Episode Three

618 Words
-THE ARRIVAL. HEATED ARGUMENT. THE CASE OF SPILLED COFFEE- TUMIGIL sa parking lot ng The Good Earth Academy ang isang BMW sedan. Patingin-tingin sa paligid ang nagmamaneho ng kotse na si Andy Chen at mukhang natutuwa naman ito sa mga nakikita niya. Katabi niya sa passenger seat ang nagbibinatang anak niyang si Yuan. Sinusubukang maging nonchalant sa paligid niya habang nakikinig sa mga kanta ng DAMN album ni Kendrick Lemar sa suot-suot niyang Beats by Dre headphones. “I like it here, Son. Maraming lush greeneries. At maganda ‘yung mga uniforms ng students for both boys and girls.”Pero paglingon ni Andy kay Yuan ay nakapikit ang dalawang mata nito habang nagba-bob ang head. Mula sa headphones ay rinig ang Humble song ni Kendrick Lemar na kasalukuyang tumutugtog. Kinalas ni Andy ang headband na nakalagay sa ulo ni Yuan. “Tīng wǒ shuō!” From Chinese translation ay ibig sabihin “Listen to me!”Napatingin saglit si Yuan kay Andy. Halata ang kirot sa mga mata. Pero agad itong nagbaba ng tingin. “I’m listening to you, Pa.” “You are not paying attention.” Mainit na sagot ni Andy pero agad naman itong bumuntong-hininga at pinakalma ang sarili. “I know this is hard for you. Transferring to a new school and meeting new people. You may not understand it now, pero trust me. This would be good for you. Hindi ka na mai-influence ng mga good for nothing peers mo sa Saint Benedict katulad nina Jesse...” “Pa, ‘andito na tayo, ‘di ba? No need to dig up the past.” Putol ni Yuan sa planong pagro-roll call ng Andy ng mga pangalan ng mga barkada niyang para dito ay ‘bad influence’ para sa kanya. “Saka kahit ayaw ko naman dito, do I have a choice? Kayo pa rin naman ang may last say, ‘di ba? So let’s just get this over and done with.” At bago pa maka-react si Andy ay binuksan na ni Yuan ang pintuan sa side niya. Napahinga na lang ulit ng malalim si Andy, kinuha niya ang take-out cup niya ng cafe Americano sa Starbucks at lumabas na rin sa side niya ng kotse. Kaagad ni-lock ni Andy ang kotse gamit ang key fob. Lalapit na sana si Andy sa side ng anak niya sa kotse nang biglang may bumangga sa kanyang estudyante na nagmamadali sa pagtakbo. Saktong natamaan nito ang hawak niyang take-out cup ng coffee at sumaboy ang laman nito sa harapan ng suot niyang long-sleeved polo at necktie. Shocked na napatingin na lang si Andy sa estudyanteng nakabangga sa kanya. Nagawa namang lumingon nito at sumigaw sa kanya ng: “Sorry! Sorry! Pasensiya na po!” Duon lang nakabawi sa pagka-shocked si Andy at nagawa na nitong sigawan ang papalayong estudyante. “Hey! Heeey! Come back here, you moron!” Lumapit na si Yuan kay Andy at sinipat nito ang nadumihang polo at tie. “Now I look disgusting, right?” Tanong ni Andy kay Yuan. “Really disgusting.” Nakangiting tumango naman si Yuan. Nagkatawanan na ang mag-ama. Nawalang bigla ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. “May extra shirt ka pa naman ‘ata sa kotse, ‘di ba, Papa? Magpalit ka na lang muna. I’ll just wait for you.” Suhestiyon ni Yuan. Pumasok ulit sa loob ng kotse si Andy para makapagpalit ng damit. Tinanaw naman ng tingin ni Yuan ang estudyanteng nakabangga sa Papa niya. Nakita niya itong pumapasok na ngayon sa library building ng The Good Earth Academy. At dito nagsimula ang unang pag-krus ng landas nina Yuan Chen at Felix de Jesus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD