Episode Nine

1479 Words
-REGINALD BEING PESKY. JILL ASKS ABOUT THE NEW GUY. FELIX’ NEW FRIEND- IRITABLENG napatingin si Chloe kay Reginald nang mag-belch ito ng malakas. Natuloy sila sa Denny’s sa Eastwood. Katatapos lang nilang kumain at halata sa demeanor ni Reginald na busog na busog ito. “Ang gross naman nito!” Hindi napigilang sabihin ni Chloe. Katabi pa naman niya si Reginald. “Sorry, Babe. Napadami ‘yata nakain ko.” Nangingiting sabi naman ni Reginald. “You’re ordering too much kasi. Nag-burger ka na, umorder ka pa ng Lumberjack Slam. And then ikaw pa halos umubos ng appetizers. Ma-empacho ka d’yan!” “Uy! Concern na concern sa ‘kin si Babe.” “Stop calling me that! It’s already getting into my nerves!” Tinakpan pa ni Chloe ng mga kamay niya ang dalawa niyang tainga. Natawa naman si Jill sa childish reaction ni Chloe. Nakaupo ito sa tapat nila ni Reginald. Katabi naman ni Jill ang boyfriend nitong si Francis na nakaakbay sa kanya na habang nagdi-dip ng chicken fingers sa ranch dressing. I-offer pa nito ang na-dip na chicken finger kay Jill. Pagkakagat ni Jill sa chicken finger ay bigla siyang nanakawan ng halik ni Francis. Naggi-giggle na pabirong tatampalin ni Jill palayo ang mukha ng boyfriend sa kanya. “Kelan kayo tayo magiging ganyang ka-sweet, Babe?” Pinapanuod na pala ni Reginald ang paglalambingan nina Jill at Francis. Pinili na lang hindi sumagot ni Chloe at baka ma-offend pa niya ang feelings ni Reginald. Sina Jill at Francis naman kasi. Dapat pag nagsosolo na lang sila naglalambingan ng ganyan. “Subuan mo na lang ako ng salad na kinakain mo, Babe?” Natuon na naman ang attention ni Reginald sa kanya. “Hindi ka naman mahilig sa salad. Saka vinegar dressing nakalagay dito. Hindi mo lang magugustuhan.” “Ayaw mo lang maging sweet sa ‘kin, Babe. Nakakatampo ka naman.” Nag-pout pa si Reginald. Saktong dumaan sa tapat ng glass window nila ang isa nilang kabarkada na si Iñigo, kaabay ang girlfriend nitong si Sara. Si Francis ang unang nakakita sa kanya. “Bro, si Iñigo, oh!” Tawag ni Francis kay Reginald sabay turo sa kabarkada na nasa labas ng window nila. Nakita rin sila ni Iñigo at kinawayan sila mula sa labas. “Saan ang punta mo?” Tanong ni Francis. Inilagay ni Iñigo ang kamay sa isang tainga, indication na hindi nito narinig ang tanong ni Francis. “Saan ka punta?” Sinamahan na ni Francis ng sign language ang tanong. Nagsenyas naman si Iñigo na magyoyosi ito sa smoking area kasama ang girlfriend. “Yosi, Bro. Tapos ka na, ‘di ba? Sama tayo.” Yaya agad ni Francis kay Reginald. Kaagad namang tumayo ang dalawa. Niyaya ni Francis si Jill na sumama pero tumanggi ito. “Later na lang ako.” Sabi pa ni Jill. “We’ll be right back, ladies.” Nakangiting sabi ni Reginald at sabay na silang lumabas sa diner ni Francis para i-meet si Iñigo sa labas. “Ang hilig magyosi ng dalawang ‘yun right after eating.” Sabi ni Chloe habang sinusundan ng tingin sina Reginald at Francis. Pinansin naman ni Jill ang kinakain ni Chloe. “Ang weird naman ng combination ng kinakain mo, chicken salad and vanilla milkshake.” “Ewan ko ba? Weakness ko talaga ang milkshake. I pair it up with everything. Saka ang humid kasi ng weather natin ngayon.” “Ako din naman may quirk sa food. Nilalagyan ko ng condensed milk ‘yung cheese curls bago ko kainin.” “Yeah. You already told me that one time. Try ko din minsan baka magustuhan ko rin.” Ngumiti lang si Jill at sinimulang i-pick ng kamay niya ang natitirang chicken and waffles sa plate niya. Na-notice naman ni Chloe na parang may gustong sabihin sa kanya si Jill pero parang naghe-hesitate ito. “Jill, do you want to tell me something?” Dinerekta na ni Chloe ang kaibigan. “Well, I just want to ask about du’n sa guy na nag-interview sa ‘tin kanina. ‘Yung kasama ni Felix. I wasn’t able to get his name kasi. I’m just wondering kung nabanggit ba niya sa ‘yo ‘yung name niya when he interviewed you earlier.” Kaya naman pala hindi sumama si Jill kina Francis at Reginald sa smoking area. Gustong malaman ni Jill kung nabanggit sa kanya nung guwapong guy na kasama ni Felix ‘yung pangalan nito kay Chloe nung sandali silang nagkausap. Ayaw ni Jill malaman ni Francis na may pinag-i-interesan siyang ibang lalaki kaya hinintay muna nitong magsolo sila. “Hindi niya nabanggit. I wasn’t able to ask either. Saka hindi naman niya ako na-interview. Nagtawag na kasi si Jox.” “Ah, okay.” Sabi na lang ni Jill. Hindi na ito makatingin ng diretso sa kanya at tinuloy na lang ang pag-pick nito ng food. Naging awkward na sila pareho at hinintay na lang nilang bumalik sina Francis at Reginald. -------- NATAPOS din ni Felix ang pagta-transcribe ng mga answers ng mga candidates na in-interview nila ni Yuan kanina. Pinili lang niya ‘yung mga interesting ang naging mga sagot. Medyo na-intrigue lang siya du’n sa part na ini-interview nila si Jill. Halata kasing nagpi-flirt ito kay Yuan sa way ng pagsagot nito sa mga tanong. Panay nga ang playback ni Felix ng recording para pakinggan itong maigi: YUAN: What made you decide to join this competition? JILL: Well, I’m very good at dancing and I want to show that to everyone. YUAN: So, that would be part of your repertoire during the pageant night? JILL: Yeah, that’s right. (a brief interlude) Don’t stare at me like that. I can’t answer you properly! (giggles). YUAN: (laughing) Cringe! Ang cringey! Tingin pa nga ni Felix du’n sa part na ‘yun humawak pa si Jill sa braso ni Yuan habang nagi-giggle. Tapos siyang ngawit na ngawit ang arms sa pagtapat sa mukha ni Jill ng phone para ma-record properly ‘yung sagot niya hindi man lang siya pinansin. Nag-decide si Felix na huwag na lang isama ang sagot ni Jill sa article niya. Kung biglang naisipang hanapin ni Jill ang part ng answers niya sa interview at hindi nito makita san aka-published na article sa school paper, bahala siya! Hindi naman sila close para mag-worry siya. Mas curious pa nga siyang malaman kung anong isasagot ni Chloe sa mga hinanda niyang questions. Mukha naman kasing mas brainy si Chloe compared sa friend niyang si Jill. Sayang nga lang at naputol na ‘yung interview nung turn na niya. Nag-send agad si Felix ng email kay Carol na naka-attach ang ginawa niyang article. Short note lang ang nilagay niya sa email. For your editing. Nagla-log out pa lang siya sa sss ay naka-receive agad siya ng text message from Carol. Already got your email, Felix. Will give you feedback once I read it. Shinut down na ni Felix ang laptop niya. Pagtingin niya katapat na bed, wala pa duon si Jervy. Nakakarinig din siya ng faint popping sounds at computerized voices mula sa baba. Pagtingin niya sa digital clock sa bedside table niya ay five minutes na lang before ten p.m. Up until now, hindi pa rin pagod maglaro sina Jervy at ang Daddy niya. Pag nalaman ‘yun ng Mommy niya, mapapagalitan na sila nito. Dahil wala pa naman si Jervy sa kuwarto nila, sinamantala ni Felix ang privacy para makapagsulat siya sa journal niya. Gaya ng nakagawian niya. pumuwesto siya ng upo sa harap ng bedside table niya. Maingat na tinanggal ang nakatali na twine sa journal. Naghanap ng magandang pen na panulat. Nilipat sa blangkong pahina ang journal. Sinimulang isulat ni Felix ang Dear Ida. Tumigil siya saglit habang nag-iisip kung ano ang ise-share niya kay Ida sa mga nangyari sa kanya ngayong araw na ‘to. Ang pumasok agad sa isip ni Felix ay ang mga imahe ni Yuan nang tumabi ito sa kanya sa back row seat ng The Pearl Theatre, ang pangungulit nitong mabasa ang mga made up questions niyang nakalagay sa index cards, ang pagtulong sa kanya nitong matapos ang interviews niya sa mga school pageant contestants, ang pag-insist ni Yuan na samahan siya nito sa kanyang secret place at ang mukha nito na sarap na sarap sa pagkain ng mga inorder nilang food nang makarating sila sa favorite secret place hang-out out niya. Ang conversations nila sa kotse ni Yuan habang nasa gitna sila ng traffic ng Aurora Boulevard hanggang mahatid siya nito sa bahay niya sa Murphy Cubao. Nangiti si Felix at ito ang naging simula ng latest entry niya sa journal: I meet a new friend today...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD