"JEN..." anang Esrael nang makita nito ang dalaga na nasa hardin ng mansion.
Latag na ang gabi at tulog na ang mga tao sa loob ng bahay. Pero dahil hindi pa dalawin ng antok ay nag pasiya na muna ang dalaga na lumabas para mag pahangin.
Awtomatikong sumikdo ang kaniyang dibdib nang madinig niya ang boses ng binata mula sa kaniyang likuran. Malinga-lingang lingunin niya ito, pero sa huli... pinigilan niya ang kaniyang sarili na gawin iyon at nag kunwari na lamang na hindi niya ito narinig.
"Why are you still awake?"
Muli niyang nadinig ang tinig nito na papalapit na sa kinaroroonan niya. Hanggang sa tumigil ito sa paglalakad at tumayo sa tabi niya. Kita ni Jen sa gilid ng kaniyang mata ang binata. Hindi pa rin siya nag abalang imikin ito.
Mayamaya ay nadinig niya ang pagpapakawala ng malalim na buntong-hininga ng binata bago ito umupo sa kaniyang tabi.
"It's already late. You should—"
"Matutulog ako kung kailan ko gusto." anang Jen upang putulin sa pagsasalita ang binata. Saglit niya itong nilingon bago muling itinuon ang paningin sa malayo. "Ano ba ang kailangan mo? Hindi ba't ang sabi ko sa 'yo huwag mo akong lalapitan. Lumayo ka sa 'kin kapag nandito tayo pareho sa bahay ninyo. Mahirap bang intindihin 'yon?" anito sa seryosong boses.
Katahimikan ang saglit na namayani sa pagitan nilang dalawa. Mayamaya ay narinig niyang tumawa ng pagak ang binata. Dahilan upang mapalingon siyang muli sa gawi nito. Kunot ang noo na tinitigan niya ito sa mga mata.
"Ano ang nakakatawa sa sinabi ko?" inis na tanong nito.
"Nothing." anito. "You're kidding me right?" dagdag na tanong pa nito habang magkasalubong ang kanilang mga mata. "Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa 'kin?" tanong nito.
"Ano ang gusto mong gawin ko? Matuwa sa 'yo? I-entertain ka pa rin sa kabila nang mga nangyari sa atin noon?" pagalit na saad nito. Matalim na titig ang ipinukol niya rito bago tumayo sa kaniyang puwesto at lumayo rito.
Matagal na panahon na rin ang tatlong taon. She's trying to avoid him everytime na nasa mansion ang binata. Iniiwasan niya ito sa abot ng kaniyang makakaya. She needs to act as if normal ang lahat para sa kaniya. Lalo na kapag nasa harapan niya ang binata. Kapag nasa harapan niya ang kaniyang lola Rosing maging ang ama nitong si Don Demetrio.
Mahirap mag panggap sa totoo lang. Mahirap kalimutan ang mga masasakit na alaala nang nakaraan. But Jen is trying her very best para lamang hindi maipakita sa binata na apektado pa rin siya sa mga nangyari sa kanila noon. She's trying very hard para lamang ikubli ang totoong pinagdadaanan at nararamdaman ng kaniyang puso sa tuwing nasa harapan niya ang binata.
"I'm trying to moved on from you, Esrael." mariing aniya. Muli niya na namang ginamit ang mapanlinlang niyang mga salita. I'm trying to moved on. Gayo'ng ang totoo nama'y kahit kailanman ay hindi niya iyon ginawa. Kung talagang gusto niyang mag moved on sa binata, bakit hindi niya na lamang lisanin ang mansion ng sa gayo'n ay tuluyan na siyang makalimot sa nakaraan? But she can't do that, dahil hanggang ngayon ay umaasa pa rin siya. Umaasa pa rin na baka mag bago ang mga salitang binitawan ni Esrael sa kaniya tatlong taon na ang nakakaraan.
"Jen, tapos na 'yon. Matagal ng tapos 'yon. And I'm already said sorry for how many times. Baka naman puwede na nating kalimutan ang mga nangyari noon—"
"Talagang kakalimutan ko, Esrael." aniya dahilan upang matigil sa pagsasalita ang lalake. "Wala akong balak na habang buhay na dadalhin ko sa puso ko ang mga kagagohan mo." mahina ngunit mariing saad pa nito. Such a good actress, Jen. Anang kaniyang isipan. "At para sabihin ko sa 'yo... hindi ko kailangan ng sorry mo. Bakit, kapag ba tinanggap ko ang sorry mo mawawala na ang lahat ng sakit na ginawa mo rito sa puso ko? Maibabalik ba no'n ang bagay na nawala sa 'kin?" tanong nito. "Hindi na, Esrael. Kahit isang milyong beses ka pang humingi ng tawad sa 'kin. It wont ease the pain. The pain will still remain. Sa buong pagkatao ko." well that's true. Kahit pa sabihing mahal niya pa rin ito pagkalipas ng mahabang panahon. The pain will still remain.
Tumayo na rin sa kaniyang puwesto si Esrael. "But Jen—" akma na sana nitong lalapitan ang dalaga pero muli itong lumayo mula sa kaniya.
"Enough." anito at walang paalam na tumalikod at nag mamadaling umalis doon.
Napapailing na lamang na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Esrael habang sinusundan ng tingin ang dalaga. "Damn it." anito.
Kinabukasan, nagising si Jen dahil sa pang iisturbo sa kaniya ni Gracia. Gusto niya pa sanang matulog dahil sa totoo lang, ano'ng oras na rin siya nakatulog kagabi pagkapasok niya sa kuwarto nila ng kaniyang lola. Pero itong kaibigan niya, ayan at siya na naman ang kinukulit ngayon.
"Ano ba, Gracia!" magkahalong antok at inis na saad nito pagkuwa'y kinuha ang kaniyang unan at ipinangtakip iyon sa kaniyang mukha. Padapa itong humiga sa kaniyang kama.
"Dali na Jen. Samahan mo akong mag libot sa labas. Maganda ang sikat ng araw ngayon o!" saad ni Gracia habang pilit na tinatanggal nito ang unan sa mukha ng dalaga. "Please! Gusto kong mag pa-araw. Para naman healthy si Kiwi sa loob ng tiyan ko." dagdag pa nito.
"Ayoko nga kasi. Inaantok pa ako." protesta nitong muli.
"Dali na kasi..."
"Gracia, bakit ba ako ang kinukulit mo? Nandiyan naman ang asawa mo a!" inis na saad nito mayamaya. Nag dadabog pa itong bumangon mula sa pagkakahiga at umupo sa ibabaw ng kaniyang kama.
"Wala kasi si Chico ngayon e!" aniya.
"E 'di mag hanap ka ng ibang puwede mong makasama sa labas. Please, huwag ako. Huwag ngayon! Tinatamad at inaatok pa ako." anito habang nakapikit pa rin ang mga mata. Medyo kumikirot pa ang kaniyang sintido at masakit ang kaniyang mga mata sa totoo lang.
"Ano ba kasi ang ginawa mo kagabi at nag puyat ka na naman?" tanong ni Gracia.
Sa halip na sumagot. Pabagsak na muling humiga si Jen sa kaniyang kama.
"Sabihin mo nga sa 'kin ang totoo, nagkausap na naman ba kayo ni Esrael?" kunot ang noo na tanong ni Gracia.
Kilala niya na ito. Kapag ganoon ang inaakto at kilos nito, iisa lamang ang dahilan kung bakit. Malamang at sigurado si Gracia na ang binatang si Esrael na naman ang dahilan.
"Okay sige na! Matulog ka na muna diyan. Ako nalang ang lalabas para mag pa-araw." pagsuko nito sa bandang huli.
Nagpakawala pa ito ng malalim na buntong-hininga bago tumayo at lumabas sa silid ng mag lola. Sakto namang papasok siya sa sala nang matanaw niya ang binatang si Esrael. Pababa ito ng hagdan.
"Good morning." nakangiti pang bati niya rito.
"Hola señorita. Buenos días." ganting bati rin nito sa hipag. "Hello to our bebe Kiwi." bati rin nito sa batang nasa sinapupunan ni Gracia.
Gracia is nine months pregnant. Araw na lamang ang hinihintay nito para lumabas ang panganay nila ni Octavio.
Kagaya sa mag-asawa at sa dalawang matanda, excited din si Esrael na masilayan ang unang magiging pamangkin niya. Malamang na maging spoiled din ito pagkalabas sa tiyan ni Gracia. Kagaya na lamang sa nanay nito. Masiyado ng spoiled kay Octavio. Not only to Octavio, pero sa kanilang lahat.
"Bakit hindi ka na lang umupo sa isang sulok, Gracia? Ako ang nahihirapan kakatingin diyan sa malaki mong tiyan. You looked like a penguin kapag naglalakad. Hindi ba mabigat 'yan?" anang Esrael na pinipigilan pa ang sarili na huwag matawa dahil biglang nag bago ang hitsura ng kaniyang hipag. Para na naman itong mangangain ng buhay.
"Huwag mo akong pagtawanan diyan, Esrael. Baka hindi kita payagan na hawakan ang pamangkin mo kapag lumabas na siya." mataray na saad ni Gracia pagkuwa'y inirapan ang binata.
"Kidding. Ito naman hindi na mabiro." nakangiti pang saad nito.
Banayad na hinahaplos ni Gracia ang kaniyang tiyan nang titigan niya ng seryoso ang mukha ng binata.
"Why?" kunot ang noo na tanong nito. "Don't tell me hanggang ngayon ay nag lilihi ka pa rin at ako ang pinaglilihian mo?" aniya. "Masuwerteng bata kapag nagkataon. Pagpapalain ng kaguwapohan ko." dagdag pa nito habang nakapaskil sa mukha ang malapad na ngiti.
Gracia is so cute kapag naiinis sa kaniya. Kaya gustong-gusto niya itong laging inaasar e! Huwag lamang talaga makita ni Octavio. Dahil tiyak siyang suntok na naman ang aabutin niya sa kapatid niyang brutal.
"Tigilan mo itong Kiwi ko, Esrael." inis na saad ni Gracia. "Kung may pagmamanahan man siya sa kaguwapohan, sa tatay niya 'yon at hindi sa 'yo. Diyos ko! Maawa ka naman sa anak ko kapag pati ang pagiging babaero mo mamana niya." anang Gracia.
"Grabe ka naman sa 'kin—"
"O, bakit hindi ba?"
Napapailing na lamang ang binata habang nakangiti pa rin ng malapad.
"Halika at samahan mo akong mag lakad-lakad sa labas. Mag papa-araw ako." saad nito mayamaya.
"I knew it. Ako na naman ang gagawin mong bodyguard mo. Aba! Hindi ako pinapasahod ng asawa mo Gracia baka nakakalimutan mo." anito.
"Halika na! Huwag ka ng mag reklamo diyan at wala ka namang ginagawa." anang Gracia at iniabot ang kamay sa binata upang alalayan siya nitong mag lakad palabas ng mansion.
Napapakamot naman sa kaniyang ulo si Esrael. Lihim na napangiti si Gracia nang tanggapin nito ang kaniyang kamay at alalayan siya sa kaniyang baywang. He can't say no to her anyway. Lahat ng sinasabi ni Gracia ay hindi nito matanggihan, even Judas and Uran kapag nasa mansion ang mga ito.
"Thank you." ani Gracia nang buksan ni Esrael ang malaking dahon ng pinto at alalayan siyang makababa sa dalawang baitang ng hagdan na nasa labas ng main door.
"So, what is it?" tanong ni Esrael mayamaya habang nag lalakad na sila sa may damuhan.
Alam niyang gusto siya nitong makausap kung kaya't siya ang inaya nitong mag lakad-lakad sa labas. Knowing that Gracia and Jen are bestfriends. May kutob na si Esrael na alam na ni Gracia ang nangyari sa kanila ng dalaga sa nag daang gabi.