Episode Ten

1868 Words
-THE KING OF THE BULLIES. CHLOE TO THE RESCUE. YUAN ARRIVES IN SCHOOL- THURSDAY. Bukas, Foundation Day na sa school. Sigurado nang festive ang  atmosphere bukas. Nadaan na nga ni Felix kanina sa school grounds na busy na ang hired crews na itinatayo ang mga rides at booths na gagamitin para bukas. Tapos sa gabi naman mangyayari ang pinaka-highlight na event ng Foundation Day, ang Miss Teen Earth pageant na gaganapin sa The Pearl Theatre. Ginawang elective ng adviser nilang si Mrs. Agnes Ilagan ang pag-attend sa pageant para suportahan ang event. Pero kahit naman hindi ito ginawang elective ng adviser nila, obligado pa ring um-attend si Felix dahil kailangan niyang i-cover ang pageant para makagawa siya ng brief article about sa event at sa mga winners para sa school paper. Aside pa diyan, kasali pa sa baseball game ang kapatid niyang si Jervy sa Sabado na gaganapin sa school nito sa Little Marionette Montessori. Designated hitter at pitcher si Jervy sa laro. Proud na proud si Jerome nang malaman nito kaya gusto niya lahat silang pamilya ay a-attend sa first ever baseball play ni Jervy. Hindi siya tatanggap ng kahit anong alibi para lang hindi makadalo. “It’s a done deal!” Sabi pa nito habang kausap sila ng Mommy niya. Napabungtung-hininga na lang si Felix habang kinukuha ang mga gamit na kailangan niya para sa classes niya sa araw na ‘yon. Designated na yata mag-go with the flow na lang siya for the rest of his life. Tiyempo namang tina-transfer niya sa bag niya ang baon niya for recess na ham and cheese sandwich na nakalagay sa Ziploc bag nang dumaan sa tapat ng locker niya ang considered King of the Bullies sa school nila na si Deejay, kasama ang dalawang cohorts nitong sina Kai at Tim. “Ham and cheese ba ‘yan? Sakto! Gutom pa naman ako!” Nagulat na lang si Felix nang itulak siya palayo ni Deejay sa locker niya para makuha nito ang sandwich niyang nasa zip-top bag. “O, mga bros! May Twix pa dito, o! Tig-i-tig-isa tayo!” At hinagis ni Deejay ang candy bars sa dalawa na maagap naman nilang nasalo. “Deejay, puwede ka namang manghingi sa ‘kin nicely. Bibigyan naman kita. Hindi mo na kailangan i-shove away mo ako sa locker ko.” Sita ni Felix kay Deejay. “Bakit? May problema ka ba, mofo?” Maangas na tanong ni Deejay habang kinukuha na ang sandwich sa zip-top bag. Heavyset si Deejay. Disheveled ang oily na buhok nito. Stand-out din ang mga pimples nito sa mukha. Lalo tuloy na-enhance ang pagka-mean ng look nito. Mofo ba, Deejay? Baka homo.” Gatong na pang-aasar ni Kai na kinakain na ang nakuhang candy bar. Tumawa pa ito ng malakas. Na-conscious agad si Felix sa mga nakarinig ng birong-patama sa kanya si Kai sa mga estudyanteng naglalakad sa locker area. “Nakuha n’yo na food ko, ‘di ba? Baka puwedeng tigilan n’yo na rin ang pang-aasar sa kin!” “Hoy, mofo!” Lumapit si Deejay kay Felix at hinawakan nito ang collar ng suot niyang uniform. Ngumisi ito nang makita ang takot sa mukha ni Felix. “Hoy, homo!” Ulit ni Deejay na sinadya pang lakasan ang boses. “Aasarin ka namin ‘pag trip namin, ha? Hindi ka puwedeng tumanggi kasi ako ang nagsasabi. Understood, homo?” Saka malakas na itinulak ni Deejay si Felix sa mga stocks ng lockers. Nanginginig na si Felix sa takot. “Kung iniisip mong magsumbong kay Principal Sarmiento, don’t waste your time, homo! Tito ko ‘yun, eh. Hindi ka papansinin nu’n. Baka hindi lang food ang mawala sa ‘yo pag binalikan kita next time. Clear sa ‘yo? Sagot!” Isinalya ulit ni Deejay ang likod ni Felix sa locker stocks. Umuga ang mga iyon ng malakas, mina-match ang malakas na nginig ng katawan ni Felix. “Clear na, Deejay. Clear na.” Halos pumiyok ang boses ni Felix sa sobrang kaba. “Good. Padalhan mo ulit kami ng baon bukas, ha? May kasama ulit Twix.” “Twink for Twix!” Ganting biro ulit ni Kai at nagtatawanang nag-high five pa sila ni Tim. “Trash mo.” Nilagay ni Deejay ang wala nang laman na Ziploc bag sa bulsa ng suot na uniporme ni Felix. “Remembrance.” Wala nang energy si Felix na tumanggi sa pambu-bully ni Deejay at ng mga kasama nito sa kanya. “Deejay!” Malakas ang tinig ng isang babae ang narinig ni Felix na sumigaw na very familiar sa kanya ang boses. “Boss, si Chloe!” Announce ni Tim kay Deejay. Akala ni Felix ay apparition lang ang nakikita niya. Pero si Chloe nga ang lumalapit sa kanila na galit na galit na nakatingin kay Deejay. “Hi, Chloe!” Biglang nawala ang menace sa boses ni Deejay. Nag-switch agad ang aura nito na parang maamong tupa nang makita si Chloe. “Payag ka na ba to go out on the date with me this weekend?” “Shut up! Why are you and your thugs are rounding on Felix? May bago na naman kayong napagtripang i-bully!” “Hindi!” Tanggi agad ni Deejay na inalis ang kamay niyang nakahawak sa collars  ng uniform ni Felix. “On the contrary, nakikipag-bonding nga kami dito kay homo. Ops! Sorry! Ano nga ba ulit pangalan mo?” Nakita ni Chloe ang sandwich na may kagat sa isang kamay ni Deejay. Napansin niya rin ang mga candy bars na hawak ng mga kabarkada ni Deejay na sina Tim at Kai. Sinubukan itago pa ni Kai sa likod niya ang may bawas nang candy bar. “Deejay, you and your scumbag friends already have hefty allowances. Bakit kailangan n’yo pang kunin ‘yung baon ng iba? Are you really proving to me and to everyone how pathetic and lowlife you could be?” “Hindi ko ‘to basta kinuha lang.” Itinaas pa ni Deejay ang hawak na sandwich. “Binigay n’ya ‘to sa ‘kin. ‘Di ba?” Tanong pa nito kay Felix para mag-agree ito sa kanya. Pero hindi na siya sinagot ni Felix. Gusto na lang nito mag-disappear na lang siya bigla. “If you don’t straighten up, Deejay, I’ll be forced to report this to our teachers. Ilalagay ka na naman nila sa detention. Or worse, you and your douchebag peers might be put on a three day suspension. Again.” Napahawak pa sa left breast si Deejay na kunwari nag-worry ito sa threat ni Chloe. “All right, stop! I’m scared all ready! Kai, Tim! ‘Lika na! Punta tayo sa Eastwood!” Tawag ni Deejay sa mga kabarkada habang inuubos ang kinuha nitong sandwich kay Felix. “Hindi ka a-attend ng English class natin?” Gulat na tanong ni Chloe nang lumalakad na paalis sina Deejay. “We’ll have a graded discussion on Cannery Row later.” “May errand sa ‘kin si Uncle. Saka hindi naman importante ‘yun! Mas importante ‘yung poem reading sa Monday. Wanna join us sa Eastwood?” “No!” Agad na tanggi ni Chloe. “Suit yourself!” At inakbayan na ni Deejay sina Kai at Tim habang naglalakad palayo. “Jerk! Just because nephew siya ng principal, he thinks he could always get away with anything.” Wala sa loob na nabanggit ni Chloe habang sinusundan ng tingin ang tatlong bullies sa school nila. “’Yun naman ang usually na nangyayari. They’re always being reprimanded, but no sanctions was ever given. Kaya malakas ang loob na mam-bully ang tatlong ‘yan. Lalo na si Deejay.” Sagot ni Felix na narinig pala ang sinabi ni Chloe. Lumapit si Chloe kay Felix na nakasandal pa rin sa mga locker stock. “Okay ka lang ba?” Worried nitong tanong. “Tinulak lang naman niya ako sa mga lockers, eh. It didn’t even hurt at all, really.” Pero ang totoo, may after shocks pa kay Felix ang ginawang pambu-bully nina Deejay sa kanya. Slightly nanginginig pa rin siya. “Ganito na lang.” Dumukot si Chloe sa dala niyang tote bag. “I was suppose to put this on my locker kaya ako nadaan dito.” Sandwich na nakalagay sa parchment paper ang kinuha nito mula sa bag. “Tuna sandwich with relish. I made it myself. Sa ‘yo na lang. I remember kasi, nagyayayang kumain sa labas sina Jill and Reginald mamaya, hindi ko ‘to makakain. Sayang lang.” Nagulat si Felix sa gesture ni Chloe. Hindi naman sila close para gawin niya ‘yun. “Chloe, hindi ko ‘ata matatanggap ‘yan.” “Kunin mo na. I insist. Ako ang nagi-guilty sa ginawa sa ‘yo ni Deejay. That halfwit bully!” Nainis na naman si Chloe nang maisip si Deejay. “Kunin mo na ‘to, Felix. Please?” “Sige.” Sagot ni Felix habang kinukuha ang sandwich sa naka-offer na kamay ng kaklase. “Thanks, Chloe.” “Ano ka ba? Wala ‘yun.” At that moment, nadaanan na sila ni Jill. Nagulat ito nang makitang magkasama sa locker area sina Chloe at Felix. “Chloe!” Tawag nito sa kaibigan. “’Andito ka lang pala sa may locker area. Pumasok na tayo sa room natin. Nakita ko na ‘yung kotse ni Mr. Aguirre sa parking. Any minute dadating na ‘yun. ‘Lika na! Ayokong mabigyan ng demerits for tardiness.” Hinila na ni Jill si Chloe bago pa ito maka-respond. “Felix! Sumunod ka na sa ‘min, ha?” Nilingon pa ito ni Chloe kahit hila-hila na siya ni Jill. Tumango lang si Felix. Kailangan pa niya kasing ayusin ang locker niya na naiwan bukas nang dumating ang grupo nina Deejay. “Bakit kinakausap mo ‘yun? Friends na kayo?” Suspicious na tanong ni Jill kay Chloe nang nakalayo na sila kay Felix. “Ha? Hindi. I mean, napagtripan kasi siya nina Deejay. Buti nga, I saw them. Otherwise baka hindi pa siya tinigilan ng mga ‘yun.” “Wow! Defender of the underdogs. Hindi ko alam na may friend pala akong superhero.” Natawa si Chloe kay Jill. “Sira! Isa ka rin sa mga bully, eh!” Walang alam sina Chloe, Jill at Felix na sa parking lot ng The Good Earth Academy, tumigil ang isang sleek na BMW motorbike. Naka-leather motorcycle jacket at custom made na Iron Man helmet ang may-ari ng motorbike. Marami ang napatingin, lalo na ang mga teenage girl students ng school at lantarang kinilig nang tanggalin ni Yuan ang suot na helmet sabay ayos ng kamay niya sa nagulong buhok. Bitbit ang Iron Man helmet, nilakad ni Yuan ang school grounds papunta sa office ni Principal Enrico Sarmiento dahil ‘yun ang instruction sa kanya on his first day of reporting to school. Ang hindi na-imagined ni Yuan na sa pagpayag niyang mag-transfer sa The Good Earth Academy ay sisimulan rin niyang guluhin ang buhay nina Chloe, Jill at Felix. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD