Kinabukasan ay kalmado na ako at handa ko na muling harapin si Mommy.
Malinaw akong nakapag-isip kagabi kaya ngayon ay mas nabuksan iyong isipan ko.
Mas mahalaga ngayon ay ang relasyon naming mag-ina na pwede pa naming simulang buuin ulit. Magsimula kaming muli at kalimutan ang mga nangyari no'ng nakaraan na di na pwede pang balikan pero pwede pa naming itama ngayon para sa mas maayos naming relasyon.
Ngayong wala na si Daddy ay mas lalo kaming dapat na magkaayos dahil kaming tatlo na lang ni Kuya Craig ang naiwan. Maswerte nga lang ako dahil may isang Igop Ramirez na handang mag-alaga at magmahal sa akin.
Kaming dalawa na lang ni Kuya ang naiwang mag-aalaga kay Mommy at ngayon ako mas kailangan ni Mommy dahil abala si Kuya sa mga obligasyong naiwan sa kanya ni Daddy.
Parang naiintindihan ko na ngayon kung bakit mas pinili ni Daddy na manatili sa piling ni Mommy sa loob ng mahabang panahon sa kabila ng kapiranggot na pagmamahal na natatanggap niya. Nagmahal lang kasi si Daddy at kung katulad ng nararamdaman kong pagmamahal para kay Igop ang nararamdaman niya para kay Mommy ay tiyak kung ako ang nasa lugar niya ay iyon din ang gagawin ko.
Instinct na kasi iyon ng isang taong nagmamahal ang manatili sa tabi ng taong mahal dahil tuwing nagmamahal ka ay masaya kang nagbibigay nang walang inaasahang kapalit.
Hindi mo kasi mararamdamang may kulang dahil iyong pagmamahal mo ay sapat nang pumupuno sa bawat espasyong nakakaligtaan sa isang relasyon.
"Ready?" untag ni Igop sa'kin.
Nasabi ko sa kanya ang desisyong muling kausapin si Mommy at supurtado naman niya ako dahil gusto niya ring pormal na hilingin dito ang kamay ko.
"Itatanong pa ba iyan? Para namang kailangan kong paghandaang kausapin ang sarili kong ina," nakairap kong sagot sa kanya kahit ang totoo ay kabado rin ako. "Dapat ikaw ang tinatanong ko niyan, ready ka na ba?" taas-kilay kong balik-tanong sa kanya.
Parang gusto kong matawa nang bigla siyang namutla at sunud-sunod na napalunok.
"Tsss... parang bibitayin ka ah," mapang-asar kong komento.
Inabot ko ang kamay niya upang bigyan siya ng lakas ng loob pero nagulat ako sa lamig nito.
"Okay ka lang ba talaga?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Paano kung di papayag iyong Mommy mo? Iiwan mo ba ako?" Natigilan ako dahil sa nakikita kong takot sa seryoso niyang mga mata.
Kung sa ibang pagkakataon ito ay tiyak inaasar ko na siya dahil di ko inakalang may bagay palang kinatatakutan ang isang Igop Ramirez na puno ng kayabangan sa katawan.
"Tiyak iisipin ni Ate Lorie na kino-corrupt ko ang kabataan mo. Siguradong hindi siya papayag na ikasal ka sa'kin dahil napakabata mo pa habang ako ay malapit ba lumampas sa kalendaryo at—"
Mabilis akong tumingkayad at pinaglapat ang mga labi namin upang matigil siya sa
mga negatibong pinagsasabi.
Instant agad ang reaksiyon niya sa ginawa ko. Agad pumaikot sa katawan ko ang mga braso niya upang mas lalo akong idikit sa kanyang katawan. Ang simpleng paglalapat lang sana ng mga malabi namin ay nauwi sa marubdob na halikan na dinodomina niya.
Sabik na sabik ang maririin niyang mga halik na para bang doon niya inilabas lahat ng nararamdaman niyang frustrations at agam-agam sa maaaring reaksiyon ni Mommy sa gagawin niyang paghingi sa kamay ko.
Ayos din ang lalaking ito, dinaan ako sa paspasan pero pagdating kay Mommy ay takot naman.
Kusang nangumpayot sa batok niya ang dalawa kong braso nang maramdaman ko ang dalawa niyang palad na pumwesto sa pang-upo ko.
Nablangko ang isip ko nang simulan niyang pisilin ang pang-upo ko habang idinidiin sa'kin ang nagsusumigaw niyang kahandaan.
Nakakamanghang buhay na buhay na naman siya gayong halos hindi na niya ako tinigilan kagabi. Palaisipan nga kung papaanong nakapag-isip pa ako nang matino kagabi gayong halos magdamag niya akong binabaliw sa sarap.
Sa paraan nang paglusob ng mga labi kasabay ng dila niya sa bibig ko ay malinaw na maantala muna ng ilang oras ang binabalak naming pakikipag-usap kay Mommy.
Napaungol ako nang lumapat sa saradong pinto ang likod ko kasabay nang pagbaba ng mga labi niya sa'king leeg.
Hindi siya si Igop kung hindi siya gigil na gigil sa leeg ko kaya inihanda ko na ang sarili sa nakakakiliting sarap na pangako ng mga labi niyang nagsimula nang sambahin ang aking leeg.
Mula sa pang-upo ko ay sumuot ang mga kamay niya sa ilalim ng suot kong damit at umakyat papunta sa paboritong destinasyon ng mga ito.
Ayokong walang ambag sa masarap na kaganapang ito kaya ako na iyong nagkusang magbaba ng zipper ng suot niyang pantalon. Di ko mapigilan ang panginginig dahil sa excitement ng mga kamay ko habang puno ng antipasyong pumaloob sa ilalim ng suot niyang boxer.
Sabay kaming napaungol nang tagumpay kong nahawakan ang nag-uumigting na sandatang ilang ulit akong pinaligaya.
Sa taba nito ay dalawang kamay pa talaga ang kailangan kong gamitin upang mahawakan ito nang buo. Masyado itong malaki para makulong sa suot niyang boxer kaya pinakawalan ko ito. Halos umabot sa pusod niya ang haba nito kaya tumatama ang namamasa nitong ulo sa tiyan ko kasi halos wala nang pagitan sa katawan naming dalawa.
Napasinghap ako nang dumako sa bawang ko ang mga kamay ni Igop sabay kabig sa'kin pabuhat. Napabitiw ako sa alaga niya at napahawak sa matipuno niyang balikat upang makakuha ng balanse.
"Put your legs around me," paos niyang utos na agad ko namang sinunod.
Ipinuwesto niya ako kung saan ay nabubundol nang ulo nang alaga niya ang sentro ng aking pagkababaeng natatakpan lamang ng kapiranggot na tela.
Nakapalda ako ngayong araw dahil di ako komportableng kumikiskis sa sensitibo kong singit ang matigas na tila ng shorts o pantalon kaya malayang dumeretso sa pakay nito ang kahandaan ni Igop.
Nang makarinig ako ng tunog ng napunit na tela ay lihim akong namaalam sa mamahalin kong panty. Di ko na mabilang kung pang-ilan na ito sa basta-basta na lang pinupunit ni Igop tuwing nasobrahan siya sa pagkaatat.
Balak niya yatang ubusin ang mga panty ko kaya mas mabuti sigurong pag-aralan ko na ang di pagsusuot niyon bago pa masayang iyong ibang natira mamahalin kong panty.
Naturingang mamahalin pero literal na napupunit pagdating kay Igop.
Nang biglang sumagad sa loob ko ang buong kahabaan ni Igop ay lumipad lahat ng mga tumatakbo sa isip ko kasabay nang pagtirik ng mga mata ko sa sarap.
Ang mga labi ni Igop na kanina lang ay pinapapak ang leeg ko ay ngayon parang sanggol nang subo-subo ang isa kong u***g.
Nang pinagsabay niya ang maririing pag-ulos sa gutom na gutom niyang pagsipsip sa u***g ko ay pasigaw na kusang lumabas sa nakaawang kong mga labi ang pangalan niya.
"Damn! That's it Langga, say my name" padaing niyang utos habang mas pinag-igi ang ginagawa.
Humahampas na ang katawan ko sa pinto kinasasandalan dahil sa mabilis niyang paggalaw pero parang gusto ko pang mas bilisan niya.
"Oh! Igop! Sige pa— f*ck me more! Lumpuhin mo ako, Tito!" nahihibang kong hiyaw habang sinasalubong bawat ulos niya.
Parang na-trigger iyong wala sa sarili king pagtawag ng tito sa kanya dahil iglap lang ay nasa carpet na kaming dalawa.
Parehong nakasampay sa matitipuno niyang balikat ang dalawa kong binti habang buong bigat siyang nakadagan sa'kin at walang kasing diin aking binarina.
Labas-litid akong napahiyaw nang maramdaman ko ang pagsabog ng sensasyon sa buo kong katawan. Habang dinaranas ko ang makapugtong-hiningang orgasmo ay biglang nag-iba ng posisyon sa ibabaw ko si Igop at mas lalo ko siyang naramdaman sa bagong posisyong ito.
Hindi pa nga patapos ang una kong orgasmo ayay panibago na namang namumuo nang ipinagpatuloy ni Igop ang malabarina niyang paggalaw kasabay nang walang mintis niyang paglabas-masok.
Di ko na alam kung saan ako kakapit at kung paano ko maiwasang hindi mabaliw nang tuluyan sa di natatawarang sarap na sumakop sa bawat himaymay ng aking katawan.
Sa pagkakataong ito ay napagtanto kong hindi ko na pagmamay-ari ang sarili kong katawan dahil buong-buo na itong inangkin ni Igop.
"Sh*t! I love you, Langga ! Akin ka lang... F*ck!" Parang nagdedeliryong paulit-ulit na binibigkas ni Igop ang mga salitang iyon. Hibang na hibang siya kaya di gaanong malinaw ang pagbigkas niya ng bawat salita pero malinaw ang parang dasal na paulit-ulit niyang pagbigkas sa pangalan ko hanggang sa sabay naming naabot ang sukdulan.
Mahigpit akong napayakap sa kanya habang binuhos niya lahat-lahat nang meron siya sa kaibutuuran ko. Ayokong may masayang kahit isang patak kaya wala akong balak na pakawalan agad siya at mukhang wala naman siyang balak umalis agad dahil ibinaba niya lang ang dalawa kong binti sa balikat niya pero mas lalong idinagan amg sarili sa'kin.
"I love you," madamdamin niyang anas.
Wala pa akong lakas magsalita dahil lango pa ako sa sarap at sensasyong kasalukuyang umaalipin sa'kin kaya tanging ungol ang naisagot ko.
"Kahit tututol ang Mommy mo ay hindi kita pakakawalan. Matagal kong hinintay na maging akin ka nang tuluyan kaya di na kita pwedeng pakawalan," seryoso niyang pahayag.
Isang pagod pero kuntentong ngiti ang sumilay sa mga labi ko bago ko sinalubong ang matiim niyang mga titig.
"At sa tingin mo ay makakawala ka pa sa'kin matapos ang pinaggagawa mo?" may pagbabanta kong tanong. "Suot ko na ang singsing mo at kasalukuyan kang nakapwesto kung saan ka nararapat kaya wala nang atrasan 'to kahit sinong hari pa ang tututol!"
"Bakit parang nanakot ka?" himutok nito.
"Di lang ako basta nanakot, nambubugbog din ako kaya dapat pakabait ka," malumanay pero naroon pa rin ang pagbabanta kong sabi.
Huwag siyang makampanteng mahal ko siya dahil kung may kalokohan siyang gagawin ay goodbye kagwapuhan ang mapapala niya.