Episode Five

1779 Words
-PRINCIPAL SARMIENTO. ADMISSION PROCESS. FELIX GOT CORNERED- KONSENTRADO sa pagbabasa si Principal Enrico Sarmiento ng Fifty Shades of Grey ni E.L. James habang kumakagat ng hamburger fresh from the take-out bag na nasa desk nito nang pumasok ang secretary niyang si Jocelyn, kasunod sina Andy Chen at Yuan Chen sa opisina niya. “Principal Sarmiento, I believe your expecting Mister Chen and his son to arrive.” Magalang na sabi ni Jocelyn habang ina-usher niya papasok sa opisina ang dalawa. Nahulog ni Principal Sarmiento ang librong binabasa sa gulat. Hindi niya kasi inaasahan na sa oras na ‘yun darating sina Andy at ang anak nito. Pinigil naman ni Yuan na matawa sa reaksyon ng principal na nabigla ito sa pagdating nila. “Jocelyn, next time tawagan mo muna ‘yung line ko in advance na may bisita na pala akong paparating para ma-prepare ko naman sarili ko, okay?” Bilin ni Principal Sarmiento sa sekretarya niya habang hinahanap niya kung saan conspicuously ilalagay ang librong binabasa niya. “Okay, Sir.” Nakangiting sabi ni Jocelyn saka lumabas na ng opisina. Kinuha naman ni Andy ang libro sa kamay ng principal at tiningnan pa ang front cover para makasigurado. “Fifty Shades and a Quarter Pounder. Interesting combination, Eric.” Inagaw pabalik ni Principal Sarmiento ang libro. “For your information, Andy, it’s not my copy. It’s my wife.” Itinaas ni Andy ang dalawang kamay na parang sinasabi na hindi ito nakikipag-argue. “I’m not judging, Eric. My ex-wife was obsessed with that book series as well.” “I’m not reading it for myself.” Sagot naman ng principal habang gume-gesture na umupo na sila Andy at Yuan sa harap ng mesa niya. “I’m reading it for my wife’s sake. We had an heated argument last night. She’s complaining I’m too stoic. I’m too rigid. And that I’m not being affectionate enough. Saka niya sinalpak ‘yang steamy novel na ‘yan sa mukha ko. Basahin ko raw para kumuha ng pointers kay Christian Grey on how to become a complete amourous gentleman.” “Well, if your wife’s definition of romance is being handcuffed and flagellated, again I say, I’m not here to judge.” Sagot ni Andy pero may smirk na ito sa mukha. “’Wag na nga nating pag-usapan ‘yung personal dealings ko with my marriage.” Itinago na lang ni Principal Sarmiento ang e*****a novel sa isa sa mga drawers ng desk niya at hinarap si Yuan. “’Eto ba si Yuan? Gandang lalaki, ha? Matikas ang tindig. Buti hindi nagmana sa ‘yo.” Gusto namang takpan ni Yuan ang mukha sa natatanggap na papuri. Si Andy naman natawa ng malakas sa pangbu-bully ng principal. Binuksan ni Andy ang dala niyang briefcase at binigay kay Principal Sarmiento ang folder na pinaglalagyan ng mga dokumento ni Yuan. Pinasadahan naman ng tingin ng principal ang mga nakalagay sa folder. “Nand’yan na ‘yung copies ng transfer credentials niya from his former school, transcript of records, pati na rin birth certificate accredited ng NSO.” Pag-inform ni Andy sa mga documents na tinitingnan ngayon ni Principal Sarmiento. “Kung may kulang pa just let me know.” “I think this is good. I-forward ko na lang ‘to kay Jocelyn para siya na mag-double check kung meron pang kulang dito.” May kinuhang application form si Principal Soriano sa document tray na nasa desk niya at inabot ito kay Yuan. “Fill-up mo lang ‘yung mga may check marks, Yuan.” “Opo.” Sagot ni Yuan habang kinukuha ang papel. “After i-fill up ni Yuan ang form, punta na lang kayo sa registrar’s office to pay for the admission fee. And within this week, ipapa-process ko na rin ‘yung admission certificate niya.” Sabi ng principal nang bumaling kay Andy. “Thank you, Eric, for making my son’s transfer here as painless as possible.” Sincere na sabi ni Andy. “Sus! Ang drama nito! Para tayong ‘di magkabarkada dati sa Ateneo.” Nakatawang sagot naman ni Principal Sarmiento. Nadako naman ngayon ang kuwentuhan ng dalawa sa pagre-reminisce nuong nasa kolehiyo pa sila. Habang kinukumpletong sagutan ni Yuan ang application form, napatingin siya sa transparent window sa likod ng upuan ng principal at nawili siyang panuorin ang mga estudyanteng naka-P.E. uniforms habang naglalaro ng Frisbee sa school playground. -------- SA CAFETERIA, nakatanaw din si Felix sa glass window sa mga naglalarong estudyante ng Frisbee sa labas. Parang wala ang interes nito sa ginaganap na meeting ng mga kasamahan niya sa The Good News. Nagulat pa nga siya ng kinalabit siya ni Ricky. “May tinatanong sa ‘yo si Carol.” ”Sorry. Hindi ko narining. Ano ulit ‘yon?” “Paano mo hindi maririnig eh wala ‘yung attention mo dito sa meeting?” Nagtaray na agad si Carol. “Dito ka muna kasi mag-focus. Mamaya mo na panuorin ‘yang si Cherry.” Namula agad ang mukha ni Felix. Ang isa sa mga estudyanteng naglalaro ng Frisbee sa labas ang tinutukoy ni Carol. “Ha? Hindi naman siya ang tinitingnan ko.” “Alangan namang si Ron-Ron.” ‘Yung lalaking kabatuhan ni Cherry nang Frisbee naman ang binanggit na pangalan ni Carol. Sumipsip na lang si Felix sa straw ng Chuckie chocolate drink na kasama sa nilibre sa kanila ni Carol sa cafeteria para ‘di na lang siya sumagot. “Anyway, that’s not my question.” Hindi alam ni Felix kung ipagpapasalamat ba niya na na-divert na ang question o kakabahan dahil bumalik na sila sa talagang agenda ng meeting. “What I’m asking kung matutuloy na ba ang pag-interview mo kina Chloe, Jill, Samantha and company. May rehearsal sila after school. ‘Yun na ‘yung opportunity mo. Para by Wednesday or Thursday, puwede mo nang i-send sa ‘kin ‘yung draft nung article. Ie-edit ko pa kasi ‘yon saka ipapa-approve sa adviser natin, kay Mrs. Ilagan. ‘Yung magaganap na coronation night sa Friday, madali nang isingit ‘yon. Kahit ako na mismo ang mag-add nung details ng pageant. Basta hindi lang tayo ma-delay sa deadline. Can I count on you to conduct that interview later, Felix?” “I’ll try, Carol.” Muntik pang mag-stutter si Felix nang sumagot. Sininghalan agad siya ni Carol. “Wrong answer!” “I’ll do it right after class, Carol.” Ngiting sagot ni Felix pero feeling niya nakangiwi siyang sumagot. Relieved na napahinga si Carol. “Kung ‘yan na ang sinagot mo sa ‘kin from the very start, Felix, hindi na sana tayo umabot sa hide-and-seek episode sa library!” Kumagat na lang ng glazed donut si Felix kesa magsalita pa. “Okay na tayo, ha?” In-address na ni Carol ang iba pang staff na kasama sa table. I’ll expect your individual drafts on either Wednesday or Thursday. Otherwise, you’ll see my pretty freckled face hounding you at the four corners of this school. Hindi n’yo mae-enjoy ‘yung Foundation Day n’yo sa Friday, I swear. Meeting adjourned!” Isa-isa nang umalis sa table ang staff ng The Good News, kasama si Carol. Tinupad nito ang promise na sandali lang ang meeting nila. Pinansin naman ni Linus si Pepper dahil kaunti lang ang nakain nito sa in-order niyang oatmeal at apple. “Girl, konti pa lang bawas mo sa pagkain mo. Kalahatiin mo man lang. May time pa naman tayo bago ‘yung next class natin. I’ll wait for you habang kinakain mo ‘yan.” “Hindi. Busog na ‘ko. Mahina lang talaga akong kumain. Saka, dadalhin ko naman ‘tong apple para may snack ako pag downtime.” Hindi na nagpapigil si Pepper na tumayo na ng table. “Bro, panuorin natin ‘yung mga nagpa-practice sa labas habang inaantay natin ‘yung next period natin.” Yaya naman ni Ricky kay Felix. “Tinatamad akong lumabas. Saka mainit. Dito na lang ako mag-aantay.” Tanggi naman ni Felix. “Okay. See you na lang sa next class.” At tumayo si Ricky sa table at naiwan na duon si Felix. Naisipang tingnan ulit ni Felix ang litrato ng batang babae sa likod ng I.D. niya. Habang pinagmamasdan niya ito, ang ingay na naririnig niya sa loob ng cafeteria (mga kalansing ng silverware, mga tawanan at low-key na pag-uusap ng mga estudyante na kumakain sa loob, ang ‘kaching’ na tunog ng cash register sa counter ng cafeteria) ay napalitan ng masasayang huni ng mga ibon, pagaspas ng mga sanga at dahon sa ihip ng hangin, at mga tawa ng batang babae habang sumisigaw ng, Ikaw na ang taya, Felix! Ikaw naman ang humabol! Ang bagal mo namang tumakbo! Sa peripheral vision niya nakita niyang may lumapit na dalawang tao sa mesang pinupuwestuhan niya. “Puwedeng maki-share? Wala na kasing puwesto.” Tanong ng isang lalaki na sa boses ay kasing-edad lang ni Felix. Bahagyang tumango lang si Felix nang hindi tumingin sa nagtanong. Nakatingin pa rin ito sa picture na nasa likod ng I.D. niya. Pumuwesto na ng upo ang dalawa sa espayo ng mesa ni Felix, dala ang tray ng in-order nilang pagkain. Hindi pa sila gaano nakakasimula sa pagkain nang magsalita ang isa sa dalawang lalaki. Mas mature ang boses nito. “Teka! Ikaw ‘yung nakabangga sa ‘kin kanina, ‘di ba? Kaya tumapon ‘yung hawak kong Starbucks coffee sa shirt ko.” Duon na naputol ang pagde-daydream ni Felix. Napatingin siya sa dalawang nakiki-share ng table niya at nakita niyang masuri siyang tinitingnan nina Yuan at Andy. “Ikaw nga. Ikaw nga ‘yung nakabangga sa ‘kin.” Sabi pa ni Andy na nakaturo pa kay Felix. Pero mukhang hindi naman ito galit. Kaagad namang kinolekta ni Felix ang mga gamit niya. “Excuse me ho pala. Magsisimula na kasi ang klase ko.” Hindi na hinintay ni Felix na makasagot man lang sa kanya sina Yuan o Andy. Tuloy-tuloy siyang lumabas sa cafeteria. “Nǐ xià dào tāle, Pa.” Sabi ni Yuan kay Andy na in English translation ay “You scared him, Papa.” “Yěxǔ wǒ kàn qǐlái hěn kǒngbù.” Sagot naman  ni Andy na ang English translation naman ay “Maybe I look scary.” Natawa na lang si Yuan habang sumusubo ng inorder nitong spaghetti with meatballs.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD