Episode Nineteen

1287 Words
-LOCKED LIPS- NAGKAROON pa ng malakas na feedback bago narinig nina Felix at Yuan ang boses ni Jill na na-amplified gamit ang hawak nitong megaphone sa may harap ng kissing booth. “Announcement lang, boys and girls! We have a special treat for you today! Aside from getting a kiss from Asha and Almira, you’ll also gonna get a hug from moi!” Nag-cheer sa tuwa ang karamihan sa mga guys na nakapila sa kissing booth. Tiningnan ulit ni Felix si Yuan habang sinusundan niya ito habang kumikilos ang pila. “Why you’re giving me that look?” Tanong ni Yuan nang mapansing parang may meaning ang tingin sa kanya ni Felix. “Wala.” Sabi ni Felix sabay bawi ng tingin kay Yuan. “You think I’m enjoying this.” Accused ni Yuan na parang nababasa nito ang iniisip ni Felix. “Yuan, you’re a guy. Let’s be honest. Kung hahalikan ka ng dalawang magandang twins at yayakapin ka pa ng considered na pinaka-hottest chick sa school natin, ‘di ka ba matutuwa?” “Ginagawa ko lang naman ito as a favor to Jill kase I stood him up last night.” Paliwanag ni Yuan. Pero nasa mukha ni Felix na hindi pa rin naniniwala sa rason ni Yuan. “Bakit ang weird mo bigla ngayon, Felix? Is it because of Jill?” Kabadong napatingin si Felix kay Yuan. Kinakabahan siya sa tinutumbok sabihin nito. Tinitigan siyang maigi ni Yuan bago nito binagsak ang mala-Hiroshima bomb nitong conclusion. “Nagseselos ka, ‘no?” Natulala si Felix. “Ha?” “Nagseselos ka kasi may crush ka kay Jill. Tama ako, ‘di ba?” Ngumiti na ngayon si Yuan. Akala niya tama ang hinala niya. Parang nakakain ng mapaklang prutas ang mukha ni Felix. “Anong crush? Wala akong gusto d’yan!” “Ayaw pang aminin nito. You want to trade places? Ikaw na lang mag-line up dito, ako na lang ang kukuha sa mga pictures.” Tinangka pang kunin ni Yuan ang camera kay Felix pero umatras ito. Tiyempong nakita ni Felix si Jill na kinukuha ang atensiyon niya mula sa harap ng kissing booth. Nag-hand signal ito na simulan na niya ang pagkuha ng mga pictures sa booth. Ginamit agad itong reason ni Felix para maka-escape sa ‘pagpapaamin’ sa kanya ni Yuan. “Sinesenyasan na ako ni Jill, Yuan. Mag-start na daw akong mag-take ng pictures. Kaya bahala ka na d’yan!” At iniwanan na ni Felix si Yuan sa pila kahit nagpo-protesta ito. Pumuwesto siya sa harap ng booth at nagawa naman niyang makakuha ng decent enough pictures. Gaya ng in-announced ni Jill kanina, ang naging proseso ay ibibigay muna ng ng pinakauna sa pila ang fifty pesos payment, saka hahalik sina Asha at Almira sa magkabilang pisngi ng nagbayad at panghuli si Jill na yayakap dito ng mahigpit. Nang turn na ni Yuan, pumuwesto si Felix na kukuhanan ito ng picture sa DSLR camera ngunit sumenyas si Yuan na ayaw nito. Dahil trip ni Felix na asarin si Yuan, lalo pa nitong itinutok ang camerang hawak. Napailing na lang si Yuan nang lumapit sa kissing booth. Mamaya na lang niya kakausapin ng masinsinan si Felix. Nakangiti siyang lumapit sa kissing booth. Kaagad namang humalik sa magkabila niyang pisngi sina Asha at Almira. Nang tumapat na si Yuan kay Jill, pumorma na siyang yayakap dito. Pero nagulat siya nang imbes yakapin siya ni Jill ay hinawakan siya ng dalawang kamay nito sa mukha at hinila siya palapit para mahalikan siya ng mariin sa labi. Hindi lang basta smack ang ginawa ni Jill kungdi isang full throttle na kiss. Dahil sobrang nabigla sa mapangahas na halik ni Jill ay hinayaan na lang ito ni Yuan. Si Felix na nakaporma sa pagkuha sana ng pictures kay Yuan ay natigilan nang makita ang daring move na ginawa ni Jill. Ibinaba ni Felix ang camera niyang hawak, baka kasi nagpe-play tricks lang ang mga mata niya sa kanya pero hindi. Actual talagang hinahalikan ni Jill si Yuan. At mukhang ine-enjoy pa ni Yuan by the looks of it. Doing it as a favor, my ass! Inis na naisip ni Felix. Makalipas ang halos isang minuto, natapos ding halikan ni Jill si Yuan. Pareho silang breathless. Ngumiti si Jill at very daintily pa nitong pinunasan ang lipstick niya na bahagyang nag-stain sa lips ni Yuan ng mga daliri niya. “You are a good kisser, Yuan. Just as I imagined it would be.” Awkward na ngumiti si Yuan. Hindi alam kung ano ang isasagot. Resulta naman ng ginawa ni Jill, nagkaroon tuloy ng clamor ang iba pang guys na nakapila sa kissing booth na makakuha din sila ng same treatment from Jill. Naka-hook pa rin ang braso ni Jill sa neck ni Yuan habang pinupunasan pa rin niya ang lips nito kahit natanggal na niya lahat ang traces dito ng lipstick nang marinig nila ang galit na galit na boses ni Francis. “What in the world, Jill?!” Napakalas tuloy si Jill kay Yuan at pareho silang napatingin sa direksyon ng boses ni Francis. Nakita nila ito na nakatayo malapit sa likuran ni Felix. At kasama rin ni Francis sina Chloe, Iñigo at Sara. Lahat sila shocked sa nakitang eksena sa kissing booth. Si Chloe, nakatakip pa ang isang kamay sa bibig, parang ayaw niyang irehistro sa isip ang nakikita niya ngayon. Hindi nila naabutan na si Jill ang nag-initiate ng kiss. ‘Yung moment na nagki-kiss na sina Yuan at Jill ang nakita ng grupo nila Chloe nang mapadaan sila sa kissing booth. Ang umaandar tuloy sa isip ni Chloe ay attracted nga si Yuan kay Jill kaya nagawa niyang halikan ang kino-consider niyang best friend. Ang daya naman ni Jill. Lahat na lang hinamig nito. Nagpipigil ng iyak na lumakad palayo si Chloe. Kahit hindi niya alam kung saan siya pupunta, hindi na importante ‘yon. Basta kailangan makalayo siya bago pa nila mapansin na naiiyak na siya. Panigurado kasing magke-create pa ng maraming questions pag na-notice pa ito ng mga peers niya. “Chloe, where are you going?” Worried na tawag ni Iñigo dito. Nawala ang pagka-paralyze ni Yuan sa ginawang kiss sa kanya ni Jill  nang makita niya ang naging reaction ni Chloe at ang paglakad nito palayo. “Excuse me.” Seryoso niyang sabi kay Jill at halos patakbo niyang sinundan si Chloe. Confused namang napasunod ang tingin ni Jill sa binata. Hindi inaasahan na ganu’n ang magiging action nito matapos ang intimate niyang paghalik dito. Nagtitimpi naman sa galit si Francis nang lumapit sa girlfriend. “Mag-usap nga tayo!” Saglit lang tiningnan ni Jill si Francis, pero ang atensyon nito ay naka-focus pa rin sa direksyong nilakaran ni Yuan. “Can we discuss this later, Francis?” Hindi na hinintay makasagot ni Jill ang boyfriend. Lumakad na rin siya pasunod kina Yuan at Chloe. “Are you kidding me?!” Hindi makapaniwala na tinalikuran siya ni Jill habang kinokompronta niya ito, walang nagawa si Francis kung hindi sundan na rin ang girlfriend. “Hindi ko ine-expect na puno ng drama at tension ang Foundation Day ng school natin, Iñigo. And I’m lovin’ it!” Hindi napigilang sabihin ni Sara na halatang amused na amused sa mga nangyayari. “Sumunod na nga rin tayo.” Yaya ni Iñigo. Naiwan si Felix sa tabi ng pila ng mga nagrereklamo sa kissing booth dahil nag-disappear na si Jill. Wala bang magtatanong sa kanya kung anong nararamdaman niya sa mga oras na ‘yon? Kesa makinig sa mga nagrereklamo sa queue, dejected na lumakad na lang palayo si Felix.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD