chapter 18

1172 Words
Dahil sa pakikigulo ng mga pinsang Ramirez ni Tito Igop at nakakatuwang asaran ng mga ito ay nawala saglit sa isip ko ang pag-alala kay Mommy. Nakakagaan sa loob ang pagtanggap nila sa relasyon namin ni Tito. Matagal na pala nilang inaasahang darating ang pagkakataong ito, ang magkalakas-loob si Tito Igop na magtapat sa'kin. Naging ugat ng kantiyawan ng mga magpipinsan ang patuloy kong pagtawag ng tito kay Tito Igop. Pati nga si Alex ay nagbantang di na tito ang itatawag kay Tito Igop kung patuloy akong makiki-tito kaya ayon... isang malutong na Igop na ang tawag ko sa kanya. "Tawagin mo na lang akong tito kapag nasa kwarto na tayo." Sunundan ng isang nang-aakit na kindat ang binulong niyang iyon sa'kin kaya umugong ulit ang tuksuan dahil sa pamumula ng buo kong mukha. Walang nakarinig sa binulong sa'kin ni Tito kaya kanya-kanyang hula sila ng dahilan ng pamumula ng pisngi ko. Mabuti na lang talaga at may kanya-kanyang importanteng pinagkakaabalahan ang mga pinsan ni Ti— Igop kaya di rin nagtagal ang mga ito. Nang magkamalay si Mommy ay ilang minuto nang nakaalis ang mga maiingay na bisita. Nabalik ako sa kasalukuyan nang pisilin ni Igop ang kamay kong hawak-hawak niya simula nang pumasok kami sa kinaroroonang silid ni Mommy. Nang mapadako ang tingin ko sa mukha ni Mommy na nakasandal paupo sa ulunan ng kinaroroonang kama ay mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilin ang bigla kong paging emosyonal. 'Di na tulad no'ng dati na wala akong emosyong nakikita sa mga mata ni Mommy dahil ngayon ay punung-puno ng emosyon ang mga iyon habang nakatitig sa'kin. "K-kailan mo pa nalaman?" basag nito sa katahimikang namagitan sa'min. Sigurado akong ang tinutukoy niya ay ang sekreto tungkol sa pagiging anak ko sa ibang lalaki. Para akong nabunutan ng tinik dahil iyon ang una niyang tinanong at hindi ang namagitan sa amin ni Igop. Saglit lang din niyang sinulyapan ang magkahugpong naming kamay ni Igop bago muling tumutok sa mukha ko ang kanyang atensiyon. "Before the accident," mahina kong sagot. "I'm sorry," naiiyak kong dugtong. Muling bumalik sa'kin ang paninisi sa sarili sa nangyaring aksidenti sa kinikilala kong ama. "Maraming beses... maraming beses na nakiusap sa'kin si Carlos na ibigay sa'yo ang pag-aalaga at pagmamahal na ibinigay ko sa Kuya Craig mo pero 'di ko kaya. Tuwing nakikita kita ay bumabalik sa'kin ang gabing iyon... ang gabing nakagawa ako ng malaking pagkakamali sa lalaking pinakasalan ko. I maybe under the influence of drugs when that horrible incident happened but I was also one of those to blame. Kasalanan ko rin dahil nagtiwala ako sa lalaking minsan ay nagmamay-ari ng puso ko. I hated you because you remind me of how the man I once loved became a monster that night because of my choices! I hated you, because you're a living evidence of my mistake that unintentionally hurt Carlos. I love Carlos and I don't want to hurt him but still I did because I am a slave of my own feelings toward someone from our past." Tulala akong nakatitig sa luhaang mukha ni Mommy. Nahihirapan ang isip ko na iproseso lahat ng mga isiniwalat niya. Tama ba ang pagkaintindi ko na iyong totoo kong ama ay nagkalaan ng lugar sa puso ni Mommy? "I hated you because your arrival in my life gave me a glimpse of the life I once dreamed together with your real father... I hated you, but I hated myself more." Tuluyang nawalan ng lakas ang mga binti ko at kung hindi naging maagap si Igop ay siguradong sa sahig ako pupulutin. Samut-saring emosyon ang sabay-sabay kong nararamdaman. Nasasaktan ako... naaawa... nagagalit... at nalulungkot. Di ko masabi kung ano ba talaga ang damdaming nagingibabaw. Gulong-gulo ang pakiramdam ko. Nasasaktan ako para kay Daddy Carlos. Buong buhay ko ay minahal niya ako at inaalagaan na parang tunay niyang anak sa kabila ng pagiging anak ko ng babaeng mahal niya at sa lalaking— mahal din nito. Nalulungkot ako para sa kinikilala kong ama na nagtitiis lang sa kapiranggot na pagmamahal na ibinigay ng babaeng minahal niya. Naaawa ako sa buhay na pinasok ni Daddy at tiniis para lang sa babaeng ito, sa babaeng naging ina ko! Nagagalit ako sa sarili ko dahil wala akong naalalang ginawa ko upang iparamdam kay Daddy na mahalaga siya sa akin at mas mahal ko siya kaysa sa babaeng nagluwal sa'kin sa mundong ito. Mas mahalaga siya sa'kin kaysa napaka-selfish na babaeng naging ina ko. "S-sana... pinalaya mo na lang si Daddy. Sana... ibinigay mo na lang siya sa iba na kayang suklian ang pagmamahal niya," umiiyak kong sabi. Sana pala di ko na lang ibinuhos ang buong buhay ko upang i-please ang babaeng ito at kunin ang approval niya sa lahat ng mga ginagawa ko. Katulad din ako ng babaeng ito, di ko pinahalagahan ang pagmamahal ni Daddy kasi mas inuna ko pang isipin ang ibang bagay kaysa mga nagawa ni Daddy para sa aking hindi naman niya totoong anak. Ang malala pa ay dahil sa akin, naaksidenti si Daddy. Nawala siya nang ni hindi man lang tuluyang nakamit ang pagmamahal na sana ay laan para sa kanya. "Tito, iyong Daddy ko," humahagulhol kong baling kay Igop. Para akong batang nagpapakampi dahil sa kaapihang pinagdaanan. Napahawak ako sa tapat ng aking dibdib kasi pakiramdam ko ay durog na durog iyong puso ko. Mahigpit akong ikinulong ni Igop sa kanyang mga bisig. Sa labis na sakit na aking nararamdaman ay walang epekto ang mainit na yakap at kapanatagang bigay ng yakap nito. "Mahal ka ni Kuya Carlos, you're the daughter that he wished to have," pang-aalo sa'kin ni Igop. Lalong lumakas ang hagulhol ko na panaka-nakang sinasabayan ng mga hikbi mula kay Mommy. "Ilabas mo muna siya," mahinang sabi ni Daditito na umabot sa pandinig ko. Wala akong lakas na mag-angat ng mukha mula sa pagkakasubsob sa dibdib ni Igop. Di ko nga alam kung kailan dumating si Daditito at kung gaano na ako katagal sa pag-iyak. Kahit gusto ko nang tumigil ay kusang tutulo ang mga luha ko kasabay ng mga hagulhol ko na di ko kontroladong lumalabas nang kusa sa bibig ko. Parang di ako makahinga sa paninikip ng dibdib ko. Hindi ako nabigyan ng pagkakataong umiyak nang ganito noong namatay si Daddy kaya parang iyong pinipigil kong iyak ng mga panahong iyon ay bumuhos na lahat ngayon. "Take care of her... Samahan mo muna siya." Narinig kong habilin ni Mamitita na sinagot ng mahinang oo ni Igop. Nang maramdaman ko ang pag-angat ko mula sa sahig ay wala pa rin akong kakilos-kilos sa pagkasubsob sa basa nang dibdib ni Igop dahil sa walang tigil kong mga luha. Walang lakas akong nagpaubaya kay Igop nang maramdaman ko ang pagkarga niya sa'kin at paglalakad palayo sa mga hikbi ng sarili kong ina. Mga hikbing parang patalim na tumutusok sa durog kong puso. Bakit ba ang tatanga nilang dalawa ni Daddy? Bakit pareho nilang inilagay ang sarili sa sitwasyong pareho silang masasaktan? Ganito ba talaga kakomplikado ang mga bagay-bagay tuwing tumatanda na tayo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD