CHAPTER 21

2249 Words

"ANG cute, cute naman ng babies na 'to." anang Jen habang nakaupo ito sa gilid ng kama at hawak-hawak ang mga kamay nang dalawang munting anghel nina Gracia at Octavio. Pagkahatid pa lamang nang mga nurse sa kambal doon sa silid na inuokopa ni Gracia ay hindi kaagad nagpahuli ang dalawang matanda. Excited na makita at mahawakan ang kanilang mga apo. Ang magkakapatid ma'y hindi rin nagpahuli. Labis na natutuwa ang mga ito dahil sa pagdating ng kanilang mga pamangkin. "Ano pala ang ipapangalan mo rito sa unica hija mo, Gracia?" mayamaya'y tanong ni Jen. Siya na ang naroon at nilalaro-laro ang maliliit na kamay nang kambal. Saglit na binalingan nito ng tingin ang kaibigan. Katabi nito ang asawa na si Octavio. "Dapat pala nagpa-ultrasound ka na noon para nalaman natin na kambal ang baby mo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD