Episode Twenty

2374 Words
-MOCK WEDDING. JILL GOT JEALOUS. FELIX’S REALIZATIONS- MABILIS ang lakad ni Chloe. Hindi lang maiwasan na magitgit siya sa dami ng tao ngayon sa school grounds. Karamihan mga estudyanteng bumibili ng mga pagkain at knickknacks sa mga concessionaire booths, mga namimili kung anong rides ang susubukan o di kaya anong games ang sasalihan. Meron din siyang nakasalubong na mga clowns na hinihipan ang hawak nilang bubble blowers at mga mascots na nagsasayaw sa The Woah Song ng hip hop dance group na Krypto9095. Dahil sa hectic surroundings ng fair atmosphere sa school, hindi ine-expect ni Chloe na sa pagmamadali niya ay may mga kamay na hahawak ng mahigpit sa braso niya. Muntik pa siyang mapasigaw sa kaba. Nag-subside naman ito nang makita niyang si Linus pala ang may hawak sa kanya. Pero nang ma-realize niya kung bakit siya hinahawakan ni Linus ay muling bumalik ang kaba niya. “Linus, I’m begging you. ‘Wag ngayon. I really need to run away right now.” Pakiusap ni Chloe kay Linus para pakawalan siya nito. “Don’t we all, dear?” Sweet na ngumiti sa kanya si Linus pero lalo nitong hinigpitan ang hawak sa braso niya. Lumingon ito sa likuran ni Chloe na parang may hinahanap. “Ricky, may nakuha ka nang groom?” “Meron na! He’s right here!” Masiglang sagot naman ni Ricky sa likuran niya. Paglingon ni Chloe ay parang matutunaw siya sa sobrang kaba nang makita niyang si Yuan ang hawak-hawak ni Ricky. Wedding booth ang nakatoka sa staff ng The Good News. Kasama sana din dito si Felix pero nag-beg off ito para sa supposed-to-be photography session niya with Yuan na tila nabubulilyaso na. Hindi makatingin ng diretso si Chloe kay Yuan dahil titig na titig ito sa kanya habang hinihila ito ni Ricky papalapit sa kanila ni Linus. “I really don’t want to do this, Linus.” Sabi ni Chloe na pilit na binabawi ang braso niya pero ayaw siya talagang pakalawan ng kaklase. “Well, well, well. You don’t have a choice, honey.” Sabi naman ni Linus na naisipang i-imbibe ang persona ni Malificent ngayon school fair. “Ricky, dalhin na natin ang mga victims natin para maayusan na for their wedding at mabigyan ng rin blessing ng ating ministress.” Sinundan pa iyon ng evil laugh ni Linus. Nakagitgitan pa sina Yuan at Chloe habang hinihila sila nina Ricky at Linus. Ramdam ni Chloe na pirmihang nakatingin pa rin sa kanya si Yuan kaya nakatutok lang ang tingin niya sa ground na nilalakaran. Baka kasi makasalubong ang mga paa niya at matisod siya. Pag nangyari ‘yon, mas lalala ang shamefacedness na nararamdaman niya. Nang makarating sa wedding booth, inayusan agad sila nina Ricky, Linus at Pepper. Sina Linus at Pepper nakatoka kay Chloe, si Ricky naman kay Yuan. Si Carol naman nagsuot na rin ng priest habit at pinapasadahan ng tingin ang pamphlet ng babasahin nito para sa mock wedding. Simpleng laced veil ang pinasuot kay Chloe saka ipinahawak din sa kanya ang boquet ng pink hydrangeas. Pumayag naman si Yuan na hubarin ang moleskin jacket para masuot ang dinner jacket na props na gamit for the wedding booth. Inipitan pa siya ng boutonnière sa lapel ni Ricky. Nang okay na ang wedding accessory props, pinaharap na sila sa ministress na si Carol. “Before we proceed, let me remind you that if you don’t want to proceed with this mock wedding procedure, you can pay the one hundred pesos fee for our fundraising campaign. Otherwise, you have to go through the whole rigmarole. Are we good?” Paalala ni Carol kina Chloe at Yuan. Kinapa agad ni Chloe ang bulsa ng suot na denim pants. “Shucks! I only have my phone with me.” Tumigin agad siya sa Carol with matching pleading eyes. “Can I go to my lucker real quick to get the money? Naiwan ko ‘yata du’n ‘yung wallet ko.” “No permitido, comadre.” Sagot agad ni Carol. “Either you pay it here or we’ll do the nuptial ceremony.” Huminga ng malalim si Chloe saka tiningnan si Yuan. Nakatingin rin ito sa kanya pero pilyo na ngayon itong nakangiti. Stop spacing out, Chloe! Hindi siya ganu’ng ka-cute! “Yuan, can you lend me the one hundred pesos so we could call this thing off. I’ll pay you back later. I promise!” May kakaibang spark na ngayon sa mga mata ni Yuan. “I don’t think I want to call this thing off, Chloe.” Saka nito tiningnan si Carol. “I’d like to proceed with this wedding, ministress.” Shocked si Chloe. Nangyayari ba talaga ‘to? “Oh, my god!” Almost breathlessly na sabi ni Chloe habang tinatakpan ng kamay ang bibig. Cue na iyon para i-turn on ni Ricky ang speakers sa tabi ng makeshift altar at tumugtog ang instrumentals ng A Thousand Years ni Christina Perri na agad namang sinabayan ng kanta ng very soothing na voice ni Linus. Nagsimula nang banggitin ni Carol ang spiel niya. “We are gathered here today to witness and celebrate the union of two individuals. Yuan and Chloe.” Dahil mock wedding lang naman ang ginagawa nila at hindi naman kailangang detalyado, dumiretso na sila kaagad sa declaration of intent. Carol kay Chloe habang ginagamit ang pamphlet as a guide: “Do you, Chloe, take Yuan to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, in sickness and in health, for richer or for poorer, in good times and not so good times, keeping yourself unto him for as long as you both shall live?” Hesitant si Chloe na sumagot nang itapat sa kanya ni Pepper ang hawak nitong mikropono. Pero nang tumingin siya kay Yuan ay hopeful ang mga mata nito. Huminga ng malalim saka ibinigay ni Chloe ang sagot. “I do.” Napakagat pa siya sa labi pagkasalita sa microphone. Nang sulyapan ni Chloe si Yuan ay nangingiti ito. Halatang natuwa sa sagot niya. Hindi na rin napigilan ni Chloe ang mangiti. Si Yuan naman ang tinanong ni Carol. “Do you, Yuan, take Chloe to be your lawfully wedded husband? To have and to hold, in sickness and in health, for richer or for poorer, in good times and not so good times, keeping yourself unto him for as long as you both shall live?” Ang ginawa naman ni Yuan ay tumingin pa ito kay Chloe bago sumagot. “I do.” Nakatitig pa si Yuan sa mga mata ng ‘bride’ niya habang sumasagot. Parang napapaso sa tingin ni Yuan na nagbaba agad ng tingin si Chloe. Hindi pansin nina Yuan at Chloe na may maliit nang crowd ang nag-gather sa likuran nila. Kabilang duon si Jill na siya naman ngayon ang na-shock sa nagaganap na eksena. Sa ring ceremony na sila dumiretso. Una munang inabot ni Ricky kay Yuan ang ring na isusuot kay Chloe. Inexpensive na tungsten ring lang ‘yon pero para kay Chloe para siyang sinusuotan ni Yuan ng 24 karat na gold ring habang binabanggit nito ang ceremonial vow. “Chloe, I give you this ring as I sign of my love with the pledge to love you today, tomorrow, always and forever.” Pagkabanggit niyon ay tinitigan pa siya ni Yuan sa mga mata na parang binabasa nito ang nasasaloob ni Chloe sa mga mata niya. Hindi tuloy malaman ni Chloe kung tititig din ba kay Yuan o magbababa na lang ng tingin. Buti na lang at nilapitan siya ni Pepper para ibigay sa kanya ang singsing na isusuot naman kay Yuan. “Yuan, I give you this ring as I sign of my love with the pledge to love you today, tomorrow, always and forever.” Gustong pagalitan ni Chloe ang sarili dahil halatang-halata ang panginginig ng kamay niya habang isinusuot ang singsing sa kamay ni Yuan. Hindi napigilan mangiti ni Yuan dahil halatang-halata niya ang kaba ni Chloe. Kahit pakiramdam niya ay pulang-pula na ang mukha niya, nagawa na rin ngumiti ni Chloe. Chloe, this is just a mock wedding. ‘Wag kang mag-seryoso d’yan! Nakita naman lahat ni Jill ang mga nuanced pero tingin niya ay very sweet exchanges nina Chloe at Yuan. Hindi maipinta tuloy ang mukha niya nang lapitan na siya ni Francis, kasunod sina Iñigo at Sara. Nakita ni Francis na sina Chloe at Yuan ang currently na binibigyan ng mock nuptial ceremony sa wedding booth. Pagbaling niya kay Jill, kita niya kaagad sa mukha ng girlfriend na gustong-gusto nitong makipag-swap kay Chloe at that very moment. Nag-hold hands na sina Chloe at Yuan at humarap sa kanilang ministress. “By the power vested in me by The Good Earth Academy, I now pronounced you husband and wife. Yuan, you may now kiss your bride.” Nanlamig agad ang buong katawan ni Chloe. Hindi niya inaasahan na may isasali pang kiss sa mock wedding. “Kiss?” Tanong pa niya kay Carol dahil baka nagkamali lang siya ng dinig. “Smack lang, Chloe. Don’t worry. Bakit? ‘Di mo ba type halikan si Yuan? Si Linus ang hahalik d’yan, sige ka!” “’Oy, Carol! ‘Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Baka makarating kay Zachary. Seloso pa naman ‘yon.” Pumalag agad si Linus. Mukhang hinihintay ni Carol ang sagot niya kung ayaw nga ba niyang halikan si Yuan. Pati si Yuan, ramdam din niyang hindi inaalis ang tingin sa mukha niya habang hinihintay ang sagot niya. “I didn’t say I don’t want to kiss Yuan. It’s just that...” Halatang hirap maghagilap ng convincing na reason ni Chloe. “You have a boyfriend that will get angry.” Pag-presume ni Yuan. “If that’s the case, Chloe, it’s fine. Kahit wala nang kiss.” Napatingin si Chloe kay Yuan. Nawala na ngayon ang hesitation nararamdaman kanina. “Wala akong boyfriend, Yuan.” Bumalik ang mga ngiti sa mga mata ni Yuan. Ito naman ngayon ang walang hesitasyon na lumapit kay Chloe. Very slowly na tinanggal ni Yuan ang laced veil na naka-cover sa face ni Chloe saka very gently na hinawakan siya sa chin para salubungin ang nilalapit niyang mukha dito. “Smack lang.” Husky ang voice na sabi ni Yuan. Hindi na tumanggi si Chloe. Ipinikit niya ang mga mata hanggang maramdaman na lang niyang nakadikit na ang labi ni Yuan sa kanya. Banayad lang ang halik pero puno ng tenderness at affection. Ganito pala ang pakiramdam pag hinahalikan ka ng taong gusto mo. Parang ayaw mo na itong matapos. Narinig na lang nilang nagchi-cheer ang maliit na crowd na nakapalibot ngayon sa wedding booth. Alam ni Chloe na hindi na niya matatago ang pagba-blush ng cheeks niya kaya agad siyang nagbaba ng tingin after siyang halikan ni Yuan. “Smack lang, ‘di ba?” Nakangiting sabi ni Yuan sa kanya. Hindi mapigilang matawa ni Chloe. Pero iyong pino na klase nang pagtawa na nakatakip pa ang kamay sa bibig. “To the newly weds, please stand in our photo booth area so we could take your pictures.” Sabi naman ni Pepper habang itinuturo kina Chloe at Yuan ang puwesto ng photo booth. Habang pumoposisyon sa photo booth ang dalawa, naisipang ilabas ni Jill ang sariling phone at kinuhanan ng picture sina Yuan at Chloe habang pumo-pose na may hawak pang sign na ‘Just Married’. “Bakit mo sila kinukuhanan ng picture? What are you planning to do?” Sita ni Francis kay Jill. “Wala. Souvenir.” Defiant namang sagot ni Jill habang ibinabalik sa bulsa ng denim pants ang phone. “Ise-send mo ba ‘yung picture kay Reggie? Pag-aawayin mo lang sila ni Chloe!” In-attempt pang kuhanin ni Francis ang phone sa bulsa ng girlfriend pero tinulak siya palayo ni Jill. “Cut it out, Francis!” Lalapit pa sana ulit si Francis pero binalaan na siya ni Jill. “Don’t you dare touch my things! Boyfriend kita, Francis. But that doesn’t mean you have the right to control every single thing that I do. You jerk!” Saka binirahan ni Jill ng alis. Susundan pa sana ni Francis ang girlfriend pero pinigilan na siya ni Iñigo. “Pards, huwag mo munang sundan si Jill. Pareho pa kayong mainit ang ulo. You would only end up fighting even more.” Frustrated na napahawak sa ulo si Francis. Mukhang babaliin na ni Jill ang pisi ng pasensya niya. “Ang labo ng kuha ko!” Reklamo ni Ricky nang kuhanan ng picture sina Yuan at Chloe. “Ako na nga, Ricky! Kukuhanan lang ng pictures ang newlyweds, ‘di mo pa magawa ng maayos. I-check mo na lang sa laptop kung gumagana ‘yung application na gagamitin nating pang-print.” Prisinta ni Linus na kinukuha ang iPhone na pinangkukuha kay Ricky. “Sa Android phone kasi ako mas sanay.” Sagot naman ni Ricky na umuupo naman sa harap ng laptop. “Daming dahilan! Charot!” At binalingan ni Linus sina Chloe at Yuan. “Reminder lang, ha? Hindi kami pro. But we’re doing our best. Angat n’yo ulit ‘yung sign.” Itinaas ulit nina Chloe at Yuan ang ‘Just Married’ na sign at ngumiti habang kinukuhanan sila sa phone na hawak ni Linus. Sa di kalayuan, kinukuhanan din ni Felix sina Chloe at Yuan gamit ang hawak pa rin niyang DSLR camera. Malungkot na napangiti si Felix habang tinatanaw ang dalawa sa photo booth. Bagay silang dalawa. Naisip ni Felix. Pero bakit parang ang bigat sa pakiramdam na aminin ‘yon. Laylay ang dalawang balikat na lumakad si Felix palayo. Ang hindi niya alam, habang kinukuhanan sila ni Chloe sa photo booth, nahagip siya ng tingin ni Yuan. Bumakas agad ang worry sa mukha nito nang makita si Felix na parang nanlulumo habang naglalakad palayo. Very contrast ang malungkot na pigura nito sa mga kasayahang nangyayari sa paligid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD