Episode Twenty Two

2936 Words
-YUAN OPENS UP TO FELIX.  FELIX MEETS ANDY AND KIM. FELIX ASKS ABOUT CHLOE AND JILL- HINDI inaasahan ni Felix na sa kanyang ‘secret place’ siya dadalhin ni Yuan. “Bakit dito mo pa ‘ko dinala? Marami namang malapit na kainan sa school natin.” Usisa ni Felix habang pumapasok sila sa coffee shop ni Yuan. “Paborito mo dito, ‘di ba? Might as well dito na tayo kumain para ma-good mood ka.” Kumindat pa si Yuan sa kanya habang pumipili ito ng pinaka-cozy na puwede nilang puwestuhan. Nagsisimula na silang kumain nang mapansin ni Yuan na tamilmil sa pagkain si Felix at panay ang tingin sa kanya. “May gusto kang itanong sa ‘kin, ano, Felix?” Ngumiti si Yuan para hindi ma-alienate si Felix. Mukha kasing nag-aalangan ito. “Wala. Ano lang kasi. Na-curious lang ako sa statement mo kanina na maraming kang naging kaaway sa previous school mo. I just want to know the details. Pero if you’re not comfortable, I would understand.” Pinunasan muna ni Yuan ng tissue ang bibig bago nagsalita. “Let’s just say na nabarkada kasi ako sa dati kong school, sa Saint Benedict. I wouldn’t say they’re all out bad. Nagkataon lang na we we’re branded as notorious without meaning to. Si Jesse na kino-consider kong brother from another mother, parang siya ‘yung head ng pack namin. Close kami nu’n. Sobra. Naturally, pareho kaming namumuno ng kapilyuhan sa school. Namboboso ng mga crush naming girls sa ladies’ room, nagpapaiyak ng mga kaklase o schoolmate na hindi namin trip, nagka-cut classes. Alam mo na. Yung mga tipikal na ginagawa ng mga malolokong estudyante.” “How about drugs and alcohol?” Sinubukang maging nonchalant sa pagtanong si Felix. Pero ang totoo, gusto niyang malaman talaga kung may itinatagong dark side itong si Yuan. “Yung mga bisyo lang namin nu’n sigarilyo and inom. Never kaming nag-drugs. Takot din kasi kami. Especially me, I have high blood pressure. Baka makasama sa ‘kin.” “Anong nangyari sa inyo nung Jesse at ng mga kabarkada mo? May fall out bang nangyari kaya nasa school ka na namin ngayon?” Huminga ng malalim si Yuan. Uminom pa ito sa baso nito ng tubig na parang bumubuwelo. “Hindi ko pa kayang ikuwento sa ‘yo in detail, Felix. Medyo raw pa kasi. All I can tell you is yes, nagkaroon kami ng fall out ni Jesse, kasama na rin du’n ‘yung circle of friends namin. Hindi na rin kami nakakapag-usap, although online friends pa rin naman kami sa social media, du’n ako nakakakuha ng updates sa kanya. Aside from that...” Ibinuka ni Yuan ang dalawang kamay niya na parang pinapahiwatig na hanggang du’n na nagtatapos ang ugnayan niya sa mga kabarkada sa dating school. “Nung una, nainis pa ako kay Papa kasi biglaan ang lipat sa ‘kin sa The Good Earth Academy. Pero on hindsight, na-realize ko mabuti na rin ‘yon. According kay Papa, naging unwieldy daw ako ever since naging barkada ko sina Jesse.” “But you don’t seem like a bad guy, Yuan. You seem like a kind, sensible person.” Honest namang sabi ni Felix. Nangiti si Yuan sa observation sa kanay ni Felix. “Thank you. I’m trying to be one. Hindi ako ganito sa dati kong school. I’m very different.” Nag-isip saglit si Felix bago ulit nagtanong. “Bakit pala kayo nagkaroon ng fall-out ni Jesse? Anong pinag-awayan n’yo?” Natawa ng maigsi si Yuan. “Mas proper sigurong sabihin kung sino ang pinag-awayan namin. It’s about a girl, Felix. We fought because of a girl.” -------- NANG paalis na sila sa coffee shop saka naalala ni Yuan na naiwan pala niya sa bahay ang barong tagalog na isusuot niya bilang escort ni Chloe sa pageant. Tinanong ni Yuan si Felix kung okay lang ba ditong samahan siya sumaglit sa house para kunin ang damit niyang isusuot. Naka-ready na naman daw ito sa closet niya kaya hindi sila gaanong magtatagal sa bahay. Pumayag naman si Felix. Natrapik sina Yuan papunta sa bahay nila sa White Plains, kaya pagkaparada ng motor nito sa tapat ng two-storey na stylishly modern glass panelled house ay halos tumakbo ito papasok. Natigil lang sa pagtakbo si Yuan nang salubungin siya ng full grown Bernese mountain dog na tumahol pa ng malakas bago dinamba ang amo at dinalaan siya sa magkabilang pisngi. “Wait lang, Sparky! We’re in a hurry!” Natatawang saway ni Yuan sa aso. Natigilan si Felix pumasok sa foyer nang makita ang laki ng asong nakayapos ngayon kay Yuan at mukhang ayaw siyang pakawalan nito. Napansin naman ni Yuan ang hesitation ni Felix na pumasok at worried na nakatingin sa aso niya. “Don’t worry, Felix. Mukha lang aggressive ‘tong si Sparky. Pero he’s quite gentle and very friendly.” Inalis ni Yuan sa pagkakayapos sa kanya ang aso. Kinusot ang fur nito sa batok saka pinalapit ang aso kay Felix. “Sparky, meet my friend Felix. Say hello!” Akala mo ay nakikipag-usap sa batang paslit si Yuan. Tumahol muna si Sparky bago lumapit kay Felix. Halos tuod sa pagkakatayo naman si Felix habang lumalapit sa kanya ang aso, todo ang kanyang kaba. Inamoy muna ng aso ang suot na sapatos ni Felix saka dumako ang snout nito sa pundilyo ng suot niyang jeans hanggang itapat nito sa naninigas niyang kaliwang kamay. Nag-relax lang si Felix nang sinimula itong dilaan ng aso. Hanggang hindi na rin siya nakapagpigil at nag-squat na siya sa harap ng aso para ma-ruffle niya ang fluffy na body coat ng aso. Natawa sa kanya si Yuan. “Sabi ko sa ‘yo mabait ‘yan, e.” Napalapit naman sa kanila si Andy nang marinig ang commotion sa foyer. “Ang aga n’yo yata? Tapos na ba ‘yung activities sa school fair n’yo?” Tanong nito habang tinatanggal ang reading glasses habang sa isang kamay ay hawak ni Andy ang latest issue ng Forbes magazine. “Sumaglit lang kami dito, Papa. I forgot to bring the clothes I need to wear for the pageant.” “Jiànwàng.” Sabi ni Andy na ang English translation ay ‘forgetful’. “And you’re not even on your twenties yet.” “Duìbùqǐ, Pa.” Sagot naman ni Yuan na ang translation naman ay ‘I’m sorry’. “By the way, Pa, meet my new friend sa school. Si Felix.” “How do you do po?” Magalang na tanong nito na naka-bonding na yata si Sparky. Panay ang dila na rin ng aso sa cheeks ni Felix. “I’m good.” Matipid ang ngiting sagot ni Andy. “Pagpasensiyahan mo na lang si Yuan minsan if he’s being a pain in the neck.” “Pa, I’m a good boy now. Felix can attest to that.” Protesta naman ni Yuan. Lumabas naman mula sa kitchen ang sister ni Yuan na si Kim. Mas matanda ito kay Yuan ng apat na taon. May pagka-chubby ang figure ni Kim dahil katulad ni Yuan ay foodie din ito. Ang hilig nito sa food, mostly sa sweets and desserts, ang naging inspiration nito para makahiligan rin ang baking. Uma-attend ng crash course sa baking si Kim sa Center For Culinary Arts sa Katipunan. Yung mga natutunan niya sa baking course ay sinusubukan niyang i-reproduce sa family kitchen. Sina Yuan at Andy ang kadalasang unwilling na guinea pigs niya. May dala-dala tray si Kim na mga na-bake niyang cookies habang lumalapit sa kanila sa foyer. Naamoy agad ni Felix ang fresh-from-the-oven fragrance ng bagong baked na cookies. “Baby brother, buti you brought someone along with you. Perfect! Kakatapos ko lang i-bake itong Ghirardelli chocolate chip cookies with crushed macadamia. Puwede ko siyang gawing taste tester for today. Puro panlalait lang kasi nakukuha ko sa inyo nina Papa pag kayo pinapatikim ko, eh.” “Kakain lang namin sa labas, Jiě Kimberly. Busog pa ‘yang si Felix.” Sagot naman ni Yuan. Obviously, hindi nito gusto pag tinatawag siya ni Kim ng ‘baby brother’. “Nonesense, Yuan! Ipapatikim ko lang naman itong mga na-bake ko. I just want your friend’s honest opinion.” Lumapit na si Kim kay Felix dala-dala ang tray nito ng cookies. “Hello! I’m Yuan’s sister Kim. And you are?” “Felix.” Matipid na sagot ni Felix na nahihiyang ngumiti sa kapatid ni Yuan. “Oh! Like the cat!” Sinundan pa nito ng matinis na tawa. “Have a bite, Felix. Don’t be shy.” Kumuha naman ng isang piraso ng cookie si Felix. Expectant naman ang mukha ni Kim habang pinapanuod ang pagkagat ni Felix sa creation niyang cookies. Halatang nahirapan si Felix sa pagkagat sa cookie. Nang makakakagat na siya ng piraso ay effort din siya sa pag-grind nito sa mga ngipin niya. Napansin ni Felix na naghihintay si Kim sa kumento niya. Nakaisip siya ng sasabihin na hopefully ay hindi naman madi-disheartened ang ate ni Yuan. “Masarap siya! Para siyang croutons shaped like a cookie na may chocolate bits at nuts.” Nanamlay ang mukha ni Kim. “Ay! Matigas ba?” Natatawang kumuha rin ng tig-isang cookie sina Yuan at Andy. “Jiě Kimberly,” sabi ni Yuan habang puno ang bibig ng nginunguyang cookie, “epic fail na naman ‘yung creation mo. Parang brick sa tigas!” “Baka napadami ang lagay mo ng baking soda, Kim.” Sabi naman ni Andy matapos kagatin sariling piece nito ng cookie. “I might have.” Disappointed sa sarili na sabi ni Kim habang kumakagat din ng piraso ng cookie. “Baka na-misread ko ‘yung measurement du’n sa recipe nakita ko online.” Pumadyak pa si Kim. “Kainis naman! I ruined this batch. Akala ko perfect na.” Binigyan din ni Kim ng isang piece ng cookie si Sparky dahil kanina pa ito paikot-ikot sa feet niya at gusto ring makitim. Inakbayan naman ni Andy ang nagta-tantrum na si Kim. “Just think about this, Kim. This batch is better than the first one you made. At least, may improvement.” Huminga ng malalim si Kim. “You’re right, Papa. I won’t stop until I create the ultimate cookies that everyone will love. Kaya gagawa uli ako ng panibagong batch.” Sinabayan ito ng talikod ni Kim at nagmartsa pabalik sa kitchen. “Ayan, Pa! In-encourage n’yo pa kasi.” Panunudyo ni Yuan kay Andy. Nag-shushing sign naman si Andy kay Yuan. Baka kasi marinig ni Kim at lalo pa itong ma-upset. Nangingiti nakikinig lang si Felix sa banter ng pamilya ni Yuan habang pilit na inuubos ang cookie na hawak niya. -------- NAKUHA rin ni Yuan ang barong tagalog na isusuot sa kuwarto niya. Bago sila umalis, nagpaalam siya kay Andy kung puwedeng hiramin ang kotse nito. Mahihirapan kasi sila sa biyahe na motor ang gamit pabalik sa school na motor ni Yuan ang gamit, lalo’t dala nila ang damit ni Yuan na nasa garmet bag pa. Pumayag naman ito pero pinag-sworn pa si Yuan na maging extra careful sa pagbiyahe sa sasakyan niya. “Pasensya ka na sa family ko. Ganu’n talaga sila. May pagka-eccentric.” Sabi ni Yuan kay Felix nang lumilipat na sila sa BMW ni Andy. “Just like you.” Biro ni Felix dito. Natawa naman si Yuan at pinaandar na ang kotse paalis sa bahay nila sa White Plains. Unfortunalety, naipit sa moderate to slow traffic sina Yuan at Felix sa Katipunan Avenue habang pabalik sila sa The Good Earth Academy. “Hindi ba tayo male-late nito sa pageant, Felix?” Worried na tanong ni Yuan habang pinapanuod ang mabagal na pag-andar ng mga kotse sa harap nila. Tiningnan ni Felix ang LED digital clock sa dashboard ng kotse. Five minutes bago mag-alas singko ng hapon ang nasa orasan. “Hindi ‘yan. May one hour pa naman tayo before ‘yung time ng pageant. Makakabalik tayo sa school right on schedule.” Napahinga ng malalim si Yuan sa assurance ni Felix. “Mabuti naman. I’m a little worried na baka ma-late tayo ng dating. Nakakahiya kay Chloe. She might think I stood up on her after kong mag-agree na maging escort niya. I would feel miserable all night if that happens.” Napatingin si Felix kay Yuan na parang may gusto itong silipin sa mukha nito. Napansin ito ni Yuan. Naiilang niyang sinita si Felix. “Bakit ganyan ka na namang makatingin sa ‘kin?” “May gusto ka kay Chloe, ano?” Hindi pa rin inaalis ni Felix ang tingin kay Yuan. Parang gustong basahin sa mukha nito ang sagot. Natawa si Yuan. “Gusto agad? Ngayon pa nga lang kami nagkakakilala, eh. Saka hindi ako madaling magkagusto sa babae. It takes a little bit more than a pretty face for me to like the person. Mas attracted ako pag matalino ‘yung babae. May sense kausap. Hindi puro make-up, dressing up at pagti-t****k lang ang alam. But don’t get me wrong. I find Chloe very attractive. I just hope she’s not just a pretty face who likes to flaunt the latest wardrobe finds from Gucci and Fendi.” “You really are angsty.” Natawa ulit si Yuan. “Tell me about it.” Nagbaba ng tingin si Felix sa mga kamay niya na nasa lap na parang may binabasa siya sa mga palad niya. “I don’t think naman na ganu’n si Chloe. Hindi naman siya mukhang show-off like the other popular kids sa school natin.” “May boyfriend na ba si Chloe?” Casual na tanong ni Yuan kay Felix pero sa daan nakatuon ang tingin nito. Napatingin ulit si Felix sa mukha ni Yuan saka niya tiningnan din ang road na dinadaanan nila. “Meron siyang ardent suitor. Si Reginald. Matagal na siyang nanliligaw kay Chloe. Hindi pa lang niya sinasagot.” “Reginald? Parang hindi ko pa siya nakita since nung first day ko sa class natin.” “Absent kasi. Nagpapagaling sa bahay. Na-sprain ‘ata habang nag-i-skateboard sa BGC.” Tumango lang si Yuan. Maya-maya, nagtanong ulit ito. “So, hindi pa sila ni Chloe?” Nakahanap naman ng tiyansang tuksuhin ni Felix si Yuan. “Uy! Interesado!” Natawa ulit si Yuan. “Sira! Bahala ka na nga diyan!” Tumahimik saglit si Felix. Kunwaring pinagmamasdan ang mga establishments na nadadaanan nila bago bumaling ulit kay Yuan at nananantiyang nagtanong. “How about si Jill? ‘Yung best friend ni Chloe. ‘Yung humalik sa ‘yo sa kissing booth kanina. Hindi mo siya type?” Tiningnan saglit ni Yuan si Felix at ibinalik ulit ang tingin sa daan. “Masarap siyang humalik.” Sinundan iyon ng maigsing tawa ni Yuan. “Pero masyado siyang aggressive para sa ‘kin. Gulat nga ako kanina. I wasn’t expecting she would just grab my face like that.” Tumawa ulit si Yuan. “But Jill is a vamp, I won’t deny that. And honestly, I would like to hang out with her. Pero to have a serious relationship...” Dinaan na lang ni Yuan sa kibit-balikat ang pagkumpleto sa train of thought niya. “Saka she’s already with that dude na may crop top hair. Baka mapaaway ako if I get too close to Jill. Umiiwas na nga ako sa ganyan, ‘di ba?” Tumango lang si Felix. Tiningnan saglit ang mga palms sa kamay niya saka itinuon ang tingin sa bintana sa gawi niya. Si Yuan naman ang naku-curious na tumingin kay Felix. “Sandali nga. Bakit you’re always asking me about sa mga girls sa school natin?” “Ha?” Halatang nagulat si Felix sa direktang tanong ni Yuan. “Wala. I’m just a cat who wants to kill his curiosity.” Natawa si Yuan pero pinigil agad nito. “Hindi mo ‘ko madadaanan sa mga corny jokes. May crush ka du’n sa dalawa, ano? Kaya tanong ka ng tanong?” Namula agad ang mukha ni Felix. “Wala akong gusto kina Jill at Chloe!” “Ganyan ka sa ‘kin. Ayaw mong magsabi. Pero pag ako, I’m telling everything to you.” “Well, I’m telling you now na wala nga akong gusto sa mag-best friends na ‘yun!” “Okay.” Pero halata sa mukha ni Yuan ang hindi kumbinsido. “Pero if ever na meron kang natipuhan sa school, just tell me. I’ll give you pointers para mahulog agad sa ‘yo yung loob nung girl. Mukha ka kasing torpe, eh!” At sinundan ulit ‘yon ng tawa ni Yuan. “Let’s play music nga. Nakakabagot ‘yung bagal ng traffic.” Pinatugtog ni Yuan ang Sicko Mode nina Travis Scott at Drake. Nagba-bop pa ang ulo ni Yuan habang nagmamaneho. Hindi na niya napansin si Felix na wala sa mood sa passenger seat dahil maling-mali ang naging assumption ni Yuan sa mga pagtatanong na ginawa niya kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD