Episode Four

1569 Words
-HIDING AT THE LIBRARY. FEEDING MISTER MOUSE. BOOTED OUT- HUMAHANGOS na pumasok sa library building si Felix. Hindi gaanong karami ang mga estudyante sa loob dahil siguro lunch time na kasi. Tuloy-tuloy na inakyat ni Felix ang stairs papunta sa second story ng library. Saglit na tumigil sa pag-e-encode ng mga bagong dating na libro sa database ng computer ang librarian na si Edgar Mijares at inayos pa nito ang suot na spectacles habang sinusundan ng tingin si Felix sa pag-akyat nito sa hagdan. Nagsususpetsa ang seryoso nitong mukha. Hindi tumigil sa paglalakad si Felix nang makarating sa second story. Pinili pa nito ang pinakadulong shelf at duon sa puwang niya napiling sumalampak ng upo. Humihingal pa siyang sumadal sa shelf. Ang haba kasi ng nilakad niya mula sa classroom na pinanggalingan mataguan lang ang grupo nina Carol. Naramdaman niyang nagba-vibrate ang phone niya sa bulsa. Buti na lang hindi pa niya natatagal ito sa silent mode. Kung hindi, pupuntahan siya ng librarian mula sa puwesto nito sa baba para lang tarayan siya. As expected, nakita niya sa screen na si Carol ang tumatawag. Ni-reject niya ang call at nilagay sa airplane mode ang phone. May maliit na daga na lumabas sa dingding kung saan nakaharap si Felix. Imbes na matakot, curious na pinagmasdan ito ni Felix. Sumisinghot-singhot pa ang daga habang lumalabas ito sa pinanggalingang butas sa dingding. Binuksan ni Felix ang dala niyang knapsack at kinuha mula duon ang baon niyang ham and cheese sandwich. Hinati niya sa dalawa ang sandwich at nilagay ang kalahating parte nito sa sahig malapit sa daga. “Hati tayo.” Medyo alangan pa ang daga na lumapit sa nilapag na pagkain ni Felix. Pero nang maamoy na nito ang masarap na ham and cheese na palaman sa tinapay, lumapit na rin ito at sinimulang kagatin ang sandwich. Nangingiti naman si Felix na pinapanuod ang daga  habang kinakain na rin ang kalahating sandwich niya. Nang maubos na ni Felix ang kinakain, kinuha niya mula sa loob ng bag ang leather bound journal niya at ang gel pen. Palagi niyang dala ang journal niya kahit nasa school. Sa tuwing downtime o break time kasi, kung wala lang din siyang activities na gagawin o tinatamad siya magbasa ng libro, sinusulatan niya si Ida gamit ang journal. Pero sino nga ba si Ida? Nag-isip saglit si Felix bago nagsimulang magsulat. Dear Ida, School today is chaotic, as always. I have to prepare a poem on a topic I knew nothing about. I have to write a poem about my crush. I could imagine how you might laugh your head off just imagining me writing a lyrical poetry about a non-existent crush. And that’s the dilemma. How could I write a convincing form of art if I don’t feel it inside me? There’s nothing in here but a vast void of emptiness. I could try to write the words but it would end up sounding hollow. Does that mean I’m asexual? Anothing hurdle I have today is my editor at the school paper has been hounding me nonstop for my written article of me conducting candid interviews of the candidates for the forthcoming beauty contest sponsored by the school for its Foundation Day this Friday. I’m trying to evade it as much as I can. I’m not well at ease around people. I already ask my editor if she could put me on a different assignment but we were already pressed for time for this month’s publication. Swapping assignments among staff might further derail us. If only I have a magic wand that could make myself disappear... Dahil nakatuon lang ang atensyon ni Felix sa sinusulat sa journal, hindi niya napansin na pumasok na pala ang mga kasamahan niya sa school paper sa library. S’yempre pa nangunguna si Carol sa paglalakad. Sumimangot si Mijares nang makita ang grupo ni Carol na parang mga CAT cadettes na single-file na naglalakad sa pasilyo ng library. Sinundan niya sandali ng tingin ang mga ito habang umaakyat ng hagdan bago niya itinuloy ang pagkolekta ng mga na-catalogue na niyang mga libro na ilalagay na niya sa respective shelves nito. Tuluy-tuloy ang lakad ni Carol. Parang sigurado na siya kung saan mahahanap si Felix. Diretso nitong nilakad ang pinakadulong shelf, kasunod pa rin ang mga staff niya sa school paper. Natanaw niya agad ang hita ng pantalon uniporme ni Felix habang nakasandal ito sa huling shelf. Sabi na nga niya, dito lang niya makikita ‘to, eh. “Hoy, Felix! Akala mo mapagtataguan mo kami, ha?” Nakaarko ang kilay na bungad ni Carol nang lapitan niya itong nakasalampak sa sahig at patuloy sa pagsusulat. Nagulat naman si Felix sa biglang pagsulpot ni Carol. Dali-dali niyang sinara ang sinusulatang journal. Pero si Carol ang mas nagulat nang makita nito ang dagang pinakain ni Felix ng baon niyang sandwich. “DAGAAAAA!” Isang matinis na sigaw ang pinakawalan ni Carol. Kaagad namang tumakbo ang daga at nagtago ulit sa butas ng dingding. Natakot sa malakas na sigaw ni Carol. Naiwan ang hindi pa ubos ang sandwich na kinakain nito. Ang librarian namang si Mijares, nagulat din sa malakas na pagsigaw ni Carol. Nagkahulog ang dala-dala niyang mga libro na ready na sana niyang ilagay sa respective shelves nito. Tumakbo siya kaagad sa second story ng library para tingnan kung ano ang emergency. Naabutan niya ang mga estudyante na nakatayo sa paligid ni Felix sa pinakadulong shelf. Si Carol ay nakatago ang mukha sa manggas ng suot na uniporme ni Pepper. Halatang shocked pa rin sa nakitang daga. “I hate rats. They’re stinky. They’re hairy. Ugh!” Paglilitanya pa nito. ”Anong nangyari dito?” Nakasimangot na tanong ni Mijares sa mga estudyante. “Wala ho, Sir. ‘Yung classmate ho namin nakakita kasi ng daga kaya nag-freak out.” Kuwento dito ni Ricky. Nadako ang tingin ni Mijares sa kalat na sandwich na nasa sahig saka nito tiningnan ng masama si Felix na nakasalampak ng upo pa rin. Alam na niya agad kung sino ang nagpasimuno ng kalat. “I’m going to have a nightmare about this! I’ll dream of those stinky, smelly, hairy little creatures crawling all over me! I need help!”Patuloy na iyak ni Carol na nakasandal pa rin kay Pepper na hindi malaman kung ichi-cheer up ito o itutulak palayo. “Pepper, pakisampal na nga ‘yang si Carol! Napaka-OA mag-react! Naiirita na ako!” Sabi naman ng effeminate na kasama nila sa school paper na si Linus na hindi na napigilang magpaypay sa inis gamit ang folding fan na may Chinese-inspired art pang naka-print. Pinalabas din sila lahat ni Mijares sa library pagkatapos. “Sa susunod pang may ganitong insidente na mangyari, ipapa-ban ko na kayo sa library! At ipapa-confiscate ko pa ang mga library card n’yo para wala nang reason para pumunta kayo rito! Kahit makipag-usap pa ‘ko kay Principal Sarmiento! Pupunta lang ng library para magkalat ng pagkain! Kaya nawiwili ‘yung mga daga at ibang peste na maglagi dito, eh. Last na ‘to, ha?” At malakas na pinagsarahan sila ni Mijares ng pinto. “Kasalanan mo ‘to, Felix! Dahil sa ‘yo, mako-compromise pa ang paggamit ko dito sa library!”Nagtataray na sabi agad ni Carol. “Carol, baka naman kasi puwede...” Pinutol agad ni Carol ang sasabihin pa ni Felix. “I don’t want to hear about it!” Sinimulan na niyang maglakad palayo. “Let’s go to the cafeteria! Ituloy na natin ‘tong hindi matapos-tapos na meeting natin!” “Carol, thirty minutes na lang tapos na ang lunch break! Kailangan ko pang i-meet si Zachary!” Protesta agad ni Linus. “Saka mo na lang i-meet ‘yung boyfriend mo! Mas importante ‘to!” Sagot naman ni Carol na tuloy lang sa paglakad. “Puwede bang after ng lahat ng classes natin tayo mag-meeting, Carol?” Hirit na tanong ni Ricky. “Tatamarin lang kayong um-attend ‘pag after classes pa natin ‘to ginawa. Saka sandali lang ‘yung meeting natin. Promise!” Dismayadong nakatingin lang sa papalayong si Carol sina Linus at Ricky. Si Felix hindi malaman kung susundan sa paglalakad si Carol o makikipagmatigasan na lang dito. “Sunod na lang tayo, guys.” Pagyayaya ni Pepper. “Sabi naman niya sa ‘kin ite-treat naman daw tayo ng pagkain sa cafeteria. Binulong niya sa ‘kin kanina. ‘Wag ko na lang daw munang sabihin sa inyo.” “Pagbigyan na natin ang bruha. May pa-free lunch naman. Iti-text ko na lang si Zachary para hindi na ako hintayin ng aking bellisimo.” Sinundan pa iyon ng tawa ni Linus na sinabayan sa paglalakad si Pepper para sundan si Carol. Lumakad na rin pasunod sina Felix at Ricky. “’Wag mong intindihin ‘yung mga sinabi kanina ni Carol. Upset lang kasi ‘yon kasi hinanap ka pa namin imbes nagsimula agad ang meeting kanina. Mabait din naman ‘yun. Tingnan mo, mangti-treat pa ng lunch. Mas madalas lang talagang may sayad siya kesa hindi.” Pilit na ngumiti lang si Felix. Alam niya kasi na ang kalalabasan ng meeting ay hindi na siya papayagan na tumanggi ni Carol sa task na naka-assign sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD