bigla pang nalungkot ang boses at hitsura.
Mabilis na lumipad sa ere ang isang kilay ng dalaga. Ayan na naman ang style ni Gracia. Kunyari malungkot at mag papaawa na naman sa kaniya hanggang sa mapapayag siya nito.
"Kung papayagan lang sana ako ni Chico na mag biyahe ng matagal, ako mismo ang pupunta kay Marie sa Bulacan para personal na iabot sa kaniya ang invitations sa kasal ko." saad nito. Laglag ang mga balikat na umupo ito sa gilid ng kama ng dalaga. "Hindi bale, hihintayin ko na lang si Chico na makauwi mamaya." dagdag pa nito.
Naningkit ang mga mata ni Jen habang nakatitig pa rin sa kaniyang kaibigan. Nag pakawala nito ng malalim na buntong-hininga. Kunwari'y naiinis pa nitong ipinatong sa ibabaw ng lamesa ang hawak na libro. "Oo na." magkasalubong ang mga kilay na saad nito.
Pigil ang ngiti sa mga labi ni Gracia nang marinig niya ang sinabi ng dalaga. Nag angat ito ng mukha upang tingnan ang kaibigan.
"Huwag na! Napipilitan ka lang naman e! Si Chico—"
"E 'di huwag—"
"Joke lang. Ito naman." mabilis pa sa alas kuwatrong saad ni Gracia kasabay ng pag silay ng kaniyang ngiti sa mga labi. "Salamat amiga." aniya at tumayo sa kaniyang puwesto. Lumapit ito sa dalaga upang muling yumakap dito.
"Kung hindi lang talaga kita kaibigan at hindi importante ang hinihiling mo sa 'kin... nunca na pumayag ako." saad pa nito.
"Kaya mahal kita e, kasi hindi mo ako matanggihan." may lambing pang saad ni Gracia kay Jen.
NAKABIBINGING katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa habang binabaybay nila ang kahabaan ng high way.
Nakatuon lamang ang atensyon ni Esrael sa unahan ng kaniyang sasakyan. Paminsan-minsan ay napapatingin ito sa rare view mirror upang pasimpleng silipin ang dalaga na tahimik lamang sa passenger seat.
Parang pakiramdam ni Esrael mag-isa lamang siya sa loob ng kaniyang sasakyan sa mga sandaling iyon. The moment is awkward. Iyon ang pakiramdam niya.
Kung sana lang talaga at kaya niyang mahindian ang kahilingan ni Gracia sa kaniya, e 'di sana kagabi pa lamang nang kausapin siya nito at sabihing siya ang mag hahatid kay Jen sa Bulacan, sana tumanggi kaagad siya. But he can't refused her.
"Um—" anito at saglit na binalingan ng tingin ang katabi. "Hindi ka ba nababagot?" lakas loob niyang tanong dito. Bahala na si Batman kung sasagutin nito ang tanong niya o kagaya sa lagi nitong ginagawa ay deadma na naman siya. At least he talk. Baka mapanis na ang laway niya kung hindi niya ibubuka ang kaniyang bibig. "Are you hungry?" tanong niyang muli. "Um, maybe you want to go to the comfort room? Hindi ka ba naiihi or something?" wala siyang ibang maisip na itatanong dito. Kaya kung ano na lamang ang pumasok sa isipan niya ay iyon ang sasabihin niya rito. "Are you okay?"
"Kung patuloy kang magsasalita diyan at tatanungin ako ng kung anu-ano, hindi talaga ako magiging okay." seryoso at walang emosyon na saad ni Jen pagkuwa'y sinabayan pa ng pag taas ng isang kilay niya. Hindi na rin siya nag abalang tapunan ng tingin ang katabi. Nakatuon lamang ang kaniyang paningin sa labas ng bintana.
Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Esrael. "I just want to know kung okay ka lang that's why I asks you. Baka mamaya niyan e, hindi ka pala komportable na magkasama tayo rito. I mean, I know ayaw mo akong makasama sa iisang lugar." anito.
Blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha nito nang balingan nito ng tingin ang binata. Tinitigan niya ito habang nakatuon ang atensyon nito sa pagmamaneho. "Alam mo naman pala, pero bakit nagtatanong ka pa?" nakataas ang kilay na saad nito.
Lihim na nag tagis ang bagang ni Esrael. Naiinis na talaga siya sa katarayan ng babaeng ito. Kapag siya hindi nakapagpigil sa kaniyang sarili, ewan na lamang niya kung hanggang saan aabot ang katarayan nito. Huwag lang talaga nito sasagarin ang kaniyang pasensiya.
"Don't try my temper Jen." anito at muling nag tiim bagang.
Sa halip na matakot dahil sa sinabi at pag igting ng panga ng binata. Natawa lamang ng pagak si Jen. "Don't try your temper?" tanong nito. "At ano ang gagawin mo, magagalit ka sa 'kin at—"
"I'll take you to my bed." tiim bagang at nag kikiskis ang mga ngipin na saad nito. Naikuyom niya ng mariin ang mga palad habang nakahawak pa rin sa manibela. Sinusubukan talaga siya nito e!
Ganoon na lamang ang pagsasalubong ng mga kilay ni Jen at wala sa sariling napatitig sa mukha ni Esrael. Ayan at nag sisimula na namang mag rigodon ng malakas ang kaniyang puso. Maging ang pamilyar na init sa magkabila niyang pisngi ay nararamdaman na naman niya dahil sa linyang binitawan nito sa kaniya. Pakiramdam ni Jen, bigla siyang bumalik sa nakaraan niya. Nakaraan nila ng binata. Three years ago. Alam niyang pulang-pula na ngayon ang kaniyang mukha dahil sa sinabi nito. Isa-isa na namang bumabalik sa kaniyang alaala ang mga nangyari sa kanila noon.
"I'll take you to my bed kung hindi mo ako titigilan diyan sa katarayan mo." kalmado at seryosong muling saad ni Esrael habang nasa unahan ng sasakyan ang kaniyang paningin. Ewan ba niya at sa dinamirami ng puwede niyang sabihin dito ay iyon pa ang lumabas sa kaniyang bibig. Just like what he always do to her before. Kapag kung minsan ay hindi niya nagugustohan ang kilos at sinasabi ni Jen ay iyon ang ginagawa niyang parusa nito.
"Bastos!" wala sa sariling sambit ng dalaga. Parang kaunti na lang din ata ay uusok na ang kaniyang ilong at mga tainga dahil sa labis na inis sa lalake.
Biglang natawa ng pagak si Esrael. "Bastos? Ngayon ako pa ang naging bastos!" anito. "Para namang bago sa 'yo na makasama ako sa kama." dagdag pa nito kasabay ng pagsilay ng nakakalokong ngiti sa mga labi niya nang muli niyang balingan ng tingin ang dalaga. "You saw me naked before. Maraming beses ding may nangyari sa atin noon. Pero bakit parang ang bastos pa rin ng dating no'n sa 'yo ngayon?" tanong nito. Mabilis ding nag unahang pumasok sa isipan niya ang mga nangyari sa kanila noon ni Jen. "We explored remember honey? On my bed. Floor. Couch. Table. At the shower room. At the motel. We even did it at the kitchen, no'ng muntikan na tayong mahuli ni Demetrio." isa-isa niyang binanggit ang mga iyon habang malapad ang kaniyang pagkakangiti sa dalaga. Hindi niya alintana ang nangagalaiting hitsura nito.
"Walanghiya ka talaga, Esrael." hindi na napigilan ni Jen ang kaniyang sarili. Basta na lamang umangat ang kaniyang kanang kamay at sunod-sunod na pinaghahampas ng malakas ang balikat ni Esrael.
Muling napahalakhak ang binata. Ito lang pala ang mag papainis sa mataray na dalaga. Hindi niya man inaasahan na mauuwi sa ganoon ang pag-uusap nila habang nasa biyahe. But Esrael is so thankful dahil sa conversation nila ng dalaga. Galit man ito sa kaniya, at least kinausap siya nito. He can't deny the fact that he missed having conversation with her. Kagaya noon.
"Stop it!" natatawang saway nito pagkuwa'y hinuli ang kamay ni Jen gamit ang kaniyang kanang kamay.
"Walanghiya ka..."
"Hindi ako walanghiya honey. I just want you to remember kung gaano kasarap ang mga alaalang 'yon!" nakakaloko pa rin ang ngiti nito sa mga labi habang magkasalikop ang kanilang mga palad.
Padabog na binawi ni Jen ang kaniyang kamay mula rito. Nag pupuyos ang kaniyang inis dito. Oo na't mahal niya pa rin ito. Pero hindi ibig sabihin niyon ay okay lamang para sa kaniya na muli nitong halungkatin ang nakaraan nila at ipaalala iyon sa kaniya. Pinipilit niya na ngang ibaon sa kaibuturan ng kaniyang puso ang mga pangyayaring iyon, tapos ngayon isa-isa na namang bumabalik sa alala niya. Sa labis na inis ni Jen ay malinga-lingang hambalusin niya itong muli at huwag ng tantanan. Masuwerte ito at nasa biyahe sila, kung hindi... nako, sinasabi ni Jen. Bugbog sarado talaga ito sa kaniya.
"I remembered you told me before na nag enjoy ka sa katawan ko." mayamaya'y muli itong nag salita. "Pati sa alaga ko—"
"Oh! Shut up, Esrael." tila nahahapong saad na lamang nito at pabagsak na isinandal muli ang likod sa upuan. "Huwag mo ng ipaalala sa 'kin ang mga nangyari noon. What's done is done." saad niya rito.
"Admit it first again and I'll stop." turan nito. Ngayon lang siya makakaganti sa lahat ng pagtataray nito sa kaniya mag mula noon, kaya susulitin niya na.
Hindi umimik si Jen sa kaniyang puwesto.
"Come on honey!"
"Okay fine. I admit it." inis na turan niya. Para sa ikatatahimik nito. "Nasarapan ako sa katawan mo noon. Pero baka nakakalimutan mo..." aniya. Lumipad na namang muli sa ere ang isang kilay nito. Saglit na tinitigan ang mukha ng binata pagkuwa'y bumaba ang kaniyang paningin sa pagitan ng mga hita nito. "...wala kang ipinagmamalaki, Esrael. Bulate lang naman 'yang alaga pero ang yabang-yabang mo." saad nito.
Natawa ng malakas ang binata dahil sa sinabi niya. She's so impossible. Sa loob-loob niya. "Really?" tanong nito. "Oh! Esrael, please harder. Deeper." anito na ginaya pa ang boses ng dalaga. Umungol din ito. "Hindi ba't ganiyan ka kung masarapan noon dahil dito sa bulateng sinasabi mo?" saad nito.
Biglang nanahimik sa kaniyang puwesto si Jen. Mayamaya ay wala sa sariling kinagat niya ang kaniyang pang ibabang labi nang biglang mag init ang sulok ng kaniyang mga mata. Traydor ang kaniyang mga luha. Traydor ang kaniyang isipan. Traydor si Esrael.
Unti-unting napawi ang ngiti sa mga labi ng binata nang marinig niya ang sunod-sunod na pag singhot ng dalaga. Kunot ang noo at nag aalala itong napalingon sa katabi.
"J-jen? Are you crying?" tanong.
Mabilis na inihimpil ni Esrael sa gilid ng kalsada ang kaniyang sasakyan.
"Hey!"
"Huwag mo akong hawakan." pinigilan niya ang kamay nito at nag sumiksik sa gilid ng pinto habang pinipilit ang sarili na huwag iparinig dito ang kaniyang pag-iyak.