Episode Twenty One

2252 Words
-YUAN SEARCHED FOR FELIX. JILL SENDS A PICTURE TO REGINALD. CHLOE CONFRONTED JILL- PINILING abalahin na lang ni Felix ang sarili para maiwasan niyang mag-isip ng kung anu-ano. Naenganyo tuloy siyang lapitan ang merry-go-round sa school ground at naiisipan itong kuhanan ng mga pictures. Marami ngayong nakasakay sa nagro-rotate na carousel. May mga magbabarkada, pero karamihan ay mga mag-high school sweethearts. May mga nag-aabutan ng kamay habang magkasakay sa magkatapat mga moving wooden horses. Meron namang magkasama sa isang horse nakasakay. Yung iba naman riding solo sa carousel ay kuntento nang hinihipan ang dala nilang bubble blowers habang nakasakay. Gusto sanang kumuha ng zoom-in shot si Felix pero nakalimutan na niya ang itinuro sa kanya ni Yuan kanina. Nagulat na lang si Felix nang may kamay na nag-reach out mula sa likod niya. Hinawakan ang isang kamay niya para i-guide kung ano ang ipe-press sa interface ng camera. “Press mo ‘yung menu, tapos ‘yung camera icon tab. Then select standard. After that, slowly move the zoom lever toward. Pag okay na sa ‘yo ‘yung lapit ng subject mo, hard press mo na ‘yung shutter button.” Bumubulong lang sa pagbibigay ng instructions si Yuan dahil malapit ang labi nito sa isang tainga ni Yuan. Parang naka-smirk pa ito na nahahalata yata na naiilang si Felix. Dinunggol naman ni Felix ng braso niya si Yuan para lumayo ito sa kanya. “Alam ko. ‘Di mo na ako kailangang turuan.” Natawa na si Yuan. “Talaga ba? Kanina pa kita pinapanuod, kung hindi pa kita nilapitan baka wala na ‘yung subject na kukuhanan mo, you’re still figuring out how to do it.” “Bakit sinasamahan mo na ‘ko? Wala bang mock reception ‘yung mock wedding n’yo ni Chloe?” Seryoso pa rin ang mukha na tanong ni Felix kay Yuan. “Uy! Nagtatampo si Felix, o!” Tinusok pa ng daliri ni Yuan sa tagiliran si Felix. Pinalis naman ito agad ni Felix. “Bakit naman ako magtatampo. Sira ‘to!” Sumeryoso na si Yuan. “Alam ko naman na sumama ang loob mo dahil unintentionally parang naiwan kita sa ere kanina. Sorry na. Kung puwede nga lang akong humindi kanina, ginawa ko. Pero syempre, I’m still new here. Nakikiramdam pa ako sa mga tao sa paligid ko. Sinusubukan ko rin maging approachable kahit papa’no. Baka kasi isipin ng mga tao dito maangas ako pag I try to snob their ‘invitations’” Nag-quotation sign pa si Yuan to prove his point. “Ayoko nang maraming kaaway sa school. Napagdaan ko na ‘yan. And I’m telling you, it’s no fun.” Na-intrigue siya sa sinabi ni Yuan pero hindi pa ganu’ng kapalagay ang loob ni Felix para mag-usisa siya sa personal nitong buhay. Kaya tumango na lang siya. “Naintindihan ko naman. Stress lang ako dito sa paggamit ng camera mo. Si Carol kasi pine-pressure ako na dapat maganda lumabas ‘yung mga pictures na kinukuha natin kaya hindi na ako pinasali du’n sa wedding booth project nila para makapag-concentrate rito.” “Alam ko na. Bawi na lang ako sa ‘yo, Felix, para di ka na magtampo sa ‘kin. Libre kita ng food. Kanina pa ako nagugutom. I only had an egg Mcmuffin and coffee sa McDonald’s earlier for breakfast.” “Sige. Pero huwag mo na akong ilibre. May shortcut dito papunta sa cafeteria.” Turo pa ni Felix sa tinutukoy nitong shortcut sa isang way katabi ng isang hotdog stand. “Skip muna tayo sa cafeteria. Masyado nang crowded du’n, eh. Can we go someplace else?” -------- NASA loob ng The Pearl Theatre ang karamihan sa mga contestants ng Miss Teen Earth na gaganapin mamaya. Kanya-kanya sila ng puwesto sa theater para i-practice ang gagawin nilang performances mamaya. Nasa mga seats sa sulok na parte pumiling pumuwesto ni Chloe habang pina-practice niya ang Camila Cabello song na kakantahin niya. Ayaw niya munang makihalubilo sa ibang contestants o sa mga kabarkada niya para ma-fine tune niya ang performance niya. Nakasuot siya ng headphones habang sinasabayan niya ng chords ng gitara ang pagkanta niya sa love song ng Cuban-American pop singer. Na-inform na niya si Reginald kanina na magko-concentrate muna siya sa pagpa-practice kaya huwag muna itong mang-istorbo. Kaya nagulat si Chloe nang makitang nakailang notification sounds ang phone niya dahil panay ang padala ng messages sa kanya ng manliligaw. Bakit kaya nangungulit na naman ‘to? Sabi ni Chloe sa sarili habang binubuksan ang messages ni Reginald. Ang unang bumungad kay Chloe ay ang forwarded image ng stolen shot nilang dalawa ni Yuan sa wedding booth. Siya na nakasuot ng laced veil at si Yuan na naka-dinner jacket. Parehong nakangiti at hawak ang ‘Just Married’ sign habang kinukuhanan sila ng picture ni Linus sa iPhone. Kasunod ng image ang sunud-sunod na messages sa kanya ni Reginald: “Siya na ba ‘yung ine-entertain mo ngayong manliligaw and you’re now dumping me?” “You just met the guy, Chloe. You don’t even know him yet. Baka mamaya fuckboy lang ‘yan at paiiyakin ka lang.” “Chloe, I thought we have something special. Bakit parang you’re already choosing that new guy over me? Sigurado ka ba sa intentions niya sa ‘yo? Wala na bang halaga sa ‘yo ‘yung mga naging moments natin together? Have I wasted my time courting you for so long all because of this guy?” Nagko-compose pa lang ng reply si Chloe kay Reginald nang tumawag na ito sa kanya via video call. Nainip na yata kakahintay sa reply niya kaya tumawag na ito. “Chloe, I just want to tell you kahit may special person ka na ngayon, manliligaw pa rin ako. Kahit suntukin pa ako niyang tsinitong banlag na pumoporma sa ‘yo ngayon, wala akong pake. Titigil lang ako ng pangungulit sa ‘yo pag totohanan na ‘yung kasal n’yo.” Ratsadang sabi agad ni Reginald sa kanya pagkasagot ni Chloe ng tawag nito. “Reggie, would you calm down. Hindi pa naman kami ni Yuan para mag-overreact ka nang ganyan.” “Hindi pa pero papunta na du’n, ganu’n ba? Ang sakit naman nu’n, Chloe. I wasn’t even there to prove myself that I’m the right choice for you. Pagbalik ko sa Monday, showdown kami niyang new guy na ‘yan kahit ‘di pa masyadong magaling ang sprain ko. Man to man. Mag-arm wrestling match kami. O ‘di kaya drinking match. Or padamihan kami ng makukuhang Pokémon sa Pokémon Go. His choice!” “Reginald, you’re such a drama queen for a guy. Hinila lang kami ni Yuan ng grupo nina Carol para du’n sa wedding booth set up nila. As if we had a choice.” Pagdahilan naman ni Chloe. “Wala ka ba talagang choice, Chloe? Puwede ka namang mag-decline kung ayaw mo naman talaga, ‘di ba? Alam ko part ng fundraising campaign ng school ‘yan, magbabayad ka lang ng certain fee para you could get away with it. ‘Di ba?” Hindi makatingin ng diretso si Chloe kay Reginald. Para feeling siya mapapa-confess siya sa totoo niyang nararamdaman kay Yuan ng hindi sinasadya pag hindi siya nag-ingat. “I offered to pay the fee so I could get out of it. Kaya lang, I forgot my wallet sa locker. Si Yuan naman, ayaw niyang magbayad.” “Sabi ka na, eh. May gusto talaga sa ‘yo si Banlag. Kasi kung hindi siya interesado, bakit papayag siyang ituloy ‘yung mock wedding n’yo?” “Reggie, bakit hindi ka na lang matuwa na may ibang guy na nagagandahan sa ‘kin aside sa ‘yo? Firstly naman, magkaibigan tayo. You should be happy that others find me pretty.” “Ayaw ko nga na basta lang tayong magkaibigan, Chloe. Matagal na akong nanliligaw sa ‘yo. Months na! ‘Di mo pa ba ako sasagutin?” Hinaplos ni Chloe ang mahaba niyang buhok. Halatang naiinis na sa takbo ng usapan nila si Reginald. “Sino ba kasing nag-send ng stolen picture na ‘yan sa ‘yo? Feeling ko kasi it was intentionally sent to you para ma-trigger ka and to bother me in the middle of my practice for the pageant.” “Istorbo na ngayon ‘yung pagtawag ko sa ‘yo.” Halata na ang pagtatampo ni Reginald. “Please answer the question, Reggie. Who sent you the picture? Papagalitan ko. Si Iñigo ‘no?” Nag-hesitate saglit si Reginald pero sinabi rin nito. “Si Jill. Concerned lang siya sa ‘kin kaya niya she messaged me the picture. Napag-iiwanan na daw ako nitong new guy sa ‘yo.” Hindi ine-expect ni Chloe na si Jill pa ang magse-send ng picture na ‘yun kay Reginald. Ginawa ba ito ni Jill dahil alam niyang tatawag si Reginald and in turn magugulo ang preparation niya for the pageant? Or nagawa ito ni Jill dahil masyado itong na-upset sa na-witness nito sa kanila ni Yuan kanina sa wedding booth? Either way, naiinis at napu-frustrate siya sa kaibigan. Bakit siya nagawang i-backstab ni Jill? “Hey! Biglang ang tahimik mo d’yan? Siguro nga totoo ‘yung sinabi ni Jill. Meron ka nang feelings du’n sa tsinitong ‘yon.” Hinanap agad ni Chloe si Jill sa loob ng theater. Nakita niya itong nagpa-practice ng dance performance niya sa gilid ng stage, kasama ang twin cousins nitong sina Asha at Almira as back-up dancers niya. “Reggie, can we continue this talk later? I need to do something.” “Chloe, aawayin mo ba si Jill dahil nagsumbong siya sa ‘kin?” Hindi na sinagot ni Chloe si Reginald dahil pinutol na niya ang tawag nito. Nilakad agad ni Chloe ang puwesto nina Jill sa stage kung saan sila nagpa-practice. Malinaw nang naririnig ngayon ni Chloe na ang Korean pop dance na I Got A Boy ng Girls’ Generation na siyang sasayawin ni Jill para sa performance nito sa pageant mamaya. Huminto si Jill sumayaw nang makitang lumalapit sa kanila si Chloe. “Bestie, manunuod ka ba ng rehearsal namin? Thank God! Hindi kasi namin ma-check thoroughly kung synchronize ‘yung mga steps namin.” “Jill, can we talk privately, please?” Nakita ni Jill na seryoso ang mukha ni Chloe. Tumango lang siya at bumaling muna sa twin cousins niya. “Asha, Almira, pag-aralan n’yo muna ‘yung steps, ha? Usap lang kami ni Bestie. Pagbalik ko, tell me kung may naisip kayong mga puwedeng idagdag.” Saka bumaba sa stage si Jill at sinundan si Chloe sa gilid ng theater para masigurong walang makakarinig ng pag-uusap nila. “Ang seryoso mo yata.” Pansin ni Jill sa kaibigan nang hindi pa rin ito nagsasalita nang magkasolo sila. “Bakit ka nag-send kay Reggie ng picture namin ni Yuan kanina sa wedding booth? Ano ba ang motive mo at ginawa mo ‘yon?” Dinerektang tanong na siya ni Chloe. “’Yun ba? Wala. Inaasar ko lang si Reginald. Sarap kasing utuin nu’n, eh. Napaka-gullible. Bakit? Did he already called you?” “Syemp’re tatawag ‘yun, Jill. You provoked him, eh. What do you expect? Sinabi mo pa kay Reggie na pumoporma sa ‘kin si Yuan at nagkakagusto na ako sa kanya. Bakit ka ba nag-i-spread ng fake news about me, Jill? Para ba ma-distract ako sa pageant so you’ll have the edge? Para ikaw ‘yung manalo mamaya?” “Chloe, ang unfair mo naman. Ang dami mo agad false assumptions sa ‘kin just because of a mindless joke that I made. ‘Di ba, friends tayo? Dapat kilala mo ko. ‘Yung pag-send ko ng picture kay Reginald, pang-aasar lang ‘yun dahil wala siya ngayon dito.” “Inaasar mo lang ba talaga si Reginald or you’re just jealous kasi kami ni Yuan ang magkasama kanina sa wedding booth?” Na-surprise si Jill sa masyadong direktang accusation ni Chloe. “’Yun ba ang reason kaya gusto mo akong awayin, Chloe? Because of a guy we barely even knew? Pathetic mo, ha?” “I’m pathetic? I just throw you a question, Jill. And you can’t even answer it with a straight face. And then you’re spreading rumors na may gusto ako kay Yuan when in fact mukhang ikaw naman ang may gusto. And you’re already with Francis, may I remind you. So, sino ngayon ang pathetic?” “Rumors, Chloe? Sagutin mo nga, hindi mo ba type si Yuan?” Si Chloe naman ang natigilan. “I don’t know.” Parang natuwa si Jill nang makita ang confusion sa mukha ni Chloe. “It only proves na may reason talaga si Reginald to worry about you and Yuan. Next time, Chloe, bago mo ko kumprotahin, siguraduhin mo muna na hindi babalik sa ‘yo ‘yung accusations mo.” Tinalikuran na ni Jill si Chloe para bumalik sa stage at ituloy ang rehearsal nito ng sayaw. Si Chloe ay parang dazed na lumakad na rin pabalik sa pinupuwestuhan niya kanina.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD