Episode Six

2404 Words
-YUAN DECIDES TO STAY BEHIND. PAGEANT PRACTICE. YUAN DECIDES TO HELP FELIX- PABALIK na sila sa BMW sedan na nakaparada sa mapunong parking lot ng school nang mapansin ni Andy na mabagal na naglalakad si Yuan at mukhang malalim ang iniisip. “Is there anything wrong? Nagka-upset stomach ka ba sa food na kinain natin sa cafeteria?” Worried na tanong agad ni Andy. “Hindi, Pa. I’m just wondering if I could hang out here for a while. Since dito ko na tatapusin ‘yung remaining year ko sa senior high, might as well I familiarize myself with the place, ‘di ba?” “’Yun lang ba talaga ang gagawin mo, Yuan?” Dubious na tanong ni Andy sa anak. “What misfit could I possibly do here, Pa? I don’t know anyone!” “Good point. Dànshì wǒ háishì bù xiāngxìn nǐ.” Sagot naman ni Andy na ang English translation ay “But I still don’t trust you.” “Zhè bù gōngpíng.” Naka-pout namang sagot ni Yuan na ang translation naman ay “That’s not fair.” Nangingiting umiling na lang si Andy habang binubuksan ang kotse gamit ang key fob niya. “Just don’t stay here too long, okay?” “Can I borrow your car then, Pa?” Nakangiting paalam naman ni Yuan bago pa makasakay sa kotse si Andy. “Sabi ko na nga, eh. May foresight na ako na ‘yan ang susunod mong tanong sa ‘kin.” “Sige na, Pa! Alam n’yo naman na hindi ako sanay sumakay sa kotse ng hindi ‘ko kilala. That’s why I still don’t have the Grab app on my phone. Don’t worry, I’ll be very careful with your car. Promise!” Itinaas pa ni Yuan ang kanang kamay niya na parang nagpe-pledge ng oath. “I’m starting to doubt you’re really my son, Yuan. Kanino ka kaya nagmana ng kakulitan?” Sabi ni Andy na halatang nagbibiro lang habang binibigay ang key fob sa anak. Kunwaring nag-isip saglit si Yuan habang nilalaro sa kamay ang key fob bago sumagot. “Kay Mama?” Napahinga ng malalim si Andy. “I’d rather not go there right now, Yuan. Anyway, alagaan mo ‘tong kotse. No scratches when you get back.” Patuloy na bilin nito habang kinukuha ang briefcase sa loob ng sasakyan. “Before I forget, pinapasabi pala ni Kim na gusto niyang i-try natin ‘yung newest concoctions niya na Nutella cupcakes and speculoos buttercream cupcakes bago niya subukan i-sell sa market. Tayo daw kasi ang official taste testers niya. Can you be home before six then?” Eldest sister ni Yuan si Kim na nahihilig sa baking ang tinutukoy ni Andy. “So, uuwi ako ng maaga just to try her tough and chalky-tasting cupcakes? Parang gusto kong mag-pass muna d’yan, Pa.” Nag-grimace pang sabi ni Yuan. “Napaka-mean mo sa Achi mo.” Sabi naman ni Andy na ang meaning ay ‘eldest sister’ habang sinisimulang nitong mag-book ng kotse sa Grab app. “’Andiyan na ‘yung Grab driver ko, Yuan. See you later sa bahay.” “Sige, Pa.” At isinuot ni Yuan ang Beats by Dre headphones na nakasukbit sa leeg niya. Pinatugtog niya muna ang Love track ni Kendrick Lamar sa album niya bago sinumulang maglakad sa premises ng The Good Earth Academy. -------- TIYEMPONG kakasimula pa lang ng stage rehearsal ng mga candidates para sa gaganaping Miss Teen Earth nang pumasok si Felix sa The Pearl Theatre ng school. Halatang fan ng well-renowned book ni Pearl S. Buck ang founder ng school at lahat ng buildings at facade sa school grounds, pati ang mismong pangalan ng school ay may koneksyon sa nobelang The Good Earth. Sa huling row ng mga cushioned seats pumuwesto ng upo si Felix habang pinapanuod ang pagre-rehearse ng mga contestants sa stage. Kasalukuyan nilang nire-rehearse ang dance steps ng kantang Bring It All Back ng S-Club 7 sa tulong ng isang professional choreographer na ang school pa mismo ang nag-rent ng service para maganda ang magiging resulta ng kanilang production number. Ni-review ni Felix ang mga hinanda niyang questions sa mga contestants na nakalagay sa index cards. Tinesting din niya ang audio recording function ng kanyang phone kung malinaw itong nakakapag-record. Otherwise, mapipilitan siyang i-jot down ang mga responses ng mga mai-interview niya. Kahit na may alam si Felix sa stenography writing, iba pa rin ang convenience ng may gamit na voice recorder. Dahil busy siya sa pagpa-practice kung paano ide-deliver ang mga questions niya pag sinimulan na niya ang interview sa mga contestants, hindi namalayan ni Felix na may lalaking umupo sa tabi ng seat niya sa back row. Si Yuan na siyang umupo sa seat sa tabi ni Felix, hindi rin alam na ito ang katabi niya. Kaya nagkagulatan pa ang dalawa ng magkatinginan sila. “Sinusundan mo ko ‘no?” Suspicious na sabi ni Felix dito. “Ha? Hindi, ah! Bakit ko naman gagawin ‘yun?”Kunot-noong tanggi naman ni Yuan. “I don’t know. Maybe kaya mo ko ini-stalk to make me pay you kasi na-ruin ko ‘yung expensive polo ng kasama mo kanina.” Nangiti na si Yuan. “’Yun lang pala inaalala mo. Wala ‘yun. Maraming ganu’ng style ng polo si Papa. Baka nga by tomorrow nakalimutan na niya ‘yung incident na ‘yun kanina.” “You’re just saying that. But eventually, you’ll ask me to pay.” Hindi pa rin convinced si Felix. “If you don’t want to believe me, then don’t. Hindi naman kita pinipilit, eh.” Inis na sabi ni Yuan na isinuot ulit ang headphones at nakinig sa track ng Loyalty mula pa rin sa album ni Kendrick Lamar saka nagkunwaring nanunuod sa nagaganap na pagpa-practice ng mga contestants sa stage. Itinuloy na rin ni Felix ang pagbasa sa set of questions niya at pagpa-practice kung paano ito idi-deliver. Hindi maiwasang mapatingin ni Yuan sa ginagawa ni Felix. Tinanggal niya ulit ang headphones at nag-lean pa sa seat ni Felix para maki-usyoso. “Ano ‘yang pina-practice mo d’yan? Emcee ka ba nitong pina-practice nilang show?” Nilayo agad ni Felix ang hawak na index cards kay Yuan. “Hindi. Teka, bakit mo ba tinatanong?” “Masama bang magtanong?” Lalo pang nag-lean si Yuan para tingnan ang mga index cards na tinatago sa kanya ni Felix. “Mga questions ‘yan, ha? Para sa mga candidates ‘yan? Can I see? Patingin ng mga questions na ginawa mo.” “At bakit ko ipapakita ‘to sa ‘yo? Confidential ‘to!” Nagpakita na ng inis si Felix. “Confidential? Eh, wala namang fragile information d’yan. Patingin na!” At nagawang maagaw ni Yuan ang isa sa mga index cards na itinatago sa kanya ni Felix. Shocked na napatingin na lang si Felix sa katabi. “Ano bang nakain mo du’n sa cafeteria kanina at sobra mo akong kinukulit?” “Well, ganito na lang. Consider mo na lang as payment du’n sa pag-stain mo ng coffee sa shirt ng Papa ko itong pagtingin ko sa mga list of questions mo. Do we have a deal?” Nginitian pa ni Yuan si Felix bago tinuloy ang pagbasa sa questions na nakalagay sa hawak niyang index card. Inis na napasandal na lang si Felix sa inuupuang seat at hinipan ang buhok niyang tumatabing sa noo niya. Ipinikit din niya ng mariin ang mga mata niya. Baka sakali, by some miracle, biglang mag-disappear itong nakakainis na burgis na lalaking ginugulo ang pinaplano niyang interview. “Ayos ‘tong mga questions mo, ha?” Narinig ni Felix na sabi ni Yuan. Napadilat siya at curious na tiningnan kung sincere ba ito sa sinabi niya. “You think so?” Naniniguro pang tanong ni Felix. “Yeah, I mean. They’re simple enough questions pero if ever itanong sa ‘kin ‘to, baka mahirapan akong mag-come up ng answers.” At kinuha pa ni Yuan ang ibang index cards na hawak ni Felix para basahin ang iba pang questions na nakasulat duon. “Sumali ka sa pageant before?” Nananatiyang tanong ni Felix sa katabi.  “Ha? Hindi. Well, nag-model lang ako sa isang clothing brand before and sumagot ng ilang questions nung kinuhanan ako ng VTR. Pero hindi naman siya counted as ‘pageant’, ‘di ba?” Nag-finger quote sign pa si Yuan nang binanggit niya ang word na pageant. Nuon lang napansin ni Felix ang artistahing appeal ng katabi ni Yuan. Maganda itong magdala ng damit. Mukhang lahat ng suot nito, mula sa shoes, shirt, jacket, watch at accessories ay branded. No wonder nakuha siyang modelo ng isang clothing brand. Na-conscious tuloy bigla si Felix sa sariling suot na rumpled uniform at sa messenger bag niyang gamit na bili lang sa department store. Break muna sa pagpa-practice ang mga candidates sa dance rehearsal nila at kanya-kanya sila ng puwesto sa stage. Habang nagpupunas ng pawis si Chloe ng dala niyang towel, napansin niya ang classmate na si Felix na may kausap na lalaki sa pinakahuling row ng seats sa loob ng theatre. At hindi na niya natanggal ang pagkakatingin sa lalaki. Malakas kasi ang dating sa kanya. Ruggedly handsome pero malinis tingnan. Okay pang pumorma. Matangkad rin. Tantiya niya nasa 5’8” or 5’9” ‘yung taas. Babagay sa taas niyang nasa 5’6”. Nagsimula nang mag-daydream si Chloe. Kung ganoon lang ang hitsura ni Reginald, hindi na niya pahihirapan itong manligaw sa kanya. Matangkad rin naman si Reginald pero lanky ang features. Madalas kasing nagla-live stream sa gabi kaya madalas kulang sa tulog. Mahilig pang magyosi. Pet peeve pa naman niya ang lalaking naninigarilyo. Kahit gusto niyang pagbawalan si Reginald sa pag-smoke ng cigarettes dahil naba-bother siya sa amoy nito, wala naman siyang right dahil hindi pa naman niya ito sinasagot pa. Nilapitan siya ni Jill habang umiinom ito sa bottled water. “Chloe, nag-text sa ‘kin si Francis, punta daw tayo sa Denny’s sa Eastwood after ng practice dito. Libre daw niya. Mukhang nabigay na ‘yung weekly allowance  ng loko kaya ang lakas magyaya.” Hindi nag-react si Chloe. Parang hindi siya kinakausap ni Jill at nakatutok pa rin ang tingin sa lalaking kausap ni Felix. “Earth calling to Chloe! Hello!” Tawag ulit ni Jill na nag-wave pa ng hands sa harap ng mukha ni Chloe para makuha niya ang pansin nito. “Sorry! Kinakausap mo na pala ako.” Apologetic naman si Chloe sa kaibigan. “Sino ba kasi ‘yung tinitingnan mo du’n sa mga seats? And’yan na ba si Reginald?” Tinanaw na rin ni Jill ang direksyon tinitingnan ni Chloe kanina. “Actually, I’m checking out ‘yung guy na kausap nu’ng classmate natin si Felix. Sa may back row ng seats.” Umamin naman si Chloe. Nakita na rin ni Jill ang pinupuwestuhan nina Yuan at Felix. “Oh! He’s actually quite handsome.” Halatang naapektuhan rin si Jill sa presence ni Yuan. “Right? Related kaya siya kay Felix? Or maybe student dito sa The Good Earth?” Pag-speculate naman ni Chloe. “I highly doubt it. Kilala ko lahat ng guys dito sa school natin. Ngayon ko lang siya nakita.” Napatingin si Chloe kay Jill. Alam na niyang ma-flirt ang kaibigan pero nabibigla pa rin siya sa revelations nito. “Why that look?” Pansin ni Jill sa kanya. Dinaan na lang sa tawa ni Chloe ang sagot ang tumingin ulit sa puwesto nina Yuan at Felix. “I just wish na student din siya dito sa school natin.” “Oo nga, eh.” Sagot naman ni Jill na nagde-daydream na rin. “If ever that happens, kakaibiganin ko siya.” Gusto niya sanang sabihan si Jill na may boyfriend na ito at hindi na dapat nag-iisip ng ganun. At the same time, gusto ding pagalitan ni Chloe ang sarili. Bakit kasi sinabi pa niya sa kaibigan ‘yung tungkol sa guy na kausap ngayon ni Felix. ‘Di sana nasosolo niya ang pag-harbor niya ng crush dito. Hindi ngayon na parang kinukumpitensiya pa siya ni Jill. Pero kung alam lang ni Chloe, marami na rin sa mga co-candidates niya ang nakakapansin kay Yuan at panakaw itong tinitingnan sa pinupuwestuhan nito sa back row seat. Unaware namang pareho sina Yuan at Felix na sila na pala ang pinag-uusapan ng ilan sa mga candidates sa stage.  “So, itatanong mo ‘tong mga questions na ‘to du’n sa mga nagpa-practice na contestants?” Tanong ni Yuan kay Felix. “And then you’ll make an article out of it sa school paper n’yo?” “Oo. Kaya nga pina-practice ko kung pa’no i-deliver ‘yung questions para hindi ako mag-stammer pag ini-interview ko na sila.” “Pero bakit kailangan mo pang i-practice kung puwede mo namang basahin straight dito sa index card?” “Maybe it’s easy for you. But for me na hindi sanay sa crowd, it’s nerve wracking. Baka sa first question pa lang hindi ko na matanong ng maayos.” Pinagmasdan saglit ni Yuan si Felix, saka nito kinuha lahat ng index cards na hawak niya. “Teka, teka! Anong gagawin mo d’yan?” “It seems na break time nila ngayon sa practice. Lapitan na natin sila para matapos na ‘tong interview mo.” At nagsimula nang tumayo sa seat si Yuan. “Sandali. Hindi pa ako ready!” Protesta ni Felix na tumayo na rin. “You don’t have to be. I’ll do the asking. Ikaw na bahalang mag-record or mag-jot down ng mga sagot nila. And then you’ll thank me later.” At nagsimula nang lumakad palapit ng stage ni Yuan. “The fudge ‘tong taong ‘to.” Nasabi na lang ni Felix na napilitang na rin sumunod kay Yuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD