Episode Seven

1347 Words
-INTERVIEWING THE GIRLS. FIGHTING FOR ATTENTION. STARING CONTEST- NAGULAT pareho sina Chloe at Jill nang makita si Yuan na naglalakad palapit sa stage kasunod si Felix. “Is this happening, Chloe? Is he really walking straight toward us?” “I can’t believe it either.”Breathless na sabi ni Chloe na hindi maalis ang tingin kay Yuan. Napansin naman ni Jill na biglang naging agitated ang supposed to be nagpapahinga sa practice na mga kasama nilang contestants sa stage nang makita rin nila si Yuan na lumalapit sa kanila. May iba pa ngang lumapit na sa edge ng stage para matingnan itong mabuti. Pati ang hired choreographer nila na-curious din kung bakit biglang nagkagulo ang mga tinuturan niya. Pero inunahan sila ni Jill. Bumaba agad ito sa stage para salubungin si Yuan. Iniwan nito si Chloe na na-shock sa ginawang pag-abandon sa kanya ng kaibigan. “Hi! Are you watching our practice? Are you liking it so far?” Todo ang ngiti ni Jill nang makalapit si Yuan. “Yeah. Synchronized na nga ‘yung steps n’yo eh. Hindi na nga kailangang mag-practice.” Nakangiting compliment agad ni Yuan. Sumimangot agad ang guy choreographer sa narinig na sinabi ni Yuan. Kinalabit nito ang katabing contestant sa pageant na smitten ding nakatingin kay Yuan like the rest at pabulong na tinanong: “Who is this guy?” “Oh, thank you! That’s so nice of you to say. I’m Jill! Jillian Valencia.” Pakilala agad ni Jill at in-offer agad ang kamay niya para makipag-shake hands. Tinanggap naman ni Yuan ang hand shake ni Jill. “Nice to meet you, Jill.” Pag-acknowledge niya sa name ng kaharap pero hindi niya voluntary na binigay ang pangalan niya. “Actually, ‘yung reason why I’m here is I want to help my friend,” saka nito hinila si Felix na halos nagtatago sa likod niya at inakbayan. “Gusto sana niyang mag-interview sa inyo for the school paper. But he’s kinda shy. So, I’ll be the one who’ll throw the questions and in turn he will record your answers. Don’t worry about the time. It will just be a very quick interview. Only two questions per contestant. Okay lang ba sa inyo?” Sinadyang lakasan ni Yuan ang boses para marinig din siya ng iba pang candidates na nasa stage na nakatingin na ngayon sa kanya. Affirmative ang naging response nila sa tanong ni Yuan at isa-isa na ang mga itong bumaba sa stage para magpaunlak ng interview. “Well, since nandito na ako sa harap mo, can I be the first one?” tanong ni Jill agad kay Yuan. Naninigurong talaga itong hindi siya mauunahan. Nakangiting tumango si Yuan. Sa first row seats na sila umupo. Nakapagitna ang ini-interview na contestant kina Yuan at Felix. Ang naging sistema nila, magtatanong si Yuan ng dalawang questions mula sa hawak na index cards at itatapat ni Felix ang phone na naka-voice recording mode habang sumasagot sa tanong ang contestant. Si Chloe napilitan na ring bumaba sa stage at maghintay sa turn niya sa interview. Since si Jill ang nauna, kitang-kita niya kung gaano ito magpa-charming kay Yuan habang tinatanong. Panay ang giggle nito saka ipapaulit ang tanong kay Yuan. Ilang beses pang humahawak ito sa braso ng lalaki. Ni hindi nga nito tinitingnan si Felix na nagre-record ng sagot niya. Naka-focus lang ang buong atensyon nito kay Yuan. Nakagat ni Chloe ang labi habang pinapanuod ang dalawa. Hindi dapat ganito ang feeling niya pero parang ang nangyayari ngayon ay inunahan siya ni Jill sa pagpapapansin kay Yuan. To think na siya ang unang nakapansin sa lalaki. Nung mahalata siguro ni Jill na attracted siya kay Yuan (and obviously hindi lang pala siya kungdi halos lahat silang kasali sa pageant), bigla na rin itong nagkaroon ng interest sa lalaki. Whaf if isumbong niya si Jill kay Francis? Pero para namang lalabas na hindi niya tini-treat fairly ang kaibigan. Ganyan naman talaga si Jill ever since nung nakilala niya. Malapit talaga ito sa mga guys. Palibhasa only girl sa mga siblings niya. Youngest pa. Sina Francis at Reginald pa nga ang unang kabarkada nito bago sila naging close ni Jill. Kaya nga marami ding nagulat nang naging mag-best friends sila. Siguro kay Chloe nakita ni Jill ‘yung hindi niya makita sa mga kapatid nitong lalaki. Ano nga ba ‘yung laging tawag sa kanya ni Jill? My sister from another mother? After ng interview kay Jill, sumunod ang ilang mga contestants na nauna sa kanya sa ‘pila’. Gaya ni Jill, naging giggly din ang mga ito habang tinatanong ni Yuan. May iba ding na naging ‘tactile’ ang attitude sa guwapong nag-i-interview sa kanila. Finally, si Chloe na ang next in line. Tumayo pa si Yuan habang lumalapit siya. In-offer pa nito ang kamay para makipag-handshake. Nanginginig si Chloe na tinanggap ang kamay ni Yuan. Nakaramdam din siya ng friction habang magkadikit ang mga kamay nila. Kahit nahihiya, tiningnan ni Chloe si Yuan sa mukha. Nakatitig ito sa mga mata niya. “Hi.” “Hey.” Nahihiyang respond ni Chloe. Hindi niya matagalan ang intense na tingin ni Yuan sa kanya. Magsasalita pa sana si Yuan nang biglang sumigaw ang choreographer sa stage. “Alright, girls! Break time is over! Gather up! On to your positions!” Nagsimula namang bumalik sa stage ang mga contestants. “I guess that means I have to go back up there.” “Yeah.” May na-detect ba siyang touch of regret sa boses ni Yuan? “Maybe next time?” “Sure.” Saglit pang silang nagtitigan ni Yuan bago tumalikod si Chloe. Sa totoo nga, ayaw pa ni Chloe maputol ‘yung pag-stare niya kay Yuan pero umiral na naman ang shyness niya. Nakita niya si Jill na nasa edge ng stage at hinihintay siya. Pinanuod pa ‘ata nito ang saglit na pag-uusap nila ni Yuan. “Hurry up, Chloe! Nagagalit na si Jox!” ‘Yung choreographer ang tinutukoy nito. Pasimpleng nilingon pa ni Chloe si Yuan. Nakita niya itong kasabay na naglalakad si Felix sa aisle palabas ng theatre. Parang nawalan na tuloy siya ng energy na ituloy ‘yung practice nila. -------- NAKANGITI si Yuan kay Felix nang nakalabas na sila sa The Pearl Theatre. “Mission accomplished! So, hindi ka man lang ba magte-thank you sa ‘kin?” Sinimangutan siya ni Felix. “Kaya ko naman gawin ‘yun. Bumubuwelo lang ako pero inunahan mo na ako.” Nag-crossed arms si Yuan na parang gine-gauge nito ang sinabi ni Felix. Nag-give in na rin si Felix. “Alright! Thank you!” “Bakit gano’n? Parang hindi ka sincere?” Huminga ng malalim si Felix at inulit ang pasasalamat. “Thank you sa tulong mo. Kung hindi mo ginawa ‘yon, baka tapos na silang mag-practice wala pa rin akong nai-interview sa kanila maski isa.” “Your welcome.” Ngumiti ulit si Yuan at in-offer ang kamay niya kay Felix. “I’m Yuan pala. Yuan Chen.” Tinanggap ni Felix ang kamay nito at nakipag-shake hands. “Felix. Felix de Jesus.” “Sige, Yuan. I’ll go ahead na.” “Wait! Uuwi ka na?” Tumango si Felix bilang sagot. “Hatid na kita sa place mo. Iniwan naman ni Papa kotse niya sa ‘kin, eh.” “Huwag na. You already help me a lot today. I don’t want to burden you further.” Tanggi ni Felix. “Magko-commute ka lang ba? Mahihirapan ka nang sumakay. Rush hour na ngayon.” “May pupuntahan pa kasi ako.” “Good. I’ll join you.” “Secret place ko ‘yun eh.” “I won’t tell a single soul.” Itinaas pa ni Yuan ang dalawang kamay. Incredulous na napatingin na lang si Felix sa bagong kakilala. “You’re really persistent, aren’t you?”   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD