"YOU OKAY?" untag na tanong ni Octavio kay Esrael nang lapitan niya ito sa gilid ng swimming pool. "What's the problem?" Latag na ang dilim sa buong paligid. Nag papahinga na rin ang mga tao sa loob ng mansion. Patulog na sana kanina si Octavio nang kausapin siya ng kaniyang asawa na si Gracia. Sinabi nitong nasa labas daw ang kaniyang kapatid at mukhang may problema. At bilang mabait na kapatid; pinuntahan niya ito sa swimming pool area para damayan sa kung anuman ang pinagdadaanan nito ngayon. Saglit na nag angat ng kaniyang mukha si Esrael para tapunan ng tingin ang kadarating lamang na kapatid. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito sa ere bago dinala sa tapat ng kaniyang bibig ang bote ng alak at tumungga roon. "Nothing." tipid na sagot nito. Kakauwi niya lamang galin