"I'm sorry."
"Sorry po."
Magkapanabay naming usal ni Mommy sa gitna ng katahimikang saglit na pumagitan sa'min.
Naglapat ang aming mga mata at iglap lang ay natagpuan ko na ang sariling yakap-yakap ang inang lihim kong pinanabikang mayakap sa loob ng mahabang panahong nalayo ako sa kanya.
Wala pa rin talagang papantay sa yakap ng isang ina. Pakiramdam ko ay nabawi ng yakap na ito ang ilang taon kong pangungulila sa kanya.
Mabilis na nag-init ang sulok ng aking mga mata kaya itiningala ko ang sariling mukha upang bumalik sa pinanggalingan nila ang nag-aambang pamumuo ng mga luha ko.
Wala mang salitang namagitan sa amin ni Mommy ay kapwa naman nagkaintindihan ang aming mga puso.
Sapat na ang mainit na yakap para sa isang magandang simula namin.
Di na kailangan pang bigkasin ng mga labi namin ang gusto naming iparating sa bawat isa dahil sinisigaw na ito ng aming mga puso.
Pakiramdam ko ay dinuduyan ako sa gaan ng aking pakiramdam. Nawala ang kung anumang batirang bigat o agam-agam sa aking puso.
Wala na akong mahihiling pa.
Habang yakap-yakap si Mommy ay dumulyap ako sa kinatatayuan ni Igop.
Nakangiti niyang pinanood ang nangyayari at nang magsalubong ang mga mata namin ay isang nakakakilig na kindat ang ibinigay niya sa'kin.
Walang mintis talaga ang boy bagyo na ito sa pagpakabog ng puso ko.
Naputol ang yakapan namin ni Mommy nang bigla ay malakas na tumikhim si Igop.
Grabe, di pa rin ako sanay na di siya tawaging Tito. Natatawag ko na lang siya nang gano'n tuwing nawawala na ako sa sarili dahil sa sarap. Bukambibig ko iyon kagabi kaya tinalo ko pa mga nightshift sa trabaho dahil di ako pinahinga at kaninang umaga nga ay nadulas din akong tawagin siyang gano'n kaya ang resulta ay napaka-satisfying.
Nang pakawalan akoni Mommy ay parehong natuon ang atensiyon namin kay Igop.
May ideya na ako kung ano ang gusto niyang sabihin at nahawa siguroakosa kaba niya kanina kaya para ako ngayong aatakehin.
"Ate, alam kong napakaaga pa para sa hihilingin ko kasi ang bata pa ni Yvonne," malumanay nitong panimula.
Kung makabata naman ito sa'kin parang di namin i araw-araw ang paggawa ng bata. Sarap sana niyang barahin pero ayokong sirain ang seryosong atmosphere.
"Ate... mahal na mahal ko po iyang anak ninyo. Tumanda na po ako sa kakahintay sa tamang panahon, gusto ko pong pakasalan si Yvonne."
Katahimikan.
Halos di ako humihinga habang hinihintay ang tugon ni Mommy. Pinagpawisan ako sa kaba dahil sa pananahimik nito at wala rin akong mababasa sa ekspresyon ng mukha nito.
Di ko na nga pinahalatang kinikilig ako kasi baka biglang mausog.
Nang dumako sa'kin ang mga mata ni Mommy ay abot-abot ang kaba ko. Halos di na ako humihinga habang pinanood na bumaba ang tingin niya sa kamay ko kung saan naroon ang daliring may suot ng singsing na ibinigay ni Igop.
Bigla ay parang bumigat ang singsing sa daliri ko.
"Mahal mo ba?"
Napakurap-kurap ako sa bigla niyang itinanong sa'kin. Nang mag-angat siya ng tingin at deretsong tumitig sa mga mata ko ay kusa akong napatango bilang sagot.
Wala mang salitang lumabas sa bibig ko ay nasisiguro kong nakikita niya sa nga mata ko ang sagot.
"Your father brought you up properly... Nakakalungkot mang lumaki ka na nang ganito na hindi man lang ako naging malaking parte ng kabataan mo... but look at you now, very young but can already decide for yourself. Sino ba naman ako upang kontrahin ang desisyon mo? I'm just the woman who bore you in this world but never been a mother to you," mahina pero malinaw niyang pahayag.
"You can still change that... it's not yet too late to be a mother to me... magpapakasal lang po ako pero di po niyon mababago ang pagiging nanay ninyo sa'kin," nakangiti kong sabi.
"Carlos will be so proud of you..." paanas niyang saad. Napansin ko ang kislap ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.
But my mother is a Del Russo, she's stronger than how she looks kaya mabilis niyang nakontrol ang kanyang emosyon.
"Go back home, your cousins are also getting hitch and making babies! I want all the Del Russos to witness your wedding," taas-noong pahayag ni Mommy.
"Is that a yes, Ate?" excited na tanong ni Igop.
Agad din itong natameme nang sibatin nang matalim na tingin ni Mommy.
"Ramirez, I won't never forget the day you put your filty hands on my daughter... Pasalamat ka at pinsan ka ni Carlos dahil kung hindi, I'll torture you the Del Russo way. I'm watching you, so be careful," malamig at may pagbabantang sabi ni Mommy.
"I have to call your brother to tell him the news," baling ni Mommy sa'kin. "All talks about getting married are getting on my nerves, why don't you just stay as children and stop thinking like adults."
Tahimik lang kami ni Tito at pinanood si Momny na papalayo habang nayayamot na nagsasalita mag-isa.
"That went well kahit pakiramdam ko ay may banta sa buhay ko," panimula ni Igop.
Bago pa ako nakahuma ay bigla akong napatili nang walang babala niya hinawakan sa baywang at parang magaang papel na binuhat.
Mahigpit akong napahawak sa balikat niya sa takot na mahulog habang inikot-ikot niya ako.
"We're getting married! You're going to be Mrs. Ramirez! My Mrs. Ramirez!" tuwang-tuwa niyang sigaw.
Napangiti na lang ako dahil sa sayang nakalarawan sa buo niyang mukha.
"So, you're getting married."
Tumigil si Igop sa kakaikot sa akin at maingat akong ibinaba nang di inaalis ang mga kamay sa baywang bago hinarap ang buong pamilya niya na kapwa nakangiting nakamasid sa amin.
"Oh please... this is not a surprise anymore because you all know that this moment is bound to happen," nakangiting sabi ni Igop.
"Gusto ka lang naming batiin dahil sa wakas nagbunga na rin ang patingin-tingin mo mula sa malayo," mapang-asar na sabi ni Tita Dana.
"Iyong pangarap mo lang noon Boy Bagyo, hawak-hawak mo na kaya higpitan ang kapit," dagdag ni Tita Rhea.
"Congratulations to both of you," nakangiting bati ni Daditito.
"At last, you'll be officially part of the family," maluha-luhang pahayag ni Mamitita.
"We want to hug you, you know... but looking on how my brother holding you right now, we will just do it next time when he's not around," kibitbalikat na komento ni Ate Rhea ba umani ng tawanan.
Ako na lang iyong nagkusang umalis mula sa pagkakahawak ni Igop at lumapit sa kanila.
Mahigpit agad akong sinalubong ng yakap ni Mamitita at halik sa noo ni Daditito.
"Congratulations, please... pahirapan mo si Boy Bagyo," nakangiting bati ni Tita Rhea.
"Turuan mo kung paano kontrolin ang kahanginan," segunda ni Ate Dana.
"Huwag ni'yong turuan nang kung anu-ano ang asawa ko!" makakas na reklamo ni Igop.
"Asawa agad? Ikakasal pa lang kayo, oy! May pinsan si Yvonne na ikakasal this year kaya di kayo pwedeng sumukob," nakangising saad ni Tita Dana.
"Di rin pwede next year dahil meron ding isang Del Russo na ikakasal. Sunud-sunod na magpapakasal ang mga pinsan ni Yvonne kaya tutubuan ka muna ng puting buhok bago tuluyang makasal," nang-aasar na sabi ni Tita Rhea.
Di ko alam ang tungkol sa sukob kung ikakasal ang magpipinsan kasi ang alam ko ay sa kapatid lang iyon.
Parehong mapang-asar na nakangisi sina Tita Dana at Tira Rhea kaya nasisiguro kong ginu-good time lang nila si Igop.
Halatang niloloko lang siya ng kanyang mga kapatid pero dahil minsan ay mas inuuna pa ni Igop ang pagiging gwapo kaysa pagiging tao na may pag-iisip ay paniwalang-paniwala siya sa mga pinagsasabi ng kanyang mga kapatid.
Di ko alam kung matatawa ba ako o maaawa sa problemado niang mukha habang palakad-lakad sa harapan namin at may tinatawagan sa cellphone.
"Yes Kuya Luc, seryoso ako! Kunin mo ang schedule ng lahat ng mga Del Russo na ikakasal. Hindi ito favor, inuutusan kita! Huwag mo akong murahin dahil babayaran kita!"
Maya-maya lang ay nagaganap na sa harapan namin ang isang transaction sa pagitan ng utu-u***g si Igop at kay Kuya Luc na magaling mangbudol basta pera na ang usapan.
"Hindi naman siguro mamumulubi si Igop 'no?" nakangiwing tanong ni Tita Rhea nang umabot na sa 7 digits iyong usapang bayad.
"Magaling naman sa negosyo iyang si Igop , di lang halata dahil sa kahanginan," ani Tita Dana.
"Pero tatanga-tanga pagdating kay Yvonne," bungisngis bi Mamitita.
Para pa itong kinilig sa sinabi.
"Sana all," panabay na bulalas ng lahat.
Pati si Daditito ay nakikisabay rin kaya nauwi kami sa tawanan.
Habang tumatawa ay ramdam ko ang pagiging bahagi ng pamilya nila.
Parang kailan lang ay hinahanap ko ang lugar na para sa akin sa mundong ito pero ito lang pala iyon.
Binuksan ko lang ang puso ko at parang magic na natagpuan ko ang lugar na laan para sa akin, sa piling ni Igop. Ang pamilya ni Igop ay pamilya ko na rin at ang pagmamahal na hinahanap ko ay doble-doble ang dumating.
Siguro kung nakikita ako ngayon ni Daddy ay nakangiti ito sa kung saan man ito naroon.