Episode Eighteen

2004 Words
-CAMERA PHOTOGRAPHY 101. JILL’S PENALTY TO YUAN- KAHIT na may kalakasan ang ulan ng nagdaang gabi, miraculously itong nawala ng umaga ng Foundation Day sa The Good Earth Academy. Kahit na damp ang school grounds sa magdamag na ulan ay hindi ito nakapigil sa mga estudyante na hindi subukan ang mga rides na naka-set up duon ngayon. Marami ding mga games at activity booths ang naka-set up gaya ng fish cup game booth, face painting booth, butterfly balloon pop booth, mga concessionaire food stands, picture taking booths, at ang mga classics na kissing booth, jail booth at wedding booth. Hitsura tuloy na parang nagkaroon ng mini-carnival sa pinaka-school grounds ng akademiya. Gaya ng napagkasunduan, maagang dumating sa school sina Felix at Yuan. Pinahawak agad ni Yuan ang dalang Canon DSLR kay Felix. Tinuruan niya agad ito ng mga anggulo ng pagkuha at mga technicalities gaya ng pagmaniobra ng f-numbers ng apertures for wide angle shots, pagdagdag ng bokeh effect, depth sensor sa pag-focus sa foreground or background ng subject na kinukuhanan, gamitin ang shutter speed function sa pagkuha ng mga moving objects, pag-adjust ng exposure settings, ISO speed, AF Modes, metering at kung anu-ano pa. Willing student naman si Felix. Aminado sa una ay nalilito siya pero nang unti-unti na niyang magamay ang paggamit ng interface ng camera at kung paano ia-apply ang mga settings na itinuro ni Yuan para lumabas na maganda ang mga pictures na kinukuhanan niya. Tuwang-tuwa siya sa kinalabasan ng kuha niya sa isang clown na nagju-juggling ng mga bowling pins, isang estudyanteng naglalaro ng ring-a-bottle. May kuha rin siya ng isang estudyanteng naghu-hula hoop at mga estudyanteng kinakain ang natutunaw ng ice cream sa cone sa harap ng ice cream stand. Pero may pagkakataong tinatawag niya si Yuan para tulungan siya sa isang function na hindi gumagana sa camera. Tulad ngayon, nagkakaproblema si Yuan na i-focus ang kinukuhanang mga Teletubbies stuff toys. Lumapit agad si Yuan at pumuwesto sa likuran niya para makita rin nito interface ng camerang hawak ni Felix. “Ganito lang ‘yan. Switch mo dito ‘yung MF or ‘yung manual focus.” Nag-snake mula sa likod niya ang arms ni Yuan para mag-switch ang button for MF. Tapos i-move mo lang ‘yung magnification icon display dito sa kinukuhanan mo.” Nag-snake ‘yung isang kamay naman ni Yuan para pindutin ang icon na sinasabi nito na nasa interface. “Kung hindi ka pa satisfied, you can turn the focusing ring ng lens para mag-adjust pa ‘yung focus to your desired shot.” Hinawakan na ngayon ni Yuan ang isang kamay ni Felix papunta sa focus ring ng camera. “Pag tingin mo maganda nang lalabas ang picture, i-press down mo na lang ‘yung shutter button. Then voila! You now have a picture taken like a pro.” At kumindat pa si Yuan sa kanya. “I think I got this na. Puwede ka nang lumayo.” Naiilang na kasi si Felix sa closeness ni Yuan sa kanya kaya bahagya niya itong inilayo. “Wait lang! Tingnan ko muna kung masusundan mo ‘yung tinuro ko sa ‘yo.” Nakakaloko ang ngiti ni Yuan na lumapit ulit sa likod ni Felix. Pinagpawisan na tuloy si Felix. Hindi makapag-concentrate sa subject na gustong kuhanan ng litrato. At that instance, nakita ni Jill silang dalawa ni Yuan at masigla ang ngiti nitong lumapit sa kanila. “Hi, Yuan!” May sandaling moment of silence bago sinabi ni Jill ang “Hi, Felix!” na parang hindi pa ito sigurado kung babatiin din siya. “Hi, Jill!” Masigla rin siyang binati ni Yuan. “Musta? Ready ka na ba for the pageant mamaya?” Napansin ni Felix na confident na confident si Jill sa sexy nitong suot na pink halter top na may naka-print pang I AM A ROCKSTAR sa harap, skinny jeans at wedge shoes. Napatingin din si Felix kay Yuan. Mukhang natutuwa itong tingnan ngayon si Jill. Naisip bigla ni Felix kung attracted kaya si Yuan kay Jill? Bakit kasi pinayagan ng admin office na puwedeng mag-civilian clothes ngayong school fair? Sana naka-uniform na lang lahat. Parang may gustong pagbuntunan ng sisi si Felix kaya naka-sexy na outfit ngayon si Jill. “Of course!” Narinig ni Felix na sagot ni Jill kay Yuan. “Pero meron kang kasalanan sa ‘kin.” Nangunot ang noo ni Yuan. “Ha? What did I do?” “You forgot to call me or to chat me back on f******k. Marami ka yatang ka-chat kagabi, eh.” Nag-pout pa si Jill na kunyaring nagtatampo. “Oh! My bad!” Natapik pa ni Yuan ang noo. “I was so exhausted na kasi when I got home. Hindi na ako nakapag-check ng social media.” Napatingin si Felix kay Yuan. Si Jill pala ang ka-chat ni Yuan kagabi nung hinatid siya nito sa bahay niya sa Murphy, Cubao. Umandar na agad ang imagination ni Felix. Kelan kaya sila naging friends sa f******k. Sino ang naunang nag-send ng friend request? Si Jill kaya? Or si Yuan, gaya ng ginawa itong pag-add din sa kanya sa f******k account niya? Saka nagsasabi ba ng totoo si Yuan kay Jill? Sa tanda niya kasi, malapit nang mag-ten ng gabi nang ma-receive niya ang friend request ni Yuan. Nung magka-chat (pala) sila ni Jill nung hinatid siya ni Yuan sa bahay pasado alas otso pa lang nu’n ng gabi. “Well, because of that, you have a penalty.” Nanunukso ang ngiti na sabi ni Jill na hinawakan na sa braso si Yuan. “Wait! Where are you taking me?”Surprised na tanong ni Yuan nang hinihila na siya ni Jill palayo. Hindi naman makatanggi si Yuan. “Secret! You’ll know pag nandu’n na tayo!” Nakangiting sagot ni Jill na lalo pang hinigpitan ang hawak sa braso ni Yuan. Tuluyan na iniwan ng dalawa si Felix. Hindi man lang nagpaalam si Jill sa kanya kahit nakita nitong busy pa si Yuan sa pagtuturo sa kanya ng paggamit ng camera. Parang invisible na siya at wala nang significance. Masama ang loob na sumunod na lang si Felix kina Jill.  -------- SA kissing booth pala planong dalhin ni Jill si Yuan. Ang totoo niyan, set-up ito ng cousins ni Jill na identical twins na sina Asha at Almira from the lower batch. Nakikitulong lang si Jill para lumaki ang money nakokolekta nila. Essentially, fundraiser din ang mga events sa Foundation Day. Lahat ng makokolektang money sa mga booths, pati na rin ang magaganap na pageant later that day, part ng proceeds nu’n ay ibibigay sa mapipiling charity ng school for that year. Ang Caritas Manila sa Pandacan, Manila ang napipisil na tulungan ng The Good Earth Academy ngayong taon. Tumigil muna sa pag-entertain ng mga guys at girls na nakapila sa kissing booth sina Asha at Almira nang lapitan sila ni Jill na hawak pa rin sa braso si Yuan. “Cousins! Ito ‘yung kinukuwento ko sa inyo. ‘Yung bagong transferee sa class namin. Si Yuan. And Yuan, meet my cousins, Asha and Almira. They’re identical twins.” Pagpapakilala ni Jill sa kanilang tatlo. Sa totoo lang, hindi ma-differentiate ni Yuan kung sino sa dalawa si Asha at Almira. Total identical kasi ang twins mula skin tone, height, facial feature at pigura ng katawan. Pati outfits at style ng pagkaka-braid ng mahahaba nilang buhok ay parehong-pareho. Nahalata naman ni Jill ang confusion ni Yuan kaya siya na ang nagkusang i-point out dito kung paano niya na-a-identify ang cousins niyang twins. “Para hindi ka ma-confuse, si Asha ‘yung may mole sa left check, si Almira naman wala pero meron siyang dimple sa side ng lips.” Nangiti naman si Yuan. “Cool! Now I’m not confused anymore.” “Ate Jill, tama nga kuwento mo sa ‘min. He’s really cute!” Sabi ni Asha na hindi maalis ang tingin sa mukha ni Yuan. Actually, pareho sila ng twin niyang si Almira na naka-glue na yata ang mga mata kay Yuan. “Oh, no! Binubuking n’yo naman ako kay Yuan. Nakakahiya!” Napahawak pa sa chest si Jill na parang na-shocked ito sa revelation ng pinsan. Ngumiti naman si Yuan. “Okay lang.” Saka siya nakipag-shake hands sa cousins ni Jill. “Nice to meet you, Asha, Almira.” Tumama naman si Yuan sa pagtukoy ng pangalan ng dalawa. “Now, for your penalty...” At hinila ulit ni Jill palayo si Yuan. Natatawang sinundan sila ng tingin nina Asha at Almira at bumalik na ulit sa pag-entertain sa mga nakapila sa kissing booth. Dinala ni Jill si Yuan sa pinakadulo ng current line ngayon sa booth ng mga cousins niya. “What are you planning, Jill?”Nakangiti si Yuan pero nakakunot ang noo na tumingin sa dalaga. “We need your money. Fifty pesos lang naman. For the school’s fundraising program. You’ll get your reward pag nasa unahan ka na ng line. A kiss to the cheek from Asha and Almira. Balik lang ako sa booth, ha? I’ll make some announcement.” Duon napansin ni Jill si Felix na nakalapit na sa kanila. Seryoso ang mukha habang hawak sa dalawang kamay nito ang Canon camera ni Yuan. Pero hindi ang seryosong mukha ni Felix ang napansin ni Jill, kung hindi ang hawak na DSLR camera nito. “Felix, you’re taking photographs for the school paper, ‘di ba? Kuhanan mo naman ng ilang photos ‘yung kissing booth namin. Thanks!” Hindi man lang hinintay ni Jill na magsalita si Felix kung payag ba ito. Basta na lang naglakad pabalik sa kissing booth. Nasusuyang sinundan na lang ng tingin ni Felix si Jill saka binalingan si Yuan. “Bakit ka nandito? Akala ko ba tuturuan mo ‘ko dito sa camera mo? Marami pa akong hindi alam.” “Sorry, Felix. Sandali lang ‘to. After this, itutuloy ko na ‘yung photography session natin.” Idinaan na lang ni Yuan sa ngiti para madisimula ang pagtatampo ni Felix. “Puwede ka naman kasing tumanggi.” Halos pabulong na sabi ni Felix pero narinig pa rin ni Yuan. “May kasalanan kasi ako kay Jill that’s why I couldn’t say no.”Sabi ni Yuan habang tinitingnan ang activity sa unahan ng queue kung sana siya nakapila. “Ha?” Kunot ang noong napatingin si Felix kay Yuan. “I was suppose to chat with her last night after I went home. In-add niya ako sa f******k nung hinatid kita sa house n’yo. We chatted a little then and I inadvertently promised that I’ll chat or call her pag nakauwi na ‘ko. Pero hindi ko na ginawa. Wala na kasi ako sa mood nu’n. I just wanted to rest.” “Pero i-add mo ko sa f******k medyo late na kahapon, ‘di ba?” Nangiti ulit si Yuan. “Oo. Para ma-remind ka to be here sa school earlier. Baka hindi ka sumipot, eh.” “Bakit gusto kang i-chat ni Jill? May gusto siya sa ‘yo, ‘no?” Kabado si Felix nang itanong iyon. Pero hindi niya alam kung bakit. “I don’t know. Hindi naman siguro. May boyfriend na siya, ‘di ba? Ang sabi lang niya sa ‘kin, she wanted to talk with someone last night kasi kinakabahan daw siya sa pageant later. Kaya lang baka malaman ng boyfriend niya. Gulo lang. Gusto ko nang umiwas sa gulo. Sawa na ‘ko d’yan.” Tumahimik na lang si Felix. Pero ang gusto sana niyang sabihin: Kahit may boyfriend naman o wala, ‘pag may gustong gawin si Jill, walang makakapigil dito? Walang idea si Felix na masasaksihan niya ang ugaling ito ni Jill in person habang sinasamahan sa pila sa kissing booth si Yuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD