"I'M SORRY." anang Gracia habang magkayakap pa rin sila ni Jen. Mayamaya ay inilayo niya ito sa kaniya at pinunasan ang mga luha sa pisngi nito. "Naiintindihan kita sa nararamdaman mo. Ang akin lang, hindi mo kailangan na mag sekreto sa 'kin sa kung anuman ang totoo mong nararamdaman para sa kaniya. Jen, parang kapatid na rin kita kahit pa sabihing maikling panahon pa lamang simula nang magkakilala tayo rito sa mansion ng papa Demetrio." aniya at inayos ang buhok nitong nahulog sa tapat ng mukha nito. Inipit iyon ni Gracia sa likod ng tainga nito. "Hindi ba dati, sa 'yo ko sinasabi ang nararamdaman ko para kay Chico? Sa 'yo ko sinasabi kung gaano ko siya kamahal. Kung nasasaktan ako dahil sa kaniya. Kasi nag titiwala ako sa 'yo. Alam kong hindi mo ako iiwanan kapag mas lalo pa akong masakt