NAGPAKAWALA ng malalim na buntong-hininga ang dalaga matapos nitong subukang buksan ang door handle ng sasakyan ni Esrael na nasa gilid niya lamang. Pero kagaya kanina'y dismayado pa rin siyang ibinagsak ang likod sa upuan. Naka-lock ang pintuan at mukhang hindi siya makakatakas dito mamaya kung sakali mang ihinto nito ang sasakyan. Dalawang beses pa itong muling nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga. Pilit na pinapakalma ang sarili dahil sa inis na nararamdaman para sa binata. "So deep." napapailing pang saad ni Esrael na hindi manlang nag abalang alisin ang paningin sa unahan ng kaniyang sasakyan habang nagmamaneho. "Gusto ko ng umuwi." tila nababagot na saad ng dalaga. "After we eat." mabilis namang sagot ni Esrael. "Ayoko ngang kumain." mariing saad nito. "Hindi pa ako gutom.