CHAPTER 2

1631 Words
KUNOT ang noo na napatitig si Jen sa mukha ni Gracia habang nakaupo siya sa harap ng hapag. Kanina pa siya nitong tinititigan. Para bang may gusto itong sabihin sa kaniya pero hindi naman masabi-sabi. "Okay ka lang ba?" kunot pa rin ang noo na tanong nito. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Gracia pagkuwa'y itinuon ang paningin sa platong nasa harapan niya. "Nagkausap kami ni Esrael kanina." aniya. Mabilis pa sa alas kuwatrong napabuntong-hininga si Jen nang marinig ang sinabi ng kaibigan. Tumayo ito sa kaniyang puwesto at dinala sa lababo ang tasa na ginamit niya. Tahimik niya iyong hinugasan. "Jen—" "Gracia, ayokong pag-usapan." putol nito sa iba pang nais sabihin ni Gracia. "Pero—" Blanko ang ekspresyon sa mukha nito nang saglit na balingan ng tingin ang kaibigan. "Ayoko. Please!" anito 'tsaka muling ipinagpatuloy ang ginagawa. "Nanghihinayang lang ako para sa mga nangyari sa inyo noon." sa halip na pakinggan ito, muling nag salita si Gracia habang matamang nakatingin sa nakatalikod na kaibigan. "Gusto rin kitang maging masaya, Jen." dagdag pang saad nito. "Unang-una, masaya ako Gracia." anang Jen nang tuluyan na nitong harapin ang kaibigan. Nakapamaywang pa itong sumandal sa gilid ng lababo. "Pangalawa, walang may nakakapanghinayang doon. Bakit ako manghihinayang sa isang katulad niya? Isang gago at walang pakialam sa nararamdaman ng puso ko?" anito. "At isa pa, hindi ba't sabi ko naman sa 'yo... it's been three years. Past is past. Kung anuman ang mga nangyari noon ay tapos na iyon." aniya kagaya sa lagi niyang iginigiit na dahilan dito. And she's moving on from him, isa pa iyon sa mga dahilan niya rito. Pero taliwas naman sa totoong nararamdaman ng kaniyang puso. "Pero iba ang nakikita ko na sinasabi ng mga mata mo, Jen. Ibang-iba sa mga salitang palagi mong binibitawan sa 'kin." anang Gracia. "Mahal mo pa rin siya iyon ang sinasabi ng mga mata mo." "Hindi ko na siya mahal, Gracia." mariing saad nito. Such a big liar. Anang kaniyang isipan. "Alam mo naman kung ano ang dahilan ko kung bakit hindi ako makaalis ng tuluyan dito sa mansion. Hindi ko kayang iwanan ng mag-isa ang lola." her another reason. Muli itong humugot ng malalim na buntong-hininga at pinakawalan sa ere. "Kagaya nang sinabi ko sa 'yo dati, nag moved on na ako sa kaniya. Dahil iyon lang ang paraan para mawala ang sakit dito sa puso ko." aniya. "Pero kung patuloy mo pa ring igigiit sa 'kin ang mga bagay na 'yan..." huminto ito sa pagsasalita. Mayamaya ay mabilis itong nag iwas ng tingin sa mga mata ni Gracia. Baka mamaya niyan ay mapatunayan nga talaga nitong nag sisinungaling lamang siya. Baka mas lalo lamang nitong igiit sa kaniya na tama ang nakikita nito sa mga mata niya at mali ang mga sinasabi ng bibig niya. Siya, hindi na mahal si Esrael? Come on! Baka nga hindi niya na magawang makalaya mula sa pagmamahal na iyon para kay Esrael, dahil kahit ano pa ang sabihin niyang dahilan sa kaniyang sarili na huwag na itong mahalin, hindi talaga mawala-wala ang lintik na pag-ibig na iyon sa puso niya. Na kahit siguro gumunaw man ang mundo, her love for Esrael will still remain. Kagaya sa kung paano unang beses na umusbong ang pagmamahal niya noon para dito. Mabilis na tumalikod si Jen nang maramdaman niya ang pag-iinit sa sulok ng kaniyang mga mata. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang kaniyang mga luha. Hindi na nag salita si Gracia. Alam niya kung ano ang totoong nararamdaman nito ngayon kahit pa mag deny ito sa kaniya ng paulit-ulit. Mula sa kinauupuan ay tumayo si Gracia at nag lakad upang lapitan ang kaibigan. Walang paalam na kinuha niya ang kamay nito at niyakap. "Sorry." saad niya. "Bakit ka naman nag s-sorry diyan?" balik na tanong nito. "Sorry, kasi gusto kitang maging masaya. Sorry, kasi pinipilit kong paniwalain ang sarili ko na maaari pang magkaroon ng happy ending ang isturya ninyo ni Esrael." saad na lamang nito. "Alam ko, balang araw magiging okay ka rin." "Oo naman." mabilis na saad ni Jen at ngumiti ng pilit. "Hayaan mo't kapag nag punta sa kasal namin ni Chico ang mga kaibigan kong espanyol, irereto kita sa kanila para naman tumamis na ang buhay mo." pagbibiro pa ni Gracia. "Bruha ka talaga." natawang bigla si Jen dahil sa mga sinabi niya. "At ano naman ang akala mo sa buhay ko? Maalat, maasim—" "Mapait." mabilis na turan ni Gracia. "Para kang ampalaya." "Ewan ko sa 'yo. Ang dami mong alam." anito at humiwalay mula sa pagkakayakap ni Gracia. "Teka nga at baka maipit pa ang pamangkin ko." "Babywife." Sabay pang napalingon sa may pintuan ng kusina ang dalawang babae nang sumulpot doon si Octavio. May bitbit na isang kumpon ng bulaklak. "Nandito ka na pala mi Chico." mabilis pa sa alas kuwatrong lumitaw ang malapad na ngiti sa mga labi ni Gracia. Napuno na naman ng pagmamahal ang kaniyang mga mata nang masilayan ang kaniyang asawa. Nag lakad si Octavio palapit sa dalawang babae. Sinalubong niya ng matamis na halik sa mga labi ang asawa. Halik na puno ng pagmamahal. Tila ba'y isang taon silang hindi nag kita at labis na nangulila sa isa't isa samantalang dalawang oras lang naman ang nakalipas simula nang mag tungo sa trabaho niya si Octavio. "How are you my babies?" tanong ni Octavio sa asawa pagkatapos ay yumuko upang gawaran din ng halik ang tiyan nito. "Okay naman kami rito, Chico." anang Gracia. "Para ba sa 'kin ang mga bulaklak na ito?" tanong pa nito. Nag kibit-balikat si Octavio. "Wala naman ako ibang pagbibigyan nito kundi ang magandang asawa ko lang." anito. "Oh! Te amo mi amor." malambing na sambit ni Gracia pagkuwa'y ipinulupot sa baywang ng asawa ang isang braso at ipinilig ang ulo sa katawan nito. "Te amo mucho babywife." Napapairap na lamang si Jen habang nakatingin sa dalawang nag lalambingan. "Puwede bang lumayas na kayo rito sa kusina?" anang Jen upang isturbuhin ang dalawa. "Umakyat na kayo sa kuwarto n'yo at doon na kayo mag harutan! Hindi ba kayo nahihiya sa mga plato, baso at kaldero dito?" kunyari ay mataray na saad nito. "Ang sweet-sweet n'yo e! Nakakairita." lumipad pa sa ere ang isang kilay nito. Napangiti na lamang ang mag-asawa nang balingan siya ng tingin ng mga ito. Ang lakas na ng loob ni Jen na mag salita ng ganoon kahit pa nasa harap niya si Octavio. Samantalang noon, takot na takot ito sa lalake. Kahit ang mag salita ng isang kataga lamang ay nag dadalawang isip pa ito. But now she's free to say whatever she wants to say. Dahil kakampi niya ang kumander ni Octavio. "The bitter woman." nakangiting bulong ni Octavio sa asawa. "Let's go upstairs babywife. May naiingit kasi rito." aniya at inalalayan si Gracia na mag lakad palabas ng kusina. "Hoy! Watch your word Octavio. Hindi ako ingit." mataray at napapaismid pang saad nito habang sinusundan ng tingin ang mag-asawa. Napairap din ito. "Ako maiingit? No way!" aniya sa sarili. "Bakit naman ako maiingit?" PASIPUL-SIPOL pa si Esrael habang nag lalakad ito papasok sa kusina. Mayamaya'y natigilan ito sa paghakbang nang marinig ang boses na bumubulong sa kung saan. Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi nito. Pero halata sa boses nito ang inis at pagdadabog. Kunot ang noo na humakbang ang binata palapit sa kinaroroonan ng refrigerator. There she is. Nahaharangan man nang pinto ng ref, alam ni Esrael kung sino ang nag mamay-ari sa tinig na 'yon. Teka, bakit parang galit ata ito? May kaaway ba ito? Nag tatakang tanong pa ng kaniyang isipan. "Alam mo bang gusto kong dumugin 'yang katawan mo?" gigil na saad ni Jen. Bigla namang natigilan si Esrael sa kaniyang puwesto. "Gusto kitang pira-pirasuhin." Kunot ang noo at nag tatakang napatitig lalo si Esrael sa dalaga. Abala ito sa kung anuman ang ginagawa sa likod ng pinto nang ref. "Dahil ito talaga ang bagay sa 'yo. Pagkatapos, pakukuluan kita ng sobra-sobra. Hanggang sa lumambot pati ang mga buto mo. Tingnan lang natin." Wala sa sariling napapalunok na lamang ng kaniyang laway si Esrael. Why so brutal? Anang kaniyang isipan. Mayamaya ay tumikhim ito para agawin ang atensyon ng dalaga. Kaagad na natigilan sa ginagawa niya si Jen. Kunot ang noo na sumilip ito sa gilid ng pinto nang ref. Doon ay nakita niya si Esrael. Nakatayo ito dalawang dipa ang layo mula sa kaniya. Nakapamulsa pa ang dalawang kamay. "Are you mad or something? May kaaway ka ba diyan?" tanong nito. Mabilis na inismiran ni Jen ang lalake pagkuwa'y kinuha ang manok na kanina pa niya kinukuha sa loob ng ref. Dahil sa kapal ng yelo na bumalot dito ay nahirapan na siyang tanggalin iyon kung kaya't tinutusok-tusok niya ito ng kutsilyo. Makalipas ang ilang minutong pakikipagtalas niya roon, sa wakas ay nag tagumpay din siya. "Ano ba'ng kailangan mo?" mataray na tanong nito pagkuwa'y nag lakad palapit sa lababo na nasa may likuran lamang ng binata. Napaatras naman kaagad si Esrael nang makita niya sa kamay ni Jen ang matalim at malaking kutsilyo. Nakatutok iyon sa direksyon niya nang dumaan ito sa kaniyang tabi. "N-nothing." kibit-balikat na saad nito at napakamot sa kaniyang leeg nang muling humarap sa kaniya ang dalaga. Hawak pa rin nito ang patalim. "Um, s-sorry to disturb you. K-kukuha lang naman ako ng tubig." nauutal pang saad nito. Pinapagpalipat-lipat ang paningin nito sa mukha ng dalaga at sa hawak nitong kutsilyo. Mayamaya'y nag mamadali itong lumapit sa ref at kumuha ng malamig na tubig. Pagkatapos ay walang paalam na lumabas ito ng kusina. "Tss! Ngayon natatakot ka?" asik ni Jen habang sinusundan ng tanaw ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD