PAWISAN at hinihingal na bumagsak si Esrael sa tabi ni Jen. Kinabig niya ang ulo ng dalaga papunta sa kaniyang dibdib 'tsaka ito ikinulong sa kaniyang mga bisig. Banayad na hinimas-himas niya ang buhok papunta sa balikat at braso nito. Minsan pang ginagawaran ng halik ni Esrael ang noo ni Jen. "Te amo mi Chiquita." bulong ni Esrael sa puno ng tainga ni Jen bago nito muling ginawaran ng halik ang tuktok ng ulo nito 'tsaka ipinikit ang kaniyang mga mata. Kinabukasan ay naalimpungatan si Jen nang may maramdaman siyang gumalaw sa tabi niya. Inaantok ma'y pinilit nitong igalaw ang ulo at imulat ang mga mata lalo pa't may nararamdaman din siyang mabigat na nakadagan sa may hita niya. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ng dalaga nang pagbaling niya ng tingin sa gawing kanan niya ay ang