"SALAMAT, Gracia." anang Jen pagkuwa'y nginitian ng tipid ang kaibigan. Nakaupo siya sa gilid ng kaniyang kama habang nakaupo naman si Gracia sa may paanan ng kama ni nana Rosing. "Magaan na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Gracia sa kaniya. Tipid namang tumango si Jen bilang tugon dito. "Masarap sa pakiramdam at nakakahinga ka ng maluwag kapag alam mong wala kang kinikimkim na problema diyan sa puso mo. Kaya simula ngayon, huwag na huwag ka ng maglilihim sa 'kin. Sabihin mo sa 'kin ang lahat ng problema at pinagdadaanan mo. Nandito lang ako lagi para damayan ka." turan pa ni Gracia pagkuwa'y matamis na ngiti ang pinakawalan para sa kaibigan. Matapos mag-usap ay nag paalam na rin si Gracia sa dalaga. Muli nitong binalikan ang asawa na nasa hardin at kausap pa rin ang kapatid na si Esra