Episode Eleven

1942 Words
-THE ASSIGNMENT. THE TRANSFEREE. A PROMISE TO KEEP- ORAS na ng English class nila with Mr. Donald Aguirre. Promptly, sinimulan ng teacher ang graded discussion ng Cannery Row. Kanya-kanyang labas ng kopya ng pamosong libro ni John Steinbeck ang mga estudyante. Karamihan ay may dalang paperback copies ng libro, ang iba ay hiniram sandali sa library building ng school, ‘yung iba naman ay eReader o sa k****e device ni-retrieve ang kopya ng libro. Kakaiba ang style na naisip gawin sa graded discussion na ito ni Mr. Aguirre. Hindi niya binigyan ng fixed questions na sasagutan ang mga estudyante over the course ng pagbabasa ng classic short novel. Ang plano niyang gawin ay isa-isa siyang tatawag ng estudyante via draw lots technique, pupunta sa harap at ie-explain kung ano ang nagustuhan niya o hindi nagustuhan sa nobela, kung mayroon siyang mga favorite o most hated na characters sa libro, kung anong mado-draw niyang conclusion o message sa kabuuan ng nobela. Free flowing style ng discussion in other words. Puwedeng dalhin ng estudyante ang copy mismo ng libro para i-guide siya sa pag-recite ng observations niya. Kung meron siyang ginawang notes sa piece of paper para mas structured ang recitation niya ay maaari ring itong gamitin. Currently fixated ang kanilang English teacher na gamitin ang fish bowl nito sa lahat ng oportunidad. Katulad ngayon, nakalagay duon ang lahat ng mga pangalan ng estudyante niya na nakasulat sa folded colored papers. Dumukot si Mr. Aguirre sa pinakamalalim na parte at ang nakuha nitong pangalan ay si Francis Ricafort. “Wish me luck, Cinnamon Stick!” Sabi ni Francis sabay halik pa sa pisngi ni Jill bago tumayo sa chair nito. “Break a leg, Gummy Worm!” Sagot naman ni Jill kay Francis na lumalakad na sa harap ng class. “You may proceed, Mr. Ricafort. Once you’re done, I might question you further about the book.” Kabadong sinimulang basahin ni Francis ang notes na naka-scribbled sa stationery pad na nakapatong naman sa hawak niyang battered copy ng Cannery Row. Nag-effort naman itong tumingin sa mga kaklase kahit papano habang binabasa ang kanyang notes. Si Mr. Aguirre naman ay critical naman nakikinig sa nire-recite ni Francis. Napansin naman agad ni Felix na napaka-generic ng mga dini-discuss ni Francis tungkol sa libro. Pero somehow familiar sa kanya ang mga sinasabi nito. Parang nabasa na niya ito somewhere. Baka sa isang term paper about sa libro na naka-published publicly online. Nakumpirma ang suspicion ni Felix nang mag-lean in si Carol sa kanya mula sa pagkakaupo nito sa kanyang likuran sabay pakita sa kanya ng hawak nitong cellphone. Naka-pulled up na sa screen ng phone ang Wikipedia page tungkol sa Cannery Row. Ini-scroll pa ni Carol kung saan part na si Francis sa binabasa nito mula sa pinagkopyahan na site. Pati si Miggy na katabi ni Felix ay nakitingin na rin. “Talk about digital cheating.” Condescending na sabi ni Carol pero mahina lang ang boses para hindi marinig ng teacher nila. “This only proves na ‘yang clique nina Francis at Jill, mahilig lang silang mag-show off that they’re rich and popular, pero in reality they’re just as dim-witted as that sleazebag Deejay.” After nu’n, nag-lean back ulit sa seat niya si Carol at mas critical pa ang look niya sa kanilang English teacher nang ibinalik ang tingin kay Francis na nagsasalita pa rin sa harap ng classroom. Na-disrupt lang ang ginagawa nilang graded discussion nang biglang sumulpot sa pintuan ng room nila si Principal Enrico Sarmiento. Pinatigil muna ni Mr. Aguirre sa pagsasalita si Francis at nilapitan ito ang principal. Pero nanatili pa ring nakatayo sa harap si Francis at nakipag-usap sa isa sa mga ka-acquaintance nitong lalaki na nakaupo sa front seat. “Are you going to make that announcement now, Eric?” Narinig nilang tanong ni Mr. Aguirre sa kanilang prinsipal. “Kung puwede sana, Donald, if it’s not going to fully disrupt your class.” Sagot naman ni Principal Sarmiento. “Of course not. We just barely started.” At gumilid sa pinto si Mr. Aguirre para makapasok sa loob ng classroom ang principal. Pumuwesto sa gilid si Francis para hindi maagawan ng limelight si Principal Sarmiento na lumakad papunta sa harapan ng klase. “Sorry to disrupt your class, ladies and gents. I promise this will be very quick.” Lahat ng estudyante sa loob ng classroom ay fixated na ngayon sa prinsipal. Hinihintay kung ano ang announcement nito. “It’s very rare that this happens. I don’t think I know any school who done this before.” Simula ng preamble ng principal. “Huwag kayong mabibigla but we have a new transferee and he will be assigned on this senior class. Um, what’s the name of this section again, Donald?” “Mount Everest.” Maagap naman sagot ni Mr. Aguirre. “Right! Mount Everest! How could I forget.” Natapik pa ni Principal Sarmiento ang noo. “You heard that right, senior class of Mount Everest. You will have a new transferee just a week shy before your mid-term starts. I know this comes as a shock to all and just to set the record straight, our school, The Good Earth Academy, is only doing this for extreme special cases.” “Siguro anak-mayaman ‘yun kaya nabigyan ng special consideration makalipat dito.” Bulong ni Miggy kay Felix habang nagsasalita ang prinsipal. Hindi na nagawang sagutin ni Felix ang theory ni Miggy. Siya rin mismo kasi may nabubuo nang theory kung sino ang transferee na tinutukoy ni Principal Sarmiento. “Without further ado, let me introduce to you your new classmate, Yuan Chen.” Pagtatapos ng speech ng principal. Kahit may inkling na si Felix kung sino ang transferee na binabanggit ng kanilang principal, nagulat pa rin siya nang marinig ang pangalan ni Yuan. Sumilip pa sa threshold ng pinto si Principal Sarmiento nang hindi agad pumasok si Yuan sa classroom. “Come here, Yuan. Don’t be shy. Your classmates don’t bite.” Finally, nag-emerge na si Yuan sa pintuan. Radiant ang hitsura nito. Maporma sa suot na biker jacket, Lacoste shirt, frayed jeans at Chuck Taylor high cut shoes. Naka-ayos pa na mala-James Dean ang hair nito na nagbigay kay Yuan ng roguishly handsome appeal. Hindi exaggerated kung sasabihin napa-gasp ang karamihan sa mga female at gay students sa klase ngayon ni Mr. Aguirre. Halatang na-captivated sa appearance ni Yuan. Si Chloe, hindi napigilang mapahawak sa pisngi niya nang makitang pumasok ang lalaking kasama ni Felix na nag-interview sa kanila nung nagpa-practice sila for the pageant sa stage ng The Pearl Theatre nung isang araw. At nalaman na rin niya ang pangalan nito. Yuan Chen. Ngayon, hindi na niya kailangang mag-wishful thinking dahil ngayong confirmed na magiging kaklase nila si Yuan, hindi malayong maging close siya dito. “I’ll be damned.” Narinig ni Chloe na sabi ni Jill na katabi niya ng seat. Katulad niya, fascinated din itong nakatingin ngayon kay Yuan. Nakita pa niyang may nakabakas na pilyang ngiti sa mukha ni Jill. Discomfitted agad si Chloe. Hindi niya alam kung ano ang magiging feeling sa inaaksyon ng kaibigan. Matipid na ngiti lang ang ginanti ni Yuan sa naging reaction sa karamihan ng magiging kaklase niya. Halatang hindi sanay pag nabibigyan ng ganu’ng klaseng atensyon. “Sa’n ka ba puwedeng umupo? Donald, do we have any absences today?” “We have five absent students today, Sir.” Sagot naman ni Mr. Aguirre. “Let me guess, one of them is my angel of a nephew and his equally angelic peers?” Nakuha naman ni Mr. Aguirre na sina Deejay, Kai at Tim ang mga tinutukoy nito. “Precisely. I might have a word with you, Eric, possibly later, regarding their increasing absenteeism on my class.” “I think we should. For the meantime, Yuan,” baling ni Principal Sarmiento sa bagong transferee, “pumili ka na lang kung saan ka uupo sa mga vacant seats.” Kinuha naman iyon na chance ni Jill para magpapansin agad kay Yuan. “Yuan, want to seat with us? May vacant seat dito sa likod ni Chloe! Absent kasi ‘yung boyfriend niya!” Sinabayan pa ito ni Jill ng pag-raise ng hand. Sinita naman agad siya ni Chloe. “Jill! Hindi ko pa boyfriend ang mokong na ‘yun.” Tiningnan siya ni Jill. “Bakit? Worried ka ba na baka maniwala siya na may boyfriend ka na?” Mahina lang ang boses ni Jill pero may kasama iyong talim. Hindi na nakasagot si Chloe. Hindi niya maintindihan ang biglaang hostile na attitude sa kanya ni Jill. “Thank you sa offer.” Nakangiting sagot ni Yuan. “Pero I’d like to seat beside Felix if possible.” Nalaglag ni Felix ang hawak na libro ni John Steinbeck nang marinig ang request ni Yuan. Mabilis niyang kinuha ang libro sa sahig at ibinalik ito sa arm ng inuupuan niyang chair. “Felix de Jesus? You already know him?” Gulat na tanong ni Mr. Aguirre. “Yes, Sir. We accidentally bumped into each other while my Dad and I were here the other day completing my requirements for my transfer.” “Now, that makes sense! Right, Bestie?” Siniko pa ni Jill si Chloe nang marinig nito ang reason kung bakit magkakilala na sina Felix at Yuan. Pero at that point, parang wala nang ganang kausapin pa ni Chloe ang kino-consider niyang BFF. “Miguel Morales!” Tawag ni Mr. Aguirre sa estudyanteng katabi ni Felix. “Would you mind if you give up your seat for Yuan Chen? So he could seat beside Felix de Jesus. Just choose any of the vacant seats to transfer.” “Goodbye, seatmate.” Paalam ni Miggy kay Felix habang kinokolekta nito ang mga gamit. Sa puwesto ni Deejay sa bandang likuran nito napiling mag-transfer. Maluwang ang ngiti ni Yuan nang umupo sa tabi ni Felix. “Nice to see you again!” “Ang init ng suot mo!” Walang maisip na sabihin si Felix kay Yuan kaya ‘yun ang una niyang sinabi sa greeting nito. Hinubad naman ni Yuan ang suot na biker jacket at isinampay ito sa likuran ng seat niya. “Nag-motor kasi ako kaya dapat full protection from the sun. Saka wala pa ‘yung uniform ko, eh. This week pa daw ibibigay sa ‘kin.” Natatawang nangiti si Yuan. May bigla kasi siyang naalala. “Oy! Anong meron? Ba’t naka-smile ka d’yan?” Pinansin agad siya ni Yuan. “Wala. Naalala ko lang ‘yung conversation natin the other night, nung nanggaling tayo sa secret place ko.” Inform naman dito ni Felix. “Ah!” Natandaan na rin ni Yuan. “’Yung ililibre kita ng expensive meal ‘pag nalaman mo na I’m now a student here.” “Pero nagbibiro lang ako, Yuan. You don’t have to take the dare.” Bawi naman agad ni Felix. “Pero ako hindi nagbibiro. Sa lunch time, kain tayo sa labas. Name the restaurant you want to eat.” Seryoso nga ‘to. “Pero may baon kasi ako.” Low key na tanggi ni Felix. “’Yun lang pala, eh. ‘Di after class. Madali naman akong kausap, eh.” Nakangiting rebuttal naman ni Yuan. Napahinga na lang ng malalim si Felix. Kahit anong salag niya, siya na talaga ang susuko sa kakulitan ni Yuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD